CHAPTER 5
Nang matapos ang second year namin, siya na naman ang first honor at hindi man lang ako umabot sa top 5. Ang dahilan, huli na nang nagpakitang gilas ako. Pero hindi pa tapos ang laban. May susunod pang taon. Dahil sa bakasyon ay minabuti ni Daddy na sunduin ako at doon sa bahay gugulin ang aking bakasyon.
"Dad, pahanap nga po ako ng tutor para sa 3rd year subjects ko." pakiusap ko kay daddy.
Nagkatingin sila ni Mommy at nagkangitian. Hindi ko alam kung natutuwa sila sa hiling ko o nang-iinis lang.
"Sige. Basta ba magiging first honor ka."
"Promise Dad."
"Okey, ah. May maganda naman palang naidulot sa'yo ang pagtransfer mo sa Diadi.
"Maalala mo si Zanjo na kaibigan ko Dad? Kaklase ko siya ngayon. Sobrang yabang dahil siya ang pinakamatalino sa klase. Gusto kong ungusan siya para mabawasan ang kayabangan niya."
"Akala ko ba kaibigan mo? Bakit nakikikompetensiya ka sa kaniya." Si Mommy.
"Di naman na niya ako tinuturing na kaibigan. Kaya baka matauhan kung matatalo ko na siya sa school next school year."
Lumapit si Daddy. Inakbayan ako. "Basta anak, kahit pa anong ipaglalaban mo, huwag mong kalimutang lumaban ng patas. Hindi lang sa pag-aaral, pati sa iyong buhay, doon ka lagi sa kung ano ang sinasabi ng batas at tama sa mata ng tao at Diyos. Maliwanag?"
"Oo dad. Hindi ko ho makakalimutan 'yan."
Kinabukasan dumating ang tutor ko. Aaralin palang namin sa susunod na pasukan pero pinapag-aralan ko na. Nagpakabihasa din ako sa paglalaro ng basketball kasama ng mga kapit-bahay ko at ang paglalaro ng chess.
Pasukan. Magulo ang lahat. Kumustahan. Karamihan ay umitim ako lang yang yata ang natatanging pumuti. Sa isang taon kasi na pagtira ko sa Diadi, nangitim din ako ng bahagya. Hinanap ko siya ngunit hindi pa yata siya dumadating. Flag ceremony na ngunit wala pa din siya. Hanggang first period na namin ay hindi pa siya dumadating. Kinabahan ako. Paano kung hindi na siya magpapatuloy sa pag-aaral o kaya ay lumipat sa ibang paaralan? Nanlumo ako. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa nang dumating ang recess namin. Hindi na nga siya pumasok maghapon.
Pangalawang araw. Wala pa din siya. Ibig bang sabihin no'n ay hindi na nga talaga siya mag-aaral pa? Pagkatapos ng aming klase ay nilapitan ko ang advicer namin.
"Sir, bakit ho hindi na pumasok si Zanjo Corpuz?"
"Hindi siya nag-enroll this year. Nagtataka nga kami. Sayang nga, siya pa naman ang pambato sana natin sa Quiz Bee , saka sa mga Press conference natin at Sports."
Nanghinayang din ako. Sumikip ang dibdib ko. Nagtataka lang ako kung bakit siya tumigil.
"Ano kaya ang dahilan kumbakit siya huminto sir?" tanong ko.
"Siguro financial. Karamihan kasi sa mga tumitigil ay walang perang pang-enroll o pambili ng gamit sa school."
"Sir, ipatawag kaya natin siya. Ako na lang ang bahala sa mga gamit niya sa school, enrollment fee niya at hati na lang kami sa allowance ko."
Nagulat ang advicer namin sa sinabi ko. "Alam mo bang sinasabi mo Patrick? Sigurado ka ba diyan?"
"Oho sir. Sigurado ako. Kaya puwede kayang papuntahin ninyo siya dito bukas para makausap ninyo siyang ituloy na lang niya ang pag-aaral niya?"
Hindi na ako nag-isip. Hindi ko yata kakayananing nag-aaral ako at hihinto siya. O sige, aminin ko na, siya ang inspirasyon ko. Kahit inaaway niya ako, gusto kong nakikita parin siya araw-araw.
"Hindi ko alam kung panghahawakan ko ang pangako mo. Isa pa, hindi ko alam kung saan siya nakatira pero maari kong ipasabi ito doon sa kaklase ninyong si Juan." Ang tinutukoy ni sir na Juan ay ang kasa-kasama ni Zanjo na kaklase naming disable. "Kung magpapakita siya ngayong linggong ito, maari natin siyang makausap. Ngunit diyan sa sinabi mong ikaw ang bahala sa mga gastusin niya, hindi ko mapapaniwalaan kasi pareho lang kayong istudiyante. Maliban na lang kung makakausap ko ang mga magulang mo."
"Sige po, papuntahin ko si Daddy dito. Bukas pa naman ng tanghali ang uwi niya. Ipakikiusap ko ho siya sa inyo."
Kinagabihan, hindi ako maka-concentrate sa nirerepaso ko. Tingin ako ng tingin kay daddy. Bukas uuwi na siya. Sinamahan lang niya ako dito ng tatlong araw. Isang Linggo lang ang leave niya. Hinati lang niya sa amin kina lola at sa bahay kasama si Mommy at Claire. Minsan, nagkakasalubong ang tingin namin. Paano ko kaya sa kaniya sasabihin ang pangako ko sa teacher ko.
"May problema ka ba kuya?" tanong niya nang lumapit sa akin. "Hindi ka makakain kanina, at saka napakatahimik mo. Wala yung Kuya Patrick kong makulit ah. Anong iniisip mo? Alam kong may gusto kang sabihin kapag ganyan ang mga tingin mo sa akin e."
"Dad, may binabayaran ba kayong tuition sa school ko ngayon. Di ba public lang 'yun hindi katulad nu'n sa private na pinag-aralan ko noon?"
"Oo, bakit sinisingil ka ba ng mga teachers mo ng tuition fee?"
"Hindi ho. Naaawa lang kasi ako kay Zanjo. Sayang naman ang talino no'n kung hihinto siya dahil walang pambili ng mga gamit sa school, pang enroll saka siguro allowance na din. Naisip ko lang ho kasi na baka puwedeng yung allowance na binibigay ninyo sa akin ay hati na lang kami, ta's may ipon po ako baka puwede na iyon pang enroll niya?"
Ginulo ni daddy ang buhok ko.
"Bait naman ng Kuya Patrick ko. Alam mo, noong nag-aaral din ako, mahirap din ang buhay namin. May kaklase din akong tumulong sa akin noon sa tuwing late ipadala ng lola mo ang allowance ko. Pero utang ko 'yun. Binabayaran ko din kapag dumating ang allowance ko. Sige, dagdagan ko ang allowance mo para mashare mo sa kaibigan mo at ako na ang bahala magbigay ng pambili niya ng school supplies at bagong uniform. Basta ha, galingan ninyo ang pag-aaral."
"Yes!" napasuntok ako sa hangin. "Huh! Salamat Dad. Pero may isa pa akong problema."
"Ano na naman iyon. Dami namang problema."
"Kakausapin kayo ng teacher ko tungkol dito. Hindi siya naniwala sa akin nang sinabi kong ako ang bahala sa mga kailangan ni Zanjo para maipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral."
"Dadaan ako bukas bago ako uuwi sa Manila. Sige na, magreview ka na at matulog ka na pagkatapos mo ha?"
"Oho daddy. Salamat po."
"Wala kang dapat ipagpasalamat. Natutuwa akong makitang lumalaki kang nagiging isang mabuting tao. Proud na proud ako sa'yo anak."
Nang nagdadrive si Daddy para pumunta sa school kasama ko ay naisip kong baka hindi tatanggapin ni Zanjo kung malaman niyang sa akin galing ang tulong.
"Dad, huwag na lang natin ipasabi kay Zanjo na tayo ang tutulong sa kaniya. Baka kasi hindi niya tatanggapin. Puwede ho bang sabihing tulong ng school na lang?"
"Magkaliwanagan nga tayo anak? Bakit anlapit ng dugo mo do'n sa kaibigan mo e' di ba nga hindi ka na itinuturing na kaibigan?"
"Naaawa lang ako sa kanya Dad. Sayang naman ang talino nu'n kung hindi niya ipagpapatuloy ang pag-aaral. Alam niyo bang dahil sa ginawa niya ay nagpupursigi akong mag-aral ng husto. Kung hindi sa kaniya, sigurado pasang-awa pa din ang mga marka ko sa klase. Saka gusto ko ng ka-challenge sa school Dad."
"Okey, sabi mo, e."
Pagdating namin sa school at pagbaba ko ay nakita kong nanlalaki ang mga mata ng iba kong kamag-aral sa akin at sa aming sasakyan. Parang hindi sila makapaniwalang amin iyon at daddy ko ang kasama ko. Ganito ba talaga sa probinsiya? Sa Manila kasi, normal na lang sa aming magkakaklase ang ihatid ng kanilang mga magulang gamit ang sarili nilang sasakyan. Bakit dito iba ang kanilang mga tingin.
Pagkatapos naming makipag-usap at nagkaliwanagan tungkol sa pagbibigay ng financial support kay Zanjo ay umalis na si Daddy. Nag-iwan siya ng pera sa adviser namin na ibibigay naman kay Zanjo. Nang araw na iyon ay dumating si Zanjo ngunit umalis din pagkatapos nilang mag-usap ng aming adviser. Sinilip ko siya sa bintana nang dumaan.
"Pssssttt!" pagpapapansin ko.
Nilingon niya ako. Kumindat.
Ngumiti ako. Hindi siya ngumiti ngunit hindi naman salubong ang mga kilay. Nakaramdam ako ng excitement sa sumunod na araw.
Tulad ng dati. Maaga siyang pumasok. Nang dinaanan ko siya ay naalangan ko kung babatiin ko ba siya o basta na lang dadaanan na parang walang nakita. Hinihintay kong tignan niya ako ngunit hindi naman siya nakatingin sa akin. Saka hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kabilis ang t***k ng aking puso. Tuloy parang nahihiya akong kausapin siya. Bakit kaya ngayon parang nahihiya na akong mahuli niyang nakakatitig ako sa kaniya? Kinakabahan ako kapag nagkakasalubong an gaming mga mata at ako ang mabilis na nagbababa ng tingin.
Botohan para sa classroom officers.
Nanominate ako as President, kalaban si Zanjo. Hindi ko inaasahan ako ang mananalo. Dalawang boto lang ang agwat namin. Siguro nga dahil mas magaling akong makisama. Nakaapekto sa kaniya ang ginawa niyang pagsuntok sa akin noong second year kami. Naungusan ko na siya sa classroom ngunit hindi sa buong campus. Siya ang naibotong Vice President sa aming buong campus o sa Student Body Organization at hindi ko alam kung bakit sa Prince Charming ako ipinasok at doon naman ako nanalo. Para lang tuloy ako dekorasyon lang. Sa school paper, siya ang aming editor in chief, nag-apply ako at dahil baguhan ay ginawa lang akong writer. Ayos na iyon basta ang importante, binibigyan ako ng pagkakataong magpakitang gilas.
Sa klase. Tahimik parin ako. Hindi ako nagtataas ng kamay kahit alam ko ang sagot. Nakikinig ako sa bawat discussion. Panay ang recite ni Zanjo. Siya ang laging tinatawag dahil siya lang din naman ang madalas magtaas ng kamay. Kung doon i-base ang katalinuhan, alam na alam mong siya lang ang tanging nakakaintindi sa aming mga talakayan.
"What is the most abundant element in our atmosphere?" tanong ng Chemistry teacher namin.
Walang nagtataas ng kamay. Pati si Zanjo ay natahimik din. Alam ko kasing simple lang naman ang tanong na iyon. Siguro nga, kahit gaano katalino ang isang tao, mayroon at mayroon parin siyang hindi alam na maaring alam ng mas bobo sa kaniya.
"Zanjo, do you have any wild guess?"
Tumayo.Umiling siya. "Oxygen ma'am?" Sagot niya.
"Sorry, you remain standing. So, let's ask our top 5 last year?"
Tinanong niya at pinatayo isa-isa ang mga kaklase kong may honor noong second year kami.
May sumagot pero mali. Walang nakakuha.
Lima na ang nakatayo. Kung may isa sanang nakasagot ay makakaupo na lahat silang lima.
"Then, may I ask the most improved student, Patrick?"
Nagulat ako. Most improved talaga?
Tumayo ako. Tumingin muna ako sa mga kaklse ko. Nakita kong lumingon si Zanjo sa akin. Hindi niya iyon dating ginagawa. Ibig sabihin nakukuha ko na ang kaniyang atensiyon. Kinabahan ako. Paano kung mali ako. Pagtatawanan lang ako.
"Yes Patrick?"
Tumingin ako sa teacher namin. Napalunok ako. Naghihintay sila ng sagot. Mali. Naghihintay sila ng tamang sagot para mapaupo kaming anim
"The most abundant element is Nitrogen with a percentahe of 78% while Oxygen is only 21%, ma'am."
"Correct! You can take your seat. Very good Patrick"
Bago ako umupo ay nakita kong nagsalubong ang kilay ni Zanjo ngunit hindi mukhang galit, mukhang nagtataka. Bakit ikaw lang ba ang may utak? Sabi ko sa aking sarili.
First grading. Bigayan ng mga test paper at inaanounce ng aming mga teacher ang top 10 na nakukuha ng mga matatas na score.
Mathematics.
Unang tinawag ni ma'am ang pangalan ng nasa top ten at panghuli ang nakakuha ng may pinakamataas na score.
"Second highest, Zanjo Corpuz."
Nagkaroon ng bulung-bulungan ang buong klase. First time yatang hindi siya ang highest sa aming mga major exam. May isa pang hindi natatawag sa top 5, iyon yung kaklase namin na third honor noong second year kami. Nilingon ko siya. Nakangiti naman siya. Sigurado ang mukhang siya na ang nakakuha ng pinakamataas.
"Ang nakakuha ng pinakamtaas ay si...?
Idinugtong nilang sinabi ang pangalan ng kaklase namin na 3rd honor.
"Mali, ang pinakamataas ay si... Patrick Ancheta. May isa lang siyang mali class. Palakpakan natin si Patrick."
Napayuko siya. Ako naman ay hindi din makapaniwala pero alam kong marami akong nasagot. Nalito lang ako sa multiple choice. Palakpakan pa din ang mga kaklase ko nang kinuha ko ang aking test paper.
Tinalo ko siya sa Chemistry at perfect score ako sa History.
Sa kaniya ang iba pang subjects na naiiwan. At nang pinost na sa aming bulletin board ang pangalan ng mga Top 5 sa aming klase. Si Zanjo pa din ang nangunguna ngunit maliit lang ang percentage na agwat niya sa akin. Konting-konti na lang.
Intramurals. Nagkaroon ng elimination sa paglalaro ng chess para maging pambato naming mga third year sa buong campus. Kami ni Zanjo ang huling naiwan magtunggali.
Naalangan ako nang umupo ako sa harap ng cheesboard. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko nang naglalakad na siya palapit sa akin. Mas lalo na siyang pumogi sa tingin ko. Gumanda na lalo ang hubog ng kaniyang katawan. Tumangkad at mas pumogi dahil sa bago na ang kaniyang suot na uniform at sapatos. Alam kong lahat ng binibigay namin ni Daddy na tulong sa kaniya ay ginagamit niya iyon sa kaniyang pag-aaral.
Ngayon lang kami muling magkakaharap nang ganoon kalapit. Pagkaupo niya ay tinignan ko siya. Tumingin din siya sa akin. Naroon din ang coach naming at nakawak sa aming timer.
"May the best player win?" iniabot ko ang kamay ko
Lumingon muna siya sa coach namin. Naalangan din siguro. Tinggap niya naman ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng kaniyang palad.
Hindi ako makaconcentrate sa aming laro. Hindi katulad ng mga nauna kong kalaban na walang pang sampung minuto kaming nakaupo nachecheck-mate ko na. Pero dahil siya ang nasa harapan ko, parang mas mabilis ang t***k ng aking puso. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano itong diyaskeng kabog na ito lalo na kapag nagkakasalubong ang aming mga mata. Para kasing ansarap halikan ang mamula-mula niyang labi na paminsan minsan ay binabasa ng kaniyang dila. Huh! Ano ba kasi itong diyaskeng nararamdaman ko. Nawawala ang focus ko sa paglalaro. Pinagpapawisan pa ako ng malapot.
"Check!" mahina niyang sabi.
Nag-isip ako kung paano ko ngayon ililigtas ang King ko. Sinipat kong orasan, malapit na maubos ang oras kong mag-isip.
"5 seconds left" babala sa akin ng coach namin.
Wala akong lusot. Kailangan kong i-sacrfice ang Queen ko laban sa kaniyang rook. Wala na akong Queen, mas maliit na ang tsansa kong manalo. Anak ng...! Bakit ba kasi hindi ko ma-ifocus ang paglalaro lalo na't nakikita ko ang bumubukol doon sa manipis niyang pantalon na aming uniform. Sinadya ba niyang pabukulin iyon para madistract niya ako? Damn!
"Check!" muli niyang sinabi. Aba! Rook ko naman ngayon ang tinitira niya. Ngunit nagkamali siya. Hindi niya siguro napansin ang horse ko. Patay ka ngayon. Kinain ko ang ginamit niyang pinancheck niyang Queen.
"Check!" sabi ko.
Nanlalamig na ako.
Tumingin siya sa akin. Nagkatitigan kami. Nakita kong pinagpawisan siya. Nag-isip. Matagal.
"3 seconds na lang Zanjo"
Wala pa rin.
"Time is up!" sabi ng coach namin. Kasabay niyon ng pagkilos niya para isangga ang bishop niya
"Paano 'yan Patrick?" nagtatanong ang coach namin sa desisyon ko. Halos kasabay kasi ng move niya ang pagpatak ng huling segundo.
"Tuloy lang sir." Sagot ko. Nakaramdam na kasi ako ng excitement at hindi ako magiging proud manalo kung tinalo ko siya dahil lang sa naubusan siya ng oras mag-isip.
Kinain ko ang bishop niya gamit ang horse ko.
Nakangiti siya.
"Anong move 'yun?" tanong niya sa akin. Parang ngayon lang niya ako kinausap.
"Basta. Naglalaro palang tayo e." sagot ko.
Kinain niya ang horse ko gamit lang ang pawn niya kaya siya napapailing sa move na ginawa ko.
Itinapat ko ang rook ko sa king niya. Kung galawin niya ang king niya, patay siya sa horse kong nakaabang, kung i-abante niya, naroon ang bishop kong nagbabantay, kung aatras siya, naroon ang rook ko para patumbahin ang King niya at kung tatagilid siya, patay siya sa aking pawn. Wala ng lusot ang King niya. Titirahin ko iyon saan man magsuot.
"Checkmate!" pangiti kong sagot.
Nanlumo siya. Napahinga siya ng malalim. Tumingin siya sa akin. Napailing. Napangiti ako. Ngumiti din siya na parang hindi parin makapaniwala lalo pa't siya ang champion noong nakaraang taon.
Tumayo siyang hindi na tinanggap ang pakikipagkamay ko. Bitter lang, naisip ko.
Sa basketball. Finals na. Kalaban namin ang Senior. Kinusap ko si Dindo na pagbigyan ako sa last half. Magsasakit-sakitan siya ng paa. Nagawa naman niya ng mahusay ang pagiging actor kapalit ng tatlong daang piso. Ayaw pumayag sana ni Zanjo.
"Sigurado ka bang hindi mo kaya?" pangungulit niya kay Dindo.
"Hindi na tol. Ipasok mo na lang si Patrick."
"Tagilid tayo diyan eh." Sagot niya.
"Bakit hindi mo kasi muna ako subukan. Talo na nga kayo oh. Labin-isa na nga ang lamang ng kalaban natin sa atin tapos may gana ka pang sabihin sa akin na tagilid kayo sa akin. E, kung magaling kayo, sana kayo ang nanalo kanina pa" Naiirita kong sagot.
"Ancheta. Pasok na. Ako ang bahala. Point guard ka. Okey?" wika ng coach namin.
Wala siyang nagawa kundi papasukin ako. Kinausap kami ng coach namin sa mga strategy namin sa laro at dahil ako ang point guard ay sa akin nakasalalay kung kanino ko ibibigay ang bola sa tamang oras at pagkakataon. Pagbalik namin sa second half ay bumuo kami ng pabilog. Natapat pa siya sa tabi ko. Naalangan akong ipatong ang kamay ko sa likod niya at alam kong siya din. Nagkatinginan muna kami. Sarap talagang halikan ang labi niya. Huh! Naisip ko. Ngunit nang lumapat ang braso niya sa likod ko ay napakislot ako. Iba ang init nun.
"Ancheta! Bilis na!" sigaw ng coach namin.
Pinatong ko ang nanginginig kong braso sa likod niya at sabay kaming sumigaw bago nagtakbuhang pumuwesto. Dahil ako ang point guard ay dapat mabilis ako at kontrolado ko ang pagdribble at pag-assist sa mga kasamahan ko. Si Zanjo ang shooting guard namin kaya madalas ay sa kaniya ako nakakatutok.
Unang salang ay ipinasa ko ang bola sa kaniya dahil libre naman siya sa tingin ko. Ngunit nang itinira niya ang bola, tumama lang ito sa ring. Naagaw ng kalaban. Malas. Hanggang sa nagdaan ng ilang minuto pa. Pito ang agwat ng kalaban sa amin. Muli kong nakuha ang bola, hindi siya libre, hindi din libre ang aming power forward kaya nagbakasakali akong i-shoot ang bola.
Ringless!
Sigawan ang mga babaeng may crush sa akin. Nagpalipad ako ng flying kiss. Tumingin sa akin ng masama na parang sinasabi niyang "ang yabang mo."
Nakashoot din ang kalaban. Naagaw niya ang bola. Libre naman ako. Ngunit hindi niya ako pinapasahan kahit na nakailang ikot na ako. Pinilit niyang i-shoot ang bola. Malas uli! Nanghinayang ako. Nakuha ng center namin ang bola ipinasa sa akin.
Tinira ko.
Pasok!
Sigawan muli ang fans kong mga babae at bakla.
Hanggang 2 points na lang ang lamang. Kung hindi siya ang nakaka-shoot ay ako at ang center namin. Malas lang dahil kaunti na ang naiiwang oras. Sa Seniors pa ang bola. Ngunit hindi parin kami nawalan ng pag-asa.
11 seconds ang naiwan nang makuha ng center namin ang bola. Ipinasa niya kay Zanjo ngunit magaling at mabilis ang gumuwardiya sa kanya. Gusto nitong maubos ang oras na hindi kami makatira.
6 seconds left. Hindi parin niya pinakakawalan ang bola at nakikita naman niyang ako na lang ang libre.
3 seconds left, sa wakas ipinasa sa akin. Pagkakuha ko ay hindi na ako nag-isip pa. Pinakawalan ko ang bola sa three point field goal...
Parang tumahimik ang lahat. Ako man din ay kinakabahan sa aking itinira. Lahat sila ay nakatingin sa bolang pinakawalan ko... makapigil hininga...
Swak!
Pasok ang tira ko kaya dumagundong ang ingay sa paligid. Kami ang panalo. Dahil sa saya ay hindi niya siguro napigilan ang sariling lapitan ako at niyakap ng mahigpit sabay buhat sa akin. Kakaibang saya ang naramdaman ko noon lalo na nang binubuhat ako at parang ako ang star of the game dahil ako ang nagpanalo sa aming team.
Akala ko doon na magsimula ang aming magandang samahan ngunit nadala lang yata siya sa bugso ng kaniyang damdamin. Pagkatapos ng game at unti-unting nag-alisan ang mga nagsilapitang kaklase ko ay hinanap ko siya. Nakita ko siya sa silong ng puno. Walang damit at pinupunasan niya ang kaniyang pawisang katawan. Gumanda na nga talaga ang hubog niyon. Lalong nagiging lalaking-lalaki siya sa kulay ng kaniyang balat. Parang napakasarap kasing magpayakap sa kaniya. Nangatog ang tuhod ko. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para lumapit sa kaniya ngunit nakita na niya ako.
"Dude, okey ang assist mo kanina sa akin ah. Salamat." Sabi ko nang palapit ako sa kaniya.
"Nagkataon lang na ikaw na lang ang libre kanina pero kung may iba pa akong pagpapasahan sana kanina, malamang hindi ko sa iyo ipagkakatiwala ang bola."
"Friends uli?" tinaas ko ang kamay ko bilang pakikipag-apir.
"Wala akong panahon makipagkaibigan pa. Marami akong priorities." Kinuha niya ang nakasabit niyang damit sa puno. Isunuot iyon at tumalikod. Binaba ko ang kamay ko.
Pagdating ng Second Grading, halos pantay na kami ng percentage. Malapit ko na siyang matapatan kundi man tuluyang uungusan. Mas nakita ko kung gaano na siya nagiging kamasigasig sa kaniyang pag-aaral. Dahil gusto ko siyang talunin. Hindi ako nagpatalo.
Third grading. Lahat sila nag-aabang na ipost na ng Advicer namin ang Top 5. Masyado yata kasi nae-entertain ang mga kaklase ko sa sagupaan namin ni Zanjo sa talino at sports. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang lumapit sa akin galing siya sa bulletin board.
"Congratulatons, pero huwag kang pakakasiguro. May fourth grading pa tayo."
Nangiti lang ako. Kahit hindi ko tignan ang napost na class standing namin. Alam kong tinalo ko na siya.
Dumating ang JS Prom namin at nagsimula nang nakakitaan ko si Zanjo ng mga pagbabago. Nagustuhan ko ang pagbabagong iyon. Ngunit bago matapos ang taon ay may nakita siyang iniabot ko sa aming advicer na naging mitsa ng isa na namang simula ng hindi namin pagkakaintindihan. Hanggang saan aabot ang away-bati naming pakikitungo sa isa't isa?