Chapter 7

966 Words
     HINDI NIYA alam kung matutuwa o ano dahil cool lang ang reaksyon ng pamilya niya. Excited pa ang mga ito sa first episode na lalabas. Nang ipakita niya ang susuotin niya ay mas na excite pa ang mga lukaret. Hindi niya alam kung fine-fake lang ng dalawa ang support nito o talagang natutuwa ang dalawa para sa new undertaking niya.      Nakatitig lang siya sa kisame at katatapos lang ng basa ng script, tomorrow she will become a new Stace.      Paulit ulit niya iyong iniisip at ini-imagine kung anong kalalabasan ng eksena, ngunit hinele na siya ng malalim na tulog.        NAPADILAT ANG mga talukap ng mata niya ng maramdaman ang mainit na hagod sa katawan niya.      “L-Lucas?” she blinked twice, as she saw the guy against the ray of sunshine staring down at her.      “Good morning hon,” ngisi nito. “Had a good sleep?” nakalawit sa beywang nito ang dalawang palad.      Napabalikwas siya at napa-upo sa kama. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Nakapantulog pa naman siya.      “W-what are you doing here? Bat nakapasok ka dito?”      “Obviously, pinapasok ako ng mommy mo.”      “How can they do that?” angil niya. “You can’t be in my room!”      “Well, I’m here,” in-ekis nito sa dibdib nito ang dalawang palad. “So you can’t do anything about that.” Naka simpleng gray tshirt lang din ito at khaki pants. Pero ganoon pa man ay klaro pa rin ang magandang bulto ng pangangatawan nito.      “What do you need from me?” isang segundo na lang ay magla-launch dive na siya upang sipain ang walanghiya.      “I need you, to test drive my junior,” sambit nito, without any ounce of embarrassment or hesitation.      “Junior?” ulit niya.      “Yup,” itinuro nito ang gitna ng khaki pants nito. And then Lucas winked.        “The hell with you!” bark ng boses niya. “Lucifer, lubayan mo na ang katawan ng lalaking ‘to!”      Napatawa ito ng malakas sa kaniya. “If you don’t do that Stace, then I’ll void all your contracts…” his voice became sharp and suddenly dark and serious. Unti-unti itong humakbang sa kama niya. Mas idiniin naman niya ang sarili sa headboard ng kama.      “H-huwag! Huwag kang lumapit damuho ka!”      “I can, I can easily kiss you if you want,” he sexily drawled at napa-upo na ito katapat niya. His arms slowly crawled towards her blanket.      “N-no!” tili niya. “No! Baliw ka!”      “Choose Stacey, call or touch?” taas at ekis ng kilay nito, nanunulay ang mapaglarong ngiti. “Touch, or call?”      “Ayoko nga! Hindi ako pipili, baliw ka!” iniitsa niya dito ang isang teddy stuff toy sa gilid niya.      Ngunit nakailag ito. At sa isang iglap ay nasa bisig at kandungan na siya nito. “N-nooo!” she screamed. But all she see is his devilish smile.      “Touch, right?” matagumpay na ngisi ng kaharap.      Unti-unti ay lumalapit ang mukha nito sa kaniya. Hindi niya napigil ang mapatili. Sa sobra niyang tili ay napahingal siyang napabalikwas sa kama.      Sinapo niya ang noo. She can hear bangs from outside her door. Napaigtad siya ng makita ang relos niya. Halos mag a-alas kuwatro na ng hapon!      Ba’t siya nakatulog ng ganoon katagal.      “Nak, nak andiyan na daw sundo mo!”      “Mommy!” napatakbo siya upang pagbuksan ito. “Ba’t hindi mo ko ginising?”      “Maaga ako kanina, may client eh, umalis din si Soleil. Kanina lang ng maalala ka namin!”      “Sinong andiyan?”      “Si Will daw, tsaka si Lucas,” ani mommy niya. “Pero maghihintay naman daw sila, eh. Ano bang dadalhin mo, liligpitin ko na?”      Napatili lang siya habang sinusuklay ang buhok. Siguro ay sobrang pagod siya kahapon kaya’t ang sarap ng tulog niya, umeksena pa itong si Lucas.           NANG MAPALULAN SIYA SA VAN, sumalubong sa kaniya ang mga matang iyon ni Lucas. Nasa driving seat si Will, nasa likuran naman ang ibang crew tulad ng make-up artist at iba pang ka-team ata ni Lucas.      Wala ng space ang likuran kaya’t no choice at napa-upo siya sa gilid ng lalaking laman ng panaginip niya kanina.      He is surely handsome, poloshirt at pants ang suot nito ngayon at brown leather shoes. Naka unbutton ang dalawang pang itaas na butones nito kaya’t nakikinita ang parte ng dibdib nito. She can see some fine hairs. Medyo mabuhok pala ang dibdib nito?      She didn’t know but she feel a sudden weird tingle in her spine. She shrugged it off.      “Nilalamig ka ba?” pukaw ni Lucas sa kaniya.      “Ah, hindi,” sagot niya, she saw a haze of smoke drift through her eyes. Binugahan lang naman siya ng damuho ng usok mula sa papaupos na nitong sigarilyo.      “Smoking is bad,” bulong niya.      Interesante lang siyang dinaanan ng titig ng lalaki. Inirapan niya ito.      “Do you want me to quit smoking?” ngiti nito, pero hindi niya sinagot. “But I can grant that only with one condition.”      “Ano iyon?” himig niya, iniiwas ang mukha dito.      “I should taste something more relaxing than this, that’s what makes me stop,” he uttered.      Ilang segundo palang silang nag-uusap pero pakiramdam niya ay sasabog na siya sa inis at pagkairita.      “Here we are,” announcement ni Will mula sa harapan, “hop off, everyone,” isa-isa na silang bumaba.      “Alam mo na ba ang gagawin mo?” double check sa kaniya ni Lucas.      “Oo, nabasa ko na ang script.”      “So alam mong hahawakan kita sa beywang?”      Hindi siya nakatugon, totoong nasa script iyon. “At lalapit ako sa ‘yo? Yung halos hahalikan na kita?” suwabeng anunsiyo lang nito.      Help me Lord, tanging palihim lang niyang sambit.      Nang pumasok sila sa bar, ay agad na yumakap sa kaniya ang lamig.      Hindi siya sanay sa ganoon na ambiance kaya’t napahalukipkip siya. Kahit pa nag-bar sila ng mga kaibigan lately ay kasama naman niya ang mga kaibigan, at heartbroken siya.  Pero iba ang ngayon. Thank you for reading, please dont forget to Follow Me :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD