Chapter 1

2093 Words
Naging abala na ako sa trabaho pagkatapos ng birthday ni Chantle. Sila Mommy naman ay bumalik na rin ng States. Hindi naman kasi sila maaaring magtagal dito dahil marami pang aasikasuhin si Tito Carl sa kanyang business. "Lester... paki check naman. Parang may kulang kasi sa ginagawa ko." ani Alyssa, isa sa mga ka-trabaho ko. Nilapit niya ang kanyang upuan sa aking tabi. Nilapag niya sa mesa ko ang kanyang blueprint. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ito. "Ayos naman, ah?" nilingon ko siya. "Wala namang kulang." Nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "Totoo?" nagtatakang tanong niya. Mas lumapit pa siya sa akin. "Wala na ba talagang kulang?" "Wala," I nodded my head. Bumuntonghininga siya pagkatapos ay bumalik na sa sariling mesa. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Caleb na nakaupo sa kabilang gilid ko. Nilingon ko siya upang punain ang pagpipigil niya ng tawa. "Napano ka?" tanong ko. "Type ka talaga ni Aly. Nagpapapansin na naman sa 'yo," bulong niya at muling pinigilan ang pagtawa. "Tsss..." Oo nga't may mga motibo nang ipinapakita si Aly sa akin pero ayoko pa rin lagyan ng kahulugan ang mga ito. She's pretty, smart, matured, and almost have everything. Kaso ay hindi ko lang talaga siya matipuhan. I'm too distracted with my work. I want to focus. Huling beses akong nakipag date ay noong college pa ako. Matagal na rin 'yun. Simula nang magtrabaho ako, nawalan na ako ng oras para pagtuonan ng pansin ang bagay na 'yan. Tinutukso na ako ng mga kaibigan ko na baka may problema ako sa pagiging lalaki. Hindi naman... gusto ko na kasing maging seryoso sa susunod na relasyon ko. Kinagabihan ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa mga kaibigan ko. Niyaya nila akong mag inuman. Wala naman akong gagawin ngayong gabi kaya pumunta na ako. "Bwisit! Akala ko ay hindi ka na naman darating," sabi ni Arnold pagdating ko. Binato niya sa akin ang throw pillow. Mabuti na lang ay nasalo ko ito. Nandito kami ngayon sa bahay ni Vince. Wala siyang kasama sa bahay na ito. Ang Daddy niya ay nasa ibang bansa habang ang Mommy naman niya ay namatay dahil sa panganganak kay Vince. Pabagsak akong umupo sa sofa. Binato ko pabalik kay Arnold ang unan. "Busy lang sa trabaho," niluwagan ko ang aking necktie. "Buti dumating ka. Kung hindi, baka kami lang dalawa ni Arnold dito..." sabi naman ni Vince habang nilalapag ang bote ng alak sa center table. "Oh, bakit?" Tanong ko. "Si Kyle ba? Tsaka si Jim?" "Si Jim, may gagawin daw. Si Kyle naman... alam mo namang baliw 'yun kay Yssabelle," kibit balikat na sagot ni Arnold. Yeah, right. Ano pa nga ba ang aasahan namin kay Kyle? Palaging si Yssabelle ang laman ng isip. Kaming tatlo na lang ang nag inuman. Hindi rin naman kasi busy ang dalawang 'to. Mabuti nga ay nagka ayos na sila. Nagkaroon kasi sila ng away noong high school kami. Gago kasi itong si Vince, eh. Kung anong pusta ang ginagawa. Si Arnold naman, gago rin. Ginawa talaga yung pinapagawa ni Vince. "Ganda talaga 'nong nakita ko sa bar. Kaso may boyfriend yata. Tngina, sayang!" nanghihinayang na sabi ni Vince. Kinuwento niya ang babaeng nakilala niya sa bar na pag aari niya. Kaso ay meron daw itong boyfriend dahil pagkatapos nilang mag usap ay nahuli niya ang babae na may kahalikan. Syempre, sino pa ba 'yun? Malamang ay boyfriend nung babae. Makikipaghalikan ba siya kung hindi, 'di ba? Nakinig na lang ako sa kwentuhan ng dalawa. Nang lumalim na ang gabi ay nauna na akong umuwi sa kanila. Maaga pa ako bukas sa opisina. Kailangan ko rin pumunta sa bahay nila Tita Jessica bukas. Inimbitahan niya akong mag dinner sa kanila. Nahihiya naman akong tanggihan siya. Agad akong humiga sa kama pagdating sa aking condo. Hindi na ako umuuwi sa bahay ni Daddy simula nang makapag trabaho ako. Gusto ko na kasing mag sarili. Mabuti na lang ay pinayagan niya ako. Kinabukasan ay naging gano'n pa rin ang takbo ng buong araw ko. Nagpapapansin pa rin si Aly sa akin. Ayokong maging bastos, kaso ay gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa niyang paglapit sa akin. Pagsapit ng gabi ay tumungo na ako sa bahay nila Tita Jessica. Naabutan ko silang nag iihaw ng barbecue sa kanilang garden. Hinanap ko si Chantle ngunit hindi ko siya nakita. Nasaan kaya ang batang 'yun? "Goodevening Tita, Tito..." bati ko sa mag asawa. Nilingon ko si Evan at Samuel na abala sa pag aayos ng mesa. Tumango ako sa kanila at ngumiti. "Good evening din, Lester!" masayang bati sa akin ni Tita Jess. Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Tamang tama lang ang pagdating mo. Malapit na kaming matapos dito." "Ma, tawagin ko na si Chanty sa kwarto niya," sambit ni Samuel. "Sige. Naku! Ano bang problema niya? Bakit kanina pa siya nagkukulong sa kwarto?" "Ewan ko nga din, Ma. Kanina pa wala sa mood," sabi naman ni Evan. "Hayaan niyo na. Nagdadalaga, eh!" halakhak ni Tito William habang binabaliktad ang mga karne sa griller. Agad na lumingon si Tita Jess sa kanya. "Baby pa ang bunso natin!" "Nagbibiro lang ako, Mahal! Hindi ako makakapayag na ligawan agad 'yang prinsesa natin," tawa ulit ni Tito William. "Sige na, Samuel. Tawagin mo na ang kapatid mo para makakain na tayo." Umalis na si Samuel para tawagin si Chantle sa kanyang kwarto. Tinulungan ko naman si Evan na ayusin ang mesa. Ilang sandali pa ay bumalik na sina Samuel. Nagkatinginan kami ni Chantle. Unti-unti ay umangat ang gilid ng kanyang labi. "You're here!" masayang sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap agad ako. Natigilan ako sa pag aayos ng mga plato. Tumawa ako at niyakap siya pabalik. She missed me, huh? Bumitiw siya sa yakap. Ang ngiti sa kanyang labi ay naroon pa rin. "Akala ko hindi ka inimbitahan ni Mommy!" Magsasalita sana ako, kaso ay naunahan ako ni Tita Jess. "Sinabi ko naman sa'yo, diba? Hindi mo narinig?" "Huh? Kailan? Hindi ko matandaan..." baling ni Chantle sa ina. "Kahapon. Hindi ka kasi nakikinig sa akin, eh. Puro ka selfie!" kibit balikat na sagot ni Tita Jess. Natawa ako sa kanyang sinabi. Bumaling ulit sa akin si Chantle. Nakasimangot siya bago ako inirapan. Magkatabi kami ni Chantle sa upuan. Sa harapan namin ay si Samuel at Evan. Sa magkabilang dulo naman nitong mesa ay si Tita Jess at si Tito William. "Kuya, konting kanin lang ako, ha?" ani Chantle habang nilalagyan ng kanin ni Evan ang kanyang plato. "Bakit naman?" natigilan siya sa paglalagay ng kanin. "May outing kami next week ng mga kaibigan ko. Baka tumaba ako! Hindi ko na masusuot 'yong iniregalo sa akin na bikini." "What?!" Pasigaw na tanong ni Evan. "Hindi ka magsusuot ng bikini, Chantle! You're just thirteen! Bawal ka pang magsuot ng gano'n!" "But-" "No! I said no!" Evan said with finality. Tumingin sa lahat si Chantle. Pati na rin sa akin. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Alam kong gusto talaga niyang magsuot ng ganoon. But Evan has a point. Masyado pa siyang bata para suotin yun. Kung ako rin naman ay hindi ko siya papayagan. Kahit na pilitin pa niya ako ng paulit ulit. Kahit na umiyak pa siya sa harapan ko. Hindi talaga ako papayag. Pasalamat siya dahil hindi niya ako naging kuya. "Mommy! Diba nagpaalam na ako sa inyo ni Daddy? Pumayag na kayo, eh!" nagmamaktol na hinarap ni Chantle ang kanyang ina. "Pumayag kami na sumama ka sa outing niyo. Pero hindi kami pumapayag na mag bikini ka," kalmadong sabi lang ni Tita Jess at pinagpatuloy na ang kanyang pagkain. "Pero magbibikini ang mga kaibigan ko. Ano'ng isusuot ko?" "Pwede ka namang mag rashguard," Samuel suggested. "Yeah, rashguard is good," pag sang ayon ko. Beachwear pa rin naman 'yon, diba? Mas tama 'yun sa kanya. Matatakpan ng husto ang balat niya. "Eew! Ako lang ang magsusuot no'n! Pagtatawanan nila ako! Tsaka sayang naman ang katawan ko kung itatago ko lang!" pilit pa rin niya. Hindi na niya ginagalaw ang kanyang pagkain. "Pumili ka, hindi ka sasama o rashguard na lang ang isusuot mo?" seryoso at mariin na tanong ni Tito William. Napatingin kaming lahat sa kanya. He's really serious. Mukhang isang pilit pa ni Chantle ay lalabas na ang galit niya. "Fine..." pagsuko ni Chantle. Napayuko siya. Bumaling siya sa kanyang pagkain at hindi na ulit nangulit pa. I want to say that it's okay. Pero kapag ginawa ko 'yun ay baka isipin niya na pumapayag na rin ako na magsuot siya ng bikini. Which is bad. Kasi gagamitin niya ako para mapilit niya ang kanyang mga magulang. And right now, I disagree with her. Hinding hindi ko siya tutulungan kung ganyan ang hihilingin niyang pabor sa akin. "I'm done. Aakyat na ko sa taas..." paalam agad ni Chantle pagkatapos niyang kumain. Magsasalita sana si Evan kaso ay pagkatayo pa lang ni Chantle ay tumakbo na siya papasok sa loob. "Hayaan niyo na. Kung lagi nating pagbibigyan, magiging sutil paglaki," Tito William said. Wala nang nagtangka pang magsalita. Pasimple ko na lang tiningnan ang bintana ng kwarto ni Chantle. Nakabukas ang ilaw. Ano kaya ang ginagawa niya? Umiiyak kaya siya dahil hindi siya pinayagan sa gusto niyang mangyari? I wanna talk to her. Gusto kong ipaliwanag sa kanya para maintindihan niya. Kinausap ko si tita Jessica kung pwede ko bang puntahan si Chantle sa kanyang kwarto. "Sige. Mabuti pa nga't kausapin mo. Baka sakaling makinig siya sa 'yo," aniya. I hope so... Umakyat agad ako at tinungo ang kwarto ni Chantle. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit hindi niya binuksan ang pintuan. "Chantle, this is Kuya Lester. Bubuksan ko na ang pinto..." sabi ko habang unti unting pinipihit ang door knob. Nakahiga siya sa kanyang kama. Nakatakip ng puting kumot ang buong katawan niya. Alam ko na gising pa rin siya. Nagpapanggap lang siyang natutulog. Umupo ako sa paanan ng kama. "Chantle..." I said. "I know you're not sleeping. Come on, talk to me," hinawakan ko ang kanyang paa. Hindi siya sumagot. Ginalaw lang niya ang kanyang mga paa na tila ba tinataboy ako. "Kausapin mo 'ko. Hindi naman kita papagalitan katulad ng ginawa nila," I calmly said. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot. Humarap siya sa akin. May bahid ng luha ang kanyang mga mata. Namunula rin ang kanyang ilong pati na rin ang pisngi. Umupo siya. Lumipat ako sa tabi niya para makausap siya ng maayos. "Bakit kasi... bakit kasi ayaw nila akong payagan. Thirteen na ako!" pagalit at malungkot niyang sabi. Tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata. "Exactly. Thirteen ka pa lang kaya ayaw nila na magsuot ka ng gano'n. They're just protecting you. Ayaw lang nila na mabastos ka..." "Pero beach naman 'yun," katwiran pa niya. "Hindi ako mababastos. Tsaka kasama ko naman ang mga kaibigan ko." "Kahit na beach pa 'yun. May mga makakasalamuha ka pa ring mga tao na iba ang pag iisip. Paano kung bastusin ka nila? Wala ang mga kuya mo, ang mga magulang mo, pati... ako. Wala kami doon para ipagtanggol ka." "Bakit ba kung ituring niyo ako ay para akong sanggol? Bakit may limitasyon pa rin ang mga ginagawa ko? Kaya ko na! Iniisip niyo lang kasi na hindi dahil bata pa lang ako. Pero kaya ko na!" Nagulat ako sa pagsigaw na ginawa niya. Tumulo na naman ang mga luha niya. I wiped her tears using my thumb. Hindi ako magagalit sa kanya kahit na sinigawan niya ako. "Our world is cruel, sometimes... remember? Iniiwas ka lang namin do'n, Chantle. Pinoprotektahan ka lang nila dahil mahal ka nila." "Ikaw, pinoprotektahan mo rin ba ako?" her tone suddenly changed. I couldn't name the sound of it. "Oo naman..." sagot ko. Inayos ko ang kanyang buhok. Her eyes twinkled because of her tears. "Ibig sabihin ay mahal mo rin ako?" Nagulat ako sa tanong niya. Damn it! Kung hindi ko lang siya kaharap ngayon ay nagmura na ako. That question was unexpected. Really unexpected. Lumunok muna ako bago siya sagutin. What the fck? "Uhh..." hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. "Oo naman. Syempre, parang kapatid na rin kita." "Kapatid," muli kaming nagkatinginan sa sinabi niya. Lumamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Bigla akong kinabahan. Damn, why? "Oo, kapatid. Poprotektahan din kita gaya ng mga kuya mo." Tumango siya. "Sapat na si Kuya Evan at Kuya Samuel para protektahan ako," malamig pa rin ang tingin niya sa akin. Her cold eyes made me tremble. "So... I don't need your protection. Thank you, though."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD