Dude Chapter 2

3523 Words
CHAPTER 2 Buhay ko na noon ang aking inililigtas. Ngunit bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko siyang nakatago sa gilid na halos matakpan ng mga nagtatayugang damo. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang bisig niyang nakapaikot sa aking baywang. Suminghap ako ng tubig habang inilalangoy niya ako sa mababaw na bahagi ng sapa. At nang binuhat niya ako para ipahiga sa may damuhan ay tinuluy-tuloy ko na ang aking pag-iinarte. Naisip kong gantihan siya dahil sa ginawa niyang pagkukunyariang nalunod kahit marunong pala siyang sumisid at mabilis na pinagtaguan niya ako. Hindi madali sa aking ibuwis ko ang buhay ko para lang sana iligtas siya. Naramdaman kong inilagay niya ang hintuturo niya sa aking ilong. Siguro pinapakiramdaman niya kung humihinga pa ako. Mabilis kong itinigil ang paghinga. "Hoy!!!" tinatapik-tapik niya ang aking pisngi ngunit desidido talaga akong artehan siya. Naririnig ko ang kaniyang mga buntong hininga at alam kong ninenerbiyos siya dahil sa kaniyang sinasabi. "Paano ba 'to. Anong gagawin ko!" Inilapit niya ang kaniyang tainga sa aking ilong, naninigurado siguro kung hindi na nga talaga ako humihinga pa. Nang maramdaman niyang walang hanging ang lumalabas sa aking ilong ay inilagay niya ang kaniyang palad sa aking dibdib at ipinihit niya iyon ng tatlong beses. Ilang sandali pa ay tinakpan niya ang ilong ko at nararamdaman kong ibinaba ng isang kamay niya ang aking baba para bumuka ang aking bibig. Ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang kaniyang malambot na labi sa aking labi at binugahan niya ako ng hangin niya. Huli na nang gusto ko nang itigil ang pagkukunyari ko dahil kahit papaano iba na yung dadampi ang labi ng kapwa ko lalaki sa akin! Gusto kong mandiri pero hindi ko alam kung bakit nagbigay sa aking ng kakaibang sensasyon ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi. Inulit niyang muli iyon at mas nagiging matagal na. Naramdaman kong may tumirik sa pagitan ng aking hita. Hindi ko iyon napigilan. "Huminga ka bata! Please! Huwag kang mamatay!" paulit-ulit niyang sinabi. Muli niyang ginawa sa akin ang pagbuga ng hangin at diniinan uli ang dibdib ko ngunit bigla siyang tumigil at tumayo. Panakaw kong binuka ng kalahating bukas lang ang isang mata ko at nakita kong natuon ang tingin niya sa bumakat na ari ko na siyang nagpabukol sa manipis kong short. Napangiti ako. "Bumangon ka na't umuwi. Pinagluluko mo ako. Libog mo!" Natawa ako. Patay malisya kong dinakot ang ari ko at inayos para hindi ito ganoon kabukol. "Natakot ka? Ha Ha ha!" pang-aasar ko. "E, ikaw bakit ka tinigasan? Nalibugan ka?"Hindi ako nakasagot. Parang sa unang pagkakataon napahiya ako sa sarili ko. Ngunit mabilis akong naka-recover. "Ninerbiyos ka nga kanina eh, ayaw mo akong mamatay ah! Ha ha ha!" "Sige pagtawanan mo ako. Tinakot mo kaya ako" pinulot niya ang kaniyang damit at isinuot niya. "Sino kaya sa atin ang unang nanakot? Akala ko kanina nalunod ka na kaya kahit hindi ako marunong lumangoy binalak kong iligtas ka." Umupo na ako. Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ka naman pala marunong lumangoy ta's anlakas ng loob mong sagipin ako." Nagsalubong ang kaniyang kilay. "Kasi nga lagi mo akong inililigtas. Makabawi man lang sana ako sa'yo para may mapatunayan ko sanang hindi ako lampa tulad ng sinabi mo. Pero sige umaamin na akong lampa ako ngunit hindi naman ako hambog." "Bakit ka nga ba nandito? Sinusundan mo ba ako?" "Hindi no." umupo ako sa bato. "E, kung hindi mo ako sinusundan, anong ginawa mo dito." "Nilipad yung saranggola ko, hindi ko alam kung saan bumagsak kaya ko sinundan dito sa gubat pero narinig ko itong lagaslas ng tubig kaya ako pumunta rito e' saktong nandito ka din pala." "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo." "Bakit sa tuwing nagkikita tayo lagi mo akong pinauuwi. Di naman kita tatay o kuya. Di mo nga sinasabi ang pangalan mo." "E, kasi mga katulad mong tiga-Maynila, parang mga alagain. Sige na, baka hinahanap na din ako." Sinuot niya ang kaniyang short. "Patrick pala pangalan ko. Ikaw? "Bakit? "Ano nga?" "Zanjo." "Ilang taon ka na?" "13. E ikaw?" "Nauna ka lang pala sa aking ng isang taon. Bago ka lang dito? Kasi taun-taon kami nagbabakasyon dito pero ngayon lang kita nakita. Saan ka nakatira?" "Dami mong tanong. Umuwi ka na nga." Tumalikod na siya. "Sandali." Hinabol ko siya. Hinawakan ko ang braso niya. "Ano!" inis niyang sagot. "Salamat pala sa pagliligtas mo sa akin, Zanjo." "Wala 'yun, sige na." Tumalikod na siya. Naiwan ako doon na hindi ko alam kung saan ako lalabas dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam kung saan ang daan ko pauwi sa bahay nina lola. Nahiya na din akong humingi pa ng tulong kay Zanjo. Naisip kong maaring kapitbahay lang nila sina lola kaya kung sakaling sundan ko siya at makakalabas kami sa gubat ay mas mabilis ko ng matutunton ang bahay nina lola. Bago siya nilamon ng masukal na gubat ay binilisan ko siyang sinundan. Mabilis ang kaniyang mga hakbang kaya ako naman ay parang tumatakbo na din. Tumigil siya na parang nakikiramdam at bago siya lumingon ay nakatago na din ako. Nang pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad ay sinundan ko parin siya. Malayo-layo na din ang aming nilakad nang bigla ko na lang siyang hindi makita. Binilisan ko ang lakad ko at baka lang lumiko siya sa malalaking puno ngunit wala na talaga siya. Gusto kong sumigaw at tawagin siya pero baka sabihin na naman niyang lampa ako. Ngunit paano ako ngayon makakalabas sa gubat? Tagaktak na ako ng pawis. Nasa'n na ba kasi 'yun. Bakit ambilis niyang nawala. Tumigil ako. Maluha-luha na ako dahil sa takot. Paano kung hindi ako makabalik sa bahay nina lolo bago magtakip-silim? Biglang may pumiring sa aking mga mata. Kahit nagulat ako ay alam kong si Zanjo pa din iyon. Dahil sa ang ulo ko ay nasa balikat na niya, ang kaliwang kamay niya ang ginamit niyang pinantakip sa aking mga mata at ang kanang kamay niya ay nakapulupot sa aking dibdib. Nabubunggo ang kaniyang ari sa gilid ng aking puwitan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon na naman sa aking ng kakaibang epekto iyon na hindi ko maintindihan. "Bakit mo ako sinusundan! Naiinis na ako sa'yo! Tantanan mo nga ako!" "Naliligaw kasi ako." Sagot ko. Hindi parin niya tinatanggal ang kaniyang mga kamay. "Kung ihahatid kita sa labasan malapit sa malaking puno, tatantanan mo na ako?" "Depende!" napapangiti ako sa sinagot ko. Ako pa kasi ang may ganang gumawa ng deal. "Depende?" tinanggal na niya ang kamay niyang pumiring sa akin. "Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi ng depende." "Kung tuturuan mo akong lumangoy, titigilan na kita. Ilang araw lang ako dito kaya malamang di mo na din muli ako makikita. Kaya turuan mo naman akong lumangoy." "Sa isang kundisyon." Siya din ang humingi ng pabor. "Ano 'yun." Tanong ko. "Akin na yung pellet gun mo at yung suot mong short kahapon." "Bakit wala kang pambili?" tanong ko. "Mahirap lang kami. Saan naman ako kukuha ng pambili ko ng baril-barilan kung pati nga pangkain naming ay araw-araw namin pinagtratrabahuan." Bumuntong-hininga siya. Nakaramdam ako ng awa. Kaya pala amoy sabong panlaba siya at iyon ang ginagamit niyang sabon kanina at butas-butas ang suot niyang sando at short. Hindi lang kasi ako mahilig mamintas kaya hindi ko binigyang pansin iyon. Ngunit dahil sa sinabi niya ay alam kong naghihikahos siya sa buhay. Pinalaki kami ni daddy na bawal mamintas at kailangan naming igalang ang ibang tao anuman ang kanilang katayuan sa buhay dahil siya daw mismo ay galing din sa hirap. "Deal ako diyan. Ibibigay ko ang pellet gun ko kasama ng mga maraming bala, bibigyan kita ng mga damit ko. Basta turuan mo akong lumangoy. Magdadala din ako bukas ng miryenda natin." Ngumiti siya. Ngumiti din ako. Tinaas ko ang palad ko para mag-aapir kami. Nakipag-appearan siya. Nang ina-appear niya ako ay hinawakan ko ang kamay niya sabay sabing..."Cross my heart! Ano sasagot mo?" tanong ko. Nakita kong tumaas ang kaniyang kilay. "E, anong isasagot ko." "Dapat kapag mag-apir tayo, hawakan natin ang kamay nating ganito ta's yung mga hinlalaki natin ay magtatagpo sa gitna. Kung sasabihin kong cross my heart, ang sasagot mo naman ay hope to die!" "Dami namang kaartehan!" "Hindi arte 'yun, dapat may sarili tayong paraan kapag nag-aapir, kasi tropa na tayo. Magkaibigan! Ayaw mo ba akong kaibigan?" "Ikaw? Gusto mo ba akong kaibigan?" balik tanong niya.  Tumango ako. "Kasi naalangan ako sa'yo. Mukhang mayaman ka." "Gusto kitang kaibigan. Kung nagkataon ito na pinakamasayang bakasyon ko dito kasi sa tuwing umuuwi kami dito nina Daddy wala akong makalaro e. Ano, barkada na tayo?" "Sige ba. Ako pa ba tatanggi?" "Ayos!" tinaas ko ang kamay ko at nakipag-apir. Ngayon marunong na siya. Hinawakan niya na din niya ang apat na daliri ko at nagsalubong na aming hinlalaki. "Cross my heart." Sabi ko. "Hope to die" nahihiya niyang sagot. "Tara na, ihatid na kita bago lumubog ang araw." Habang naglalakad kami ay inakbayan ko siya. Liningon niya ako. Ngumiti. Ilang saglit lang at inakbayan na din niya ako. "Para hindi ka mapagod at mainip, magkuwento ka sa akin ta's mapapansin mo na lang nasa puno na tayo." "Anong ikukuwento ko dude." "Dude?" tanong niya. "Ano ka ba. Iyon ang uso na tawagan ng mga magtrotropa sa manila. Dude. Kaya iyon na din ang tawagan natin, dude!" "O, siya magkuwento ka na kahit na ano, dude!" "Yun e! hahaha!"             Tama siya, hindi nga ako nakaramdam ng pagod kahit halos kalahating oras na yata ang nilakad namin. Hindi ko akalain na nakalayo na din pala ako kanina. Nang marating namin ang malaking puno ay palubog na ang araw. "O pa'no dude. Bukas na lang tayo magkita ng tanghali doon sa may sapa. Hindi ka na ba mawawala pagpunta mo doon o susunduin pa kita dito?" "Huwag na, natandaan ko na kanina nang nadaanan natin pabalik dito." Pagtanggi ko. Ngumiti siya. Kinindatan ako. "Dude..." napapailing at ngumingiti. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o naninibaguhan lang siya sa tawagan namin. Tinaas ko ang kamay ko. Sinalubong niya ang apir ko. "Cross my heart, dude" "Hope to die!" Pero dinagdagan ko na ang simpleng apir lang namin. Hinila ko siya at nagtagpo ang aming dibdib. "May ganun din?" "Oo, pandagdag kapag nagpapaalam tayo sa isa't isa, dude." Nakangiti siyang kumaway sa akin bago siya tuluyang nilamon ng kagubatan. Pagdating ko sa bahay ay wala si Daddy. Hinahanap daw ako kasama si Lolo. Tulad ng nakagawian, bunganga na naman ni Mommy ang sumalubong sa akin. Katulad ng ginagawa niya sa Manila kung late na ako umuwi dahil sa pagcocomputer. Sanay na ako doon kaya nilambing-lambing ko siya dahil alam kong kapag ginagawa ko iyon ay nawawala na ng kusa ang galit niya sa akin. "Saan ka nagpuntang bata ka! Pinag-alala mo kami ah!" si Daddy. Halatang galit. "Dad, ang ganda pala doon sa may batis na may maliit na falls. Tumambay ako doon at may kaibigan akong halos kasing edad kong magtuturo sa akin kung paano lumangoy." Ipinakita ko sa kaniyang nawiwili na ako. Alam ko kasi na iyon ang kahinaan ni Daddy. Ang makita niyang masaya ako at nawiwili sa lugar na kaniyang kinalakhan. Nagkatinginan sila ni lolo. Nakita kong nawala ang kanina'y galit ni Daddy. "Bukas po, babalik ako roon. Magpapaturo lang ako sa paglalangoy. Okey lang ba Dad?" "Papayagan kita pero mag-iingat ka. Doon din ako natutong lumangoy noon. Ang kaibahan lang, mas masukal ang gubat noon. Basta mag-ingat ka ha. Tatlong araw na lang babalik na tayo sa Manila. Kaya, mabuti at nakahanap ka ng iyong mapaglilibangan." "Ayos dad." "Sino ba 'yang bata na magtuturo sa'yo sa paglangoy?" "Zanjo po ang pangalan. Di ko na tinanong ang apilyido." "Zanjo?" tumingin siya kay lolo. "Wala akong kilalang batang ganun ang pangalan sa mga kapit-bahay natin ah. Sigurado ka bang Zanjo daw ang pangalan?" "Oho. Baka tiga-ibayong barangay ho." Kinagabihan ay hindi ako makatulog na naman. Dumikit sa utak ko ang mukha ni Zanjo. Ang kaniyang ngiti. Ang mahiyain niyang mga mata na kung nagkakatitigan kami ay siya ang nauunang magbaba. Ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Ang sinasabon niya kanina. Ang mainit-init niyang labi at bango ng hininga nang binubugahan niya ako ng hininga niya. Bigla na naman akong nagkaroon ng nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Napansin ko na naman na tinigasan ako. Sana hindi ako bakla. Sana hinahangaan ko lang siya. Kinabukasan ay inipon ko ang mga damit ko na naiwan ko sa bahay nina lola sa tuwing nagbabakasyon kami na alam kong magkakasya kay Zanjo. Ibinalik ko din ang pellet gun ko sa box dahil kabibili lang naman ni Daddy sa akin ito bago kami umuwi dito sa Vizcaya. Pakiramdam ko nakapatagal mag-ala una. Pati nga sa pagkain kanina nagmamadali ako at hindi ko nalasahan ang tinolang manok na niluto ni lola. Paborito ko pa naman iyon. Wala pang ala-una ay naroon na ako at naghihintay sa batis. Palinga-linga sa kaniyang pagdating. Tatlumpong-minuto na akong nakaupo doon ngunit wala pa siya. Naiinip na ako lalo't nakakaramdam na ako ng antok. Biglang may nagdive mula sa sanga ng puno na kinahulugan ko kahapon. Bumilis ang t***k ng aking puso. Siya na nga. At doon pala talaga siya nagdadive. Nang umahon siya at tanging lumang brief ang suot niya ay naroon na naman ang diyaskeng nararamdaman ko. Lalo pa niya akong binihag nang nakangiti siyang nakatingin sa akin. Uminit ang aking mukha at alam kong epekto noon. Pinamumulahan na naman ako. "Galing dude, ah!" bati ko. "Tuturuan din kita no'n. Kanina ka pa?" tanong niya. Tinaas niya ang kaniyang kamay at tinanggap ko iyon. Ngunit sa pagkakataong iyon siya ang humila sa akin. Dumikit ang hubad niyang katawan sa hubad kong katawan. Nagkatinginan kami. Sa tindi ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko masabi ang karaniwang sinasabi namin kung nag-aapir kami. Nagsimula kaming lumusong sa tubig. Unang ginawa niya ay pinasakay niya ako sa dalawang bisig niya. Kailangan ko daw magrelaks at matutunan kung paano ang tamang pagkampay ng kamay na sinasabayan ng pagkilos ng aking mga paa para hindi ako lulubog sa tubig. Nang nasa malalim na kami ay binitiwan niya ako ngunit hindi siya lumayo. Nagpanik ako ng alam kong unti-unti na naman akong malulunod. Bigla ko siyang hinawakan sa leeg at niyakap at dahil sa takot ay nagtama ang aming mga bibig. Hindi niya inilayo ang labi sa aking labi. Naramdaman ko ang paggalaw niyon na parang medyo kinagat pa niya ang pang-ibabang bahagi ng aking labi. Ako man din ay walang balak ilayo ang aking labi. Gusto ko ang pakiramdam ng malambot niyang labi sa aking labi. Gusto ko ang pagpapalitan namin ng hininga. Naramdaman ko ang matigas na bagay na bumundol sa aking tagiliran. Tulad ko, alam kong tinigasan din siya ngunit nang iginalaw ko ang aking labi para halikan siya ng totoong halik tulad ng mga napapanood ko ay bigla siyang sumisid kasama ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nang inilabas namin ang aming mga ulo sa likod ng bumabagsak na tubig sa falls ay nakangiti siya sa akin. "Libog mo, dude!" "Hindi kaya. Baka ikaw." "Maganda dito ano? Tagun-tago tayo. Hindi tayo makikita kung nasa likod tayo ng bumubuhos na tubig. Magpahinga muna tayo ta's ituloy natin mamaya." Nagkatinginan kami. Ngumiti siya. Ngumiti din ako. Pagkatapos ng limang minuto na pahinga ay sinimulan uli niyang turuan akong lumangoy. Laging nagkakadikit ang aming mga katawan. Laging parang halos magkahalikan na kami at hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko. Noon lang ako nakaramdam ng ganoong kasaya. Sayang parang ipinaghehele ako. Bago matapos ang hapon ay marunong na ako ng langoy aso. Natapos ang araw na lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Nakita ko ang kakaibang tuwa sa kaniyang mukha nang iniabot ko ang mga damit na ibibigay ko sa kaniya at ang pellet gun na nakalagay pa sa box. Ako naman ang nagturo sa kaniya kung paano niya iyon gagamitin ngunit sa mas magaling siyang umasinta sa akin. Pangalawang araw ay natutunan ko ng sumisid at kontrolin ang aking paghinga. Minsan nga napagkatuwaan naming maghanapan sa loob ng tubig. Madali niya akong nahahanap dahil siguro hindi ko makontrol ang paglabas ng hanging sa aking bibig kaya alam niya kung nasaan ako. Kapag nahahanap niya ako ay kinakalabit lang niya ako sa tagiliran. Nang ako na ang taya ay nakatatlong tago na siya ngunit hindi ko siya mahanap ngunit nang pang-apat na naming sisid ay masusi kong pinag-aralan ang kaniyang laging estilo. Kung nakaharap siya sa kaliwa bago sumisid, siguradong sa kanan siya magtatago. Nag-ipon ako ng sapat na hangin bago ako sumisid at hindi ako nagkamali. Nasukol ko nga siya. Niyakap ko siya sa loob ng tubig. Hinanap ng labi ko ang kaniyang labi dahil sabik na ako na magkahinang ang aming mga labi. Nang nagtama ang aming mga labi ay bigla niya akong itinulak at sumisid palayo sa akin. Umahon siya. Sumunod ako. "Bakit ka ba nanghahalik dude?" naiinis niyang tanong sa akin. "Wala lang. Nagbibiro lang ako, trip lang." Wala akong ibang maisagot. Nakaramdam ako ng pagkapahiya ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya. Nakaharap na kami sa falls. Nakiramdam ako. Tumingin siya sa akin. Nilingon ko siya ngunit hindi ko masalubong ang kaniyang tingin. Dati siya ang unang nagbababa ng kaniyang tingin ngayon parang akong inuusig ng kaniyang tingin. "Bakla ka ba?" Hindi ko napaghandaan ang tanong niyang iyon. Ako man ay hindi ko din alam kung bakla nga ba ako. "Hindi. Baka ikaw?" "Ako? Ako pa ngayon ang bakla samantalang ikaw itong nanghahalik?" "Sorry. Joke ko lang naman 'yun." "Hindi magandang joke yun, dude. Lalaki tayong pareho. Hindi yata tamang naghahalikan tayo sa labi." "Sige. Sabi mo eh." Nang gabing iyon ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nakita ko si Mommy na pumunta sa kusina. Sumunod ako. "Mom, paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?" Ngumiti si Mommy. Para bang hindi siya nagulat sa tanong ko. Kumuha siya ng tubig. Umupo sa mesang kinakainan namin. Humarap ako sa kaniya. "Bakit mo tinatanong iyan? May gusto ka na bang babae?" "Wala pa naman. Kaso pa'no mo nga masasabing mahal mo ang isang tao." "Kung siya lagi ang laman ng isip mo bago matulog at paggising mo sa umaga, kung hindi mo maipaliwanag ang sayang nararamdaman mo kapag nakikita o kasama mo siya. Minsan nanlalamig ka na parang kinakabahan kapag nakikita mo siya. Gusto mo siya laging makasama. Yung sa'yo puppy love lang 'yan. Malalim ang ibig sabihin ng pagmamahal anak. Hindi iyon naidadaan sa salita, nararamdaman mo iyon na lahat ay kaya mong gawin para sa taong mahal mo. Bata ka pa anak para diyan. Sige na. matulog na tayo. Huwag mo muna problemahin ang bagay dahil hindi ka pa handa para diyan. Enjoy mo ang paglaki mo, nagkakaintindihan ba tayo kuya?" Nang gabing iyon, alam ko. Kung puppy love man ang nararamdaman ko kay Zanjo, iisa lang ang ibig sabihin no'n. Bakla ako. At ayaw ko sanang magtuluy-tuloy ang nararamdaman ko. Pero paano ko nga ba iyon mapaglalabanan kung ang tanging alam kong ikinasisiya ko ay ang makita siya at makasama? Nang pangatlong araw ng aming pagkikita ay tinuruan na niya ako magdive. Nang una natatakot ako. "Sige. Sabay tayong tumalon." "Sabay? Natatakot ako! Paano kung hindi na ako lulutang?" "Sige para hindi ka matakot. Magkahawak tayong tatalon." "Sige!"             Ngunit bago kami tumalon ay mabilis ko siyang niyakap dahil sa takot. Nakayakap na din siya sa akin bago namin narating ang tubig at magkayakap parin kami mula sa loob ng tubig hanggang sa sabay kaming lumutang. Nakaramdam ako ng excitement. Iba pala talaga yung pakiramdam kapag nalalabanan mo yung takot mo. Iba pala kapag kayakap mo ang taong gusto mo, mas matapang ka, mas buo ang iyong loob na gawin ang bagay na akala mo ay hindi mo kaya.             Ilang sandali pa ay sumungit na ang panahon. Biglang may kidlat na at kulog. Natatakot ako sa kidlat at malalakas na kulog.             "Doon tayo sa may maliit na yungib sumilong. Baka kasi tamaan tayo ng kidlat. Bilisan mo bago bumuhos ang ulan." Mabilis niyang kinuha ang kaniyang damit at sumunod din ako. May manaka-nakang ulan na nang tumatakbo kami. At nang bumuhos ang malakas na ulan ay nasa maliit na yungib na kami. Ngunit malakas ang kulog at kidlat. Hindi ko na maitago ang aking takot. Nanginginig na ako. Tinignan niya ako.             "Bakit ka nanginginig? Giniginaw ka?"             "Hindi!" Biglang may nakapalakas na kidlat at kulog na naman.             Napapikit ako at tinakpan ko ang tainga ko para hindi ko marinig ang kulog.             Naramdaman kong niyakap niya ako. Mahigpit ang kaniyang yakap. Napayakap na din ako. "Ano bang ginagawa mo kapag ganiyang natatakot ka sa kidlat at kulog." "Nagtatalukbong at pinipilit matulog." "Sige, dito ka sa dibdib ko. Yayakapin kita hanggang sa tumila ang kulog at kidlat. Pilitin mong makatulog muna."             Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya ako at sinuklay ang basa kong buhok. Ngunit ilang sandali lang ay may kaluskos kaming narinig papasok sa maliit na yungib. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Daddy na nakasuot ng kapote at may hawak na payong. Nakatingin sa aming dalawa ni Zanjo na magkayakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD