Chapter 2

1734 Words
"Lester... kayo ni Caleb ang pupunta sa Batangas," anang boss ko pagkatapos ng aming meeting. "Ahh, sige, boss..." sagot ko. Isinara ko ang aking laptop. We have a client in Batangas. The owner's planning to build a resthouse there. Ayon sa boss ko, matandang dalaga 'yong kliyente namin. Kami ni Caleb ang inatasan para pumunta doon. Alas sais ng umaga ng Martes nang tumulak kami patungong Batangas. Hindi na nagdala ng sasakyan si Caleb. Nakisakay na lang siya sa aking sasakyan. That's okay, though. To save time. Kaysa naman sa maghintayan pa kaming dalawa kung sino man ang unang dumating. "Dalawang araw kang Aly-free, ah?" tawa niya habang nagmamaneho ako. "Mag girlfriend ka na kasi para hindi ka na niya ginugulo!" Napailing ako. "Wala pa sa isip ko 'yan. Alam mo naman na busy tayo sa trabaho. Mawawalan lang ako ng oras sa kanya kung sakali." "Eh, ba't ako? Kaya ko naman pagsabayin, ah? Apat na taon na kami ni Kia pero hanggang ngayon ay hindi namin pinag awayan ang trabaho at oras." Nagkibit balikat na lang ako. We have different perspective. I don't know how to balance my time. I have priorities. At sa ngayon, ang pagkakaroon ng girlfriend ay nasa pinakahuling listahan ko. "Ah, by the way... mamayang gabi 'raw makikipagkita 'yong may ari sa atin. Pag aralan na lang muna natin ngayong umaga 'yung lugar. Darating na rin 'yong Engineer ngayon." "Okay." Pasado alas otso nang makarating kami ni Caleb sa Batangas. Nilagay muna namin sa aming villa ang aming mga gamit bago kumain ng almusal. Damn, I feel so tired. Matutulog muna siguro ako pagkatapos naming bisitahin 'yong site para mamayang gabi ay hindi ako masyadong pagod. Kumain kami sa isang Seafood buffet. Napakaraming nagbabakasyon ngayon dahil summer. Habang kumakain kami ni Caleb ay may babae'ng bumati sa amin. Napa angat kami ng tingin sa nagsalita. "Architect Dela Vega and Architect Ramos?" anang babae na maiksi at kulot ang buhok. She's wearing a pencil cut skirt, white tube and black blazer. Napaayos ako ng upo. "Yes, Miss?" tanong ni Caleb. "I'm Engineer Anika Versoza," she raised her left brow while talking to Caleb. "Ohh... hi, Engineer!" masayang bati ni Caleb. "Come on, join us!" alok pa niya. Umupo naman si Engineer Versoza sa tabi ni Caleb. Magkatapat kami ngayon. And damn it, I never knew there's a hot Engineer like her! Napalunok ako at nag iwas ng tingin. "Uh... so? Kailangan palang unahin ang pagkain kaysa sa trabaho?" masungit na tanong niya sa amin. Feisty, huh? "Uh, we're very sorry Engineer. Maaga kaming lumuwas at hindi pa nakakapag almusal," depensa ni Caleb. "Pwede naman kayong kumain sa byahe. Pwede kayong magbaon. Kung ginawa niyo 'yun, mas nagkaroon sana kayo ng maraming oras," baling niya kay Caleb. "Engineer Versoza..." tikhim ko. Nagkatinginan kami. "We're very sorry. Pero sa tingin ko naman ay may karapatan pa rin kaming kumain ng agahan. Give us at least 30 minutes to finish our food." Umirap lamang siya at umiling. Nagkatinginan kami ni Caleb, ngumisi siya sa akin. I know what he was trying to imply. Damn, no way. Habang kumakain kami ay hindi ako mapakali. Nakahalukipkip kasi si Engineer Versoza habang pinagmamasdan ako. Naiilang tuloy ako. I wanna tell her to stop staring, kaso baka isipin niya na nag a-assume ako. Pinilit ko na lang itong balewalain. After less than 30 minutes ay natapos na kaming mag almusal ni Caleb. Tumayo agad si Engineer Versoza. Sinundan namin siya ni Caleb. "Strikta niya, ah? Natatatakot..." bulong niya. "Pero ang sexy. Tingnan mo 'yung legs... ang kinis..." Siniko ko siya. "Tigilan mo nga 'yan! Baka mamaya maring ka pa." But my eyes betrayed me. Dumako ang mga ito sa hita ni Engineer Versoza. Bakit ba kasi ang iksi ng suot niyang skirt? Nakakagalaw pa ba siya ng maayos? Isang yuko lang ata ay makikitaan na siya. Kung ako ang boyfriend niyan, hindi pwede sa akin ang ganyan. Boyfriend... what the fck? Umiling agad ako. "Gamitin na lang natin ang sasakyan ko papunta sa site," hinarap niya kami. Tumigil kami sa paglalakad. Napatingin agad ako sa kanyang mukha. Sht, nakita pa yata niya na tinitingnan ko ang kanyang mga hita. "Uh... okay," sagot ko. Namangha ako nang tumigil kami sa kulay pulang pick-up niya. Wow, this girl is really different, huh? She beeped her car. Pumasok agad siya sa driver's seat. Nagkatinginan kami ni Caleb. "Papasok na ba?" tanong ko. "Gusto 'mong pasukin?" asar niya sabay akbay sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking balikat. "Gago!" "Tara na," aniya. "Sa harap ka na pumasok. Ako naman sa likod..." tawa niya. "...ng sasakyan!" Pagpasok namin ay hiyang hiya ako kay Engineer. Gago kasi itong si Caleb. Kung anu-ano ang mga sinasabi! Pinaandar na ni Engineer Versoza ang kanyang sasakyan. Ni hindi mang lang siya nagsalita. I tried to start a conversation. "Paano mo nga pala kami nakilala?" pormal na tanong ko. Saglit siyang tumingin sa akin bago ibalik ang tingin sa daan. Isang kamay lamang niya ang nakahawak sa manibela. "Well... responsibilidad ko'ng kilalanin kung sino ang mga makakasama ko sa trabaho. Actually, I'm a bit surprised... kasi dalawa kayong ipinadala. Wala ba silang tiwala sa mga Architect nila at kailangan ay mag back up pa?" Iniisip ba niya na hindi kami magaling ni Caleb? "Are you underestimating our firm, Engineer Versoza?" Yes, I understand her point. But somehow... I'm offended. "I did not say that, Mr. Dela Vega. Ang sa 'kin lang naman... dapat ay isang Architect lang bawat project. Mas mabuti 'yun. And besides, resthouse lang naman iyong gagawin. Hindi naman malaking building," tawa niya. Okay, I need to calm down. Hindi ko na lang papatulan ang mga sinabi niya. Badtrip ako pagdating namin sa site. Hindi na kami nag usap ni Engineer Versoza. Baka magkaroon lang kami ng panibagong pagtatalo kapag nag usap kami. I'm physically drained. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay matapos na ito para makapagpahinga na ako. Malapit sa dalapmasigan iyong site. Malawak ang lupain ngunit maraming mga palmera ang nakatayo. "Hot," Bulalas ni Caleb. Napatingin ako sa tinitingnan niya. It's Engineer Versoza. Hinubad niya ang kanyang blazer. Tanging puting tube na lang ang suot niya ngayon. Ang maputi niyang balat ay tinatamaan ng sikat ng araw. Lumapit siya sa dagat. Hindi natanggal ang tingin ko sa kanya. Damn this hot and sexy Engineer! "Baka matunaw 'yan. Wala ka nang titingnan mamayang gabi," natauhan ako sa sinabi ni Caleb. Isinara ko ang aking bibig na nakabukas sabay iwas ng tingin. Sht! "Ba't pumunta 'yun sa tabing dagat? Akala ko ba magta-trabaho na tayo?" pag iiba ko sa usapan. Nararamdaman ko na ang pagtulo ng pawis sa gilid ng aking ulo. "Lapitan mo!" tinulak ako ni Caleb patungong tabing dagat. "Ba't ako?" "Para malawayan..." natatawa siyang tumikhim. "Para makausap mo..." Damn it! Napalunok ako habang lumalapit kay Engineer Versoza. Hawak niya ang kanyang blazer at sapatos. Nakapikit siya habang nakatapat sa dagat. Her short curly hair flew because of the breezy wind. Ayoko sana siyang istorbohin sa pagmumuni-muni niya. Kaso... "Hindi mo ba titingnan ang lugar?" istorbo ko. Napamulat siya at tumingin sa akin. She shook her head. "Na-check ko na kanina. Dinala ko lang kayo dito para kayo naman ang makakita..." "Uh, well.. hindi ba tayo magpapalitan ng ideas?" napahawak ako sa aking batok. "For?" kumunot ang noo niya. "For this project.. you know... we need to interact with each other... para makapag plano tayo ng maayos." "We don't need that, Mr. Dela Vega," bumalik ang tingin niya sa dagat. "I can do it on my own. Kayo rin... kayo na lang ni Architect Ramos ang mag usap tungkol sa gagawin niyong trabaho." "But, we need to interact-" "Interactions are only distractions, Mr. Dela Vega," seryoso niyang sabi. "So, please... leave me alone and do your work." Naglakad siya palayo akin. What's wrong with her? Bakit ba parang galit siya kahit na wala naman akong ginagawang mali? I just want us to cooperate. Para rin naman sa 'min to. Para matapos agad ang aming trabaho. Binalikan ko na lang ulit si Caleb. Pinupulot niya ang mga sanga ng puno sa buhangin. Natigilan siya sa ginagawa nang makita ako. I sighed heavily. "Basted?" natatawang tanong niya. Hindi ko na lang pinansin kanyang pang aasar. Nang matapos naming inspeksyunin ni Caleb ang site ay umalis na rin kami. Tahimik kaming tatlo sa biyahe. Sa harapan pa rin ako nakaupo. Si Engineer Versoza ay nakatutok sa daan. Now, I'm curious. Ano kaya ang meron sa kanya at mukhang mailap siya sa mga tao? Natigilan na lang ako sa mag iisip nang mag vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon. Si Chantle ang tumatawag. Sinagot ko agad ito. "Hi!" Masayang bati niya. Napangiti ako. "Hello... kumusta ang outing?" "Ayos lang naman. Minus the rashguard. But... looking at the bight side... it's still okay. Hindi masyadong nasunog ang balat ko," balita niya. Mabuti na lang pala at pumayag na siya sa kundisyon ng magulang at mga kapatid niya. Hindi na niya pinilit pa ang pagsusuot ng bikini. Ang akala ko ay ipipilit pa niya ang kanyang gusto. "That's good," napatango ako. "Ang balita ko ay nasa Batangas ka raw. Anong ginagawa mo d'yan?" She knew, huh? Kanino niya kaya ito nabalitaan? Siguro ay kay Tita Jessica? Nabanggit ko kasi sa kanya ang tungkol dito. "Yup. I'm here for work." "Hay! Sayang naman. Dapat sa Batangas na lang rin kami pumunta. Hindi na dito sa Zambales." "Bakit? Kapag nandito ka ba ay guguluhin mo ako sa trabaho?" biro ko. From my peripheral vision, Engineer Versoza quickly glanced at me. "Hindi 'no!" depensa ni Chantle. "Good girl ako." "Really?" napataas ako ng kilay. "Good girl pero makulit!" "Whatever!" singhal niya. "Oh sige, I'll call you later. Or kung hindi ka busy sa work. Magla-lunch na kami." "Alright. Take care, Chantle," sabi ko. "Kumain ka ng marami." "Okay. Ikaw rin!" Binalik ko na sa bulsa ang aking cellphone. Napatingin ako sa kalsada. Malapit na pala kami sa resort. "Distractions..." bulong ni Engineer Versoza. Nagkatinginan kami. Tinigil niya ang kanyang sasakyan. "What?" nagtatakang tanong ko. "Nothing," her dark red lips formed a smile. "See you later, Mr. Ramos..." nilingon niya si Caleb sa likuran. "Thanks, Engineer... salamat din sa paghatid." Bumaling sa akin si Engineer Versoza. "...and Mr. Dela Vega," bumaba ang tingin niya sa aking labi. "Nice meeting you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD