Chapter 5

2127 Words
Heather  As I close the door behind him tonight, hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan. FLASHBACK Palaging present ang magkapatid na Guevarra -- si Luna at Lucas sa birthday parties namin noon. But when we turned 8, we started travelling with Mom and Dad all over the world -- mostly in Europe and US and we skip the traditional birthday parties.  Lucas went to the same school as us in secondary. Noong una hindi ko sya pinapatulan kahit naiinis ako sa mga pagpapapansin nya. My twin, Hailey always tease us. Kung gaano sya kaukit, ganun naman ako katahimik at kaseryoso. You could say I am a bit reserved. I only talk to people I feel comfortable with and Lucas is not included in that list.  Marami syang pinaparamdam sa aking mga emosyon na hindi ko kayang bigyan ng pangalan isa isa. Nangunguna na doon ang nerbyos dahil hindi ko sya kayang pakibagayan.  At 14, I am very active in sports at kahit sa edad ko na ito ay team captain na ako. Kung paano nangyari na hindi naging captain ang nasa senior class ay hindi ko rin alam. Ang sabi ni Coach Martina, mahusay daw akong maglaro at marunong makisama sa mga team mates ko. Laging on time at handang makinig at matuto. Mas madalas kaming magpractice ngayon at hindi lang kami dito sa loob ng campus naglalaro. We compete with other school as well including the International schools in the province of Batangas.  Warm up and water break pa lang kami ngayon ng lumapit sa akin si Chantelle. Sya ang pinaka close ko sa team at senior sya.  "Cap, hayun yung boyfriend mo sa bleachers." Itinuro nya ang grupo ng 6 na lalakeng nakaupo sa bleachers. One of them is Lucas. Biglang umasim ang mukha ko. "Boyfriend? Maghunos dili ka nga, kinikilabutan ako sa sinasabi mo eh."  Dinanggil pa nya ang braso ko at sinabing "Bagay nga kayo eh. Heather Sevilla - Guevarra. Yieeee!"  "Hay naku! Ikaw talaga! Parang mas bagay yung Chantelle Acuzar - Guevarra. Ano sa tingin mo?"  Napahagalpak sya ng tawa. "Malabo yang iniisip mo Cap. Hindi ko sya type. Pero crush ko yung katabi nya, si Liam." Si Lucas at ang crush ni Chantelle na si Liam ay manlalaro ng Rugby sa school. Lucas is the Fly Half of the team and the most important position in the game. He plan the defense and kick, and also run the attack. While Liam is the hooker. It is the most dangerous position in the game. I've seen them play at magaling sila. Masyado nga lang violent at ako mismo ang napapaaray kapag may natutumba sa kanila. Pakiramdam ko ay ako ang natumba at nabalian. Habang nag uusap kami ni Chantelle ay kumaway si Lucas. Sila kasi ang sunod na gagamit ng field pagkatapos namin. We are only here for 45 minutes.  "Hayan na yung boyfriend mo." Kantyaw ni Chantelle na hindi umaalis sa tabi ko. Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko alam kung paano mabilis na nakarating si Lucas sa tabi ko pero heto na sya at nag uumpisa ng mangulit.  "Hi Heather. Hey Chantelle." bati nya sa akin at sa kaibigan ko. Kasama nya si Liam. I rolled my eyes on Lucas. Para namang automatic na lumayo ng kaunti si Liam at Chantelle sa amin at nagsarili ng mundo ng nila.  "Hi yourself. What do you want?" Pasuplada kong tanong sa kanya. "Ikaw." He grinned at me.  See what I mean? Paano naman akong hindi nenerbyosin sa kanya? Isang balde ng kape ang katumbas nya. Kapeng barako. Punong puno ng kumpyansa sa sarili. Kahit saan ako magpunta, nandun din sya. Lalo na kapag may practice kami parehas ng laro.  "Papaandaran mo na naman ako Lucas, I have no time for this." Kinunutan ko sya ng noo. "Nagsusungit agad ang baby ko." Talagang tinawag na akong baby ay nilagyan pa nya ng ownership -- baby ko. "Tell me what you want then leave." Naiinip kong sabi sa kanya. Tumikhim naman sya. "I want to ask you out." Sinipat ko sya at mukhang seryoso sya sa sinasabi nya. "I don't think so." "Why not?" takang tanong nya sa akin. "Because." Napatawa naman sya. "Just because? It's just lunch and maybe we can play in the arcade? It's harmless Heather at madaming tao." paliwanag nya sa akin.  "Kahit na." "I don't get why you don't seem to like me. Nasa top 10 naman ako ng klase. Sporty din ako katulad mo. At higit sa lahat, mabait na pogi pa. Ano pang hahanapin mo?" tatawa tawang sabi nya sa akin. Jusko naman! Noong nagsabog ng kalokohan at kahambugan, si Lucas lang yata ang gising at sinalo na nya lahat.  Okay, pogi na kung pogi. Madami talagang nagkakagusto sa kanya. Hindi sya patpatin for a 16 year old at dahil sa paglalaro ng Rugby ay mas lalo pang naging lean ang katawan nya. Add the perfect face in the equation at solve na. "Yung hindi hambog na katulad mo. Yun ang hinahanap ko." sagot ko sa kanya.  "What? Hindi naman ako hambog ah. Magkaiba ang confident sa hambog." Nakangiting sabi nya sa akin. Lalo syang pumogi sa paningin ko ng ngumiti sya. Erase! Erase! "Ah basta, parehas na rin yun. I am not going out with you. Iba na lang ang ayain mo."  "Ayoko nga, ikaw lang ang gusto ko. One date, come on Heather." giit pa nya. "Ayaw. Kulit ah." sinikmatan ko sya. "One date at kapag hindi tayo nagkasundo then I rest my case." tuloy pa rin sya sa pamimilit "The answer is no Lucas. I have to get back to practice." Nagsimula na akong tumakbo palayo sa kanya. "One date Heather Hope!" narinig kong sigaw nya. Umiling ako at hinarap sya, sumigaw din pabalik. "No Lucas, ask someone else!" He shook his head at bumalik sa grupo nya, but I don't think he is going to give up on me that easily. Sa personalidad nyang ubod ng kulit, it takes one strong blow to his ego for him to stop wanting to take me out on a date.  Sa totoo lang, wala namang masama sa gusto nyang mangyari. Hindi lang talaga ako komportableng kasama sya. His personality is too strong for me at pakiramdam ko ay magka-clash kami.  So I would rather not go out with him. At least for now. *** Heather | Flashback continued Katatapos lang ng klase ko at papunta na ako sa locker ko para kunin ang libro ng next class ko when I felt someone approach me.  Pagkakuha ko ng libro ko ay isinara ko ang locker ko at pinaikot ang lock.  "Hi!" Bati nya sa akin.  Kumunot ang noo ko. "Hi. Do we know each other?" Ngumiti sya sa akin. "I'm Samuel Beredo. I transferred from Manila. You're Heather Sevilla right?"  Inabot nya ang kamay nya para pormal na makipagkilala.  "Nice to meet you Samuel. Are you a junior or senior? I don't think you're a sophomore, hindi kita nakikita sa classes ko.  "None of the above. I am actually a freshman."  Napanganga ako. Freshman? "I'm just kidding." He gave me a smile. "I am actually a junior." Mabiro din pala ito pero subtle lang. Hindi nakakaoverwhelm.  Samuel Beredo is about 5'9. Maputi, may salamin at may biloy sa magkabilang pisngi. Brown ang kulay ng mata, tamang nipis ng labi at makinis.  Higit na mas mataas si Lucas at over 6ft. Maputi rin si Lucas. Kung bakit ako nagkukumpara ay hindi ko rin alam.  Napangiti ako. "You are funny. Sige Samuel, mauuna na muna ako sa iyo. Male-late na ako sa next subject ko eh. Biology ang klase ko ngayon at hindi ko iyon paborito." "Sige Heather. Next time ulit."  Bilis bilis akong pumunta sa klase. At pagdating ko ay nandoon na ang teacher namin. Nagtaka lang ako at naroon din si Lucas.  "Class, this is Lucas. Most of you already know him. He is my top student in Science four years in a row and he is graduating soon. I asked his help for today's class as he is free. Please make him feel welcome. Thank you." Sabi nj Mrs. Thompson. Nang ipamigay ang activity sheet ay gusto ko ng mag dahilan na masakit ang puson ko para mag stay na lang sa clinic. I hate Biology!          Pabulong akong nagsasalita. "Sino naman kaya ang sayang saya magbasa ng mga phase phase na ito?" Tumikhim ang dumaan sa tabi ko. Tutok na tutok ako sa papel kaya hindi ko sya napansin. Nang marinig ko ang pangalan nya ay si Lucas pala. "I actually like Biology. It's exciting!" He smiled at me Exciting? Nababaliw na ba ito? Ano kayang kasaya saya sa pag tingin sa mga cell cell na ganyan? Mabuti kung mag memedisina ako eh wala naman sa plano ko yun. I want to go to Business school at tingin ko ay hindi ko makikita ang mga cells na yan.  Pabulong akong nagsalita kaya yumuko sya. His face was close to mine. "Exciting? Anong exciting sa mga guhit guhit at bilog bilog na yan?" "It's phases. Don't you want to know how things start?" Tanong nya. "Parang tayo lang, ganito sa simula at sa dulo tayo rin pala." Natatawang sabi nya sa akin. Halos mawala ang mata nya sa pagtawa.  Sinamaan ko sya ng tingin. "Kailan pa naging Science ang tungkol sa atin. Maisingit mo lang talaga. Umalis ka nga dyan, hindi ako makapagconcentrate lalo eh." Umumis sya pero naglibot sa mga kaklase ko at may paminsan minsan ay may mga tanong na nasasagot naman nya agad.  May microscope kasi sa unahan at isa isa kaming titingin mamya doon para i-identify ang phase pagkatapos ay ipapaliwanag kung ano ang phase na iyon. Okay na sana yung identify, pero nilagyan pa ng explain. Pahirap sa buhay.  Nag announce ng last 10 minutes ang teacher namin at pipila na.  "Okay ka na? Bakit sambakol yang mukha mo?" Nakabalik na uli si Lucas sa akin.  "I hate biology." Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya.  "You hate biology now, paano pa ang chemistry next year?"  "Next year pa yun." Katwiran ko sa kanya. He smiled at me at nag squat sa gilid ko. "Tell me kung saan ka nahihirapan dyan." "Lahat." Maiksing sabi ko sa kanya.  "Okay. Here, i-sisimplify ko sa iyo kung ano lahat iyan." Nagsimul syang magpaliwanag gamit ang simplified terms at sa pagtataka ko ay naintindihan ko kaagad. Ganun lang pala kadali yun?? Ibig sabihin hindi magaling magturo ang teacher namin. Kasi hindi naman daw lagi student ang problema eh, madalas teaching style rin.  Now I can see why Lucas tops Science class.  "Okay na o gusto mo ulitin ko? Tanong nya sa akin.  Umiling ako. "I get it now. Thank you." Binigyan ko ng isang ngiti ng pasasalamat.  Mukha naman syang naestatwa at hindi ko alam kung bakit.  "Hey, are you okay?" Tanong ko sa kanya. Nang mahimasmasan ay nagsalita ulit. "Yeah. Ngayon mo lang kasi ako nginitian. Mas lalo kang gumanda." Hayan na naman ang mga paandar nya. Tinaasan ko sya ng kilay.  "I can tutor you for Biology if you want and also advance classes na rin for Chem. I am free on Saturdays. I will see you sa bahay nyo." He winked at me and left. Aba! Naaliw pa sa pagtuturo sa akin. Pero sa totoo lang kailangan nga iyon. Isa pa, narinig ko na terror ang teacher ng Chem kaya kailangan kong paghandaan iyon.  I perfected our activity for Biology today thanks to Lucas.  Nang sumapit ang Byernes ay nagtext sya sa akin na pupunta sya ng ala una hanggang alas tres bukas. Isang oras daw sa Biology at isang oras para sa advance Chemistry. Sabado. Maaga akong gumising at nagshower. Inilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay ng lip gloss.  Nag blouse lang ako ng puti at dilaw na shorts saka isinuot ang sipit kong tsinelas. Dito na kami sa garden titigil para sa tutorial. Mas presko.           Nang dumating si Lucas ay sinalubong ko sya sa gate.  "Hi! Come in."  "Hello beautiful!" Nakangiti nyang sabi sa akin.  "Beautiful ka dyan, pumasok ka na nga. Kumain ka na ba?"  "Yes, kanina bago ako nagpunta dito. Nakakahiya naman kung makikikain pa ako ng tanghalian." "I hope you like halo halo. Iyon ang meryenda natin mamaya." Iginiya ko sya papuntang garden. Nandun na rin ang mga libro ko at kung ano pang kakailanganin namin mamya.  "I like halo halo, mais con yelo nga okay na okay na ako eh." "Remind me that for next week. Mais con yelo." Ngumiti ako sa kanya. "You know, you should smile more often." "Palagi naman akong nakatawa ah." "Yes, sa iba palagi. Pero sa akin hindi, lagi kang nasimangot. Masaya ako na napapatawa na kita ngayon." He winked at me and my heart go gaga. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD