Heather | Flashback continued Malaking tulong ang ginagawang pag tutor ni Lucas sa akin tuwing Sabado. Kahit ang Chemistry na pinakaiiwasan ko ay natutunan ko na ring gustuhin at mukhang bago matapos ang taon na ito ay ready na ako para sa next year. Byernes ngayon at pinagpalit ang schedule ng Rugby at Soccer practice. Lagi na silang mauuna sa amin. Eksaktong katatapos lang nila ay tumigil sya sa harap ko habang nakaupo ako sa bleachers. "Hihintayin na kitang matapos ang practice nyo at ihahatid kita pauwi. Mas madilim na mamya." Sabi nya sa akin. "Isn't your house the other way?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "Okay lang, I want to make sure you're safe." At 16 ay may student's permit na sya at binigyan sya ng kotse ng mga magulang nya. "Okay, thank you." Tumango sya at nag