Jaleel
*
*
Pakipot ka pa kasi boss! " Pang-aasar ni Migs
" Dapat inayos mo relasyon nyo? Inanakan mo na agad sa ganon paraan may panghahawakan ka." wika ni Rodel
" Boss paano yan! Ang daming manliligaw ng asawa mo. Hindi mo naman sila pweding patayin dahil lang sa selos mo. Bakit hindi mo nalang buntisin para hindi na siya makaalis sayo?" Wika ni Reggie
" Papakasalan ko muna siya sa simbahan, Kasal muna bago S3x hindi siya tulad ng ibang babae. Special si Alazne." Mahinahon tugon ko hindi ko sinabi na naka monitor lahat ng galaw ko para masiguro ni Kenzo na hindi ko papakialaman ang kapatid nya.
" Ulol! " Sabay-sabay na sagot ng mga tauhan ko
Kinasa ko ang baril nagkunwari na ang lahat ng tauhan ko na abala at hindi ako pinapansin
" Pasaway tong mga to. Palagi nalang ako napagtripan.
" Kumusta ba ang pinatrabaho ko sainyo? " Malamig n tanong ko
" Ang alin? Boss? Ang Pasabugin ang bahay ni Daniel o ang Pasabugin ang bahay ni Vito Almodel? Sino pa ba ayon si Albert at ang lalaki kapitbahay nyo? " Tanong ni Reggie
'" Aba lahat pala yon kahalikan ng asawa mo Saklap! Kasama mo sa bahay sa iisang kwarto tapos hanggang tingin ka nalang" Sabat ni Migs
" Boss paano yan Isang taon nalang hihiwalayan ka na ng asawa mo. Paano kung ang iniingatan mong Virginity ng asawa mo makuha ng isa sa mga karibal mo? " Sabat naman ni Elmo
Kinasa ko ang baril namumula ang mukha ko sa galit, Namumuro na saakin ang mga siraulo na to
" WAAAAAAHHHH! Boss sorry na." taranta na sigaw ng mga gago walang habas na pinaulanan ko sila ng bala nagpupuyos ako sa galit sa mga pinagsasabi ng mga gago. Nagtakbohan sila palabas ng hideout naiwan ako mag isa sa sofa nakaupo
" Grabe! Nagalit agad si Boss masama talaga masampal ng katangahan." Hingal na wika ni Reggie
" Boss diba sasalakayin natin ang hideout ni mr Alvin? " Pasigaw na tanong ni Reggie
Tumayo ako nakapamulsa ako na naglakad, Paglabas ko nakabukas na ang pinto sa back seat ng kotse umikot si Reggie sa driver seat nag umpisa magmaneho
" Boss! Papatayin ba lahat ng tauhan ni Mr Alvin?" tanong ni Migs dumungaw sa bintana ng kotse
" Hindi! huwag nyo ubusin para kayo ang Ubusin." Inis na sagot ko
" Hahaha! talino mo talaga. Sige uubusin namin gusto ko pang mabuhay." Natatawa na tugon ni Migs nailing nalang ako
" Tangna! Paano ko ba mapapaamo si Alazne? Hayst paano na ngayon parang hindi na niya ako kayang patawarin sa mga kalokohan ko. Siguro hahayaan ko na muna siya ititigil ko na ang pangbabae. Ano pa ang dapat kong patunayan para mapatunayan kay kenzo na mahal ko ang kapatid nya." Piping sambit ko
" Boss! Seryoso ako! Itigil mo na ang pangbabae kung ayaw mong mawala sayo ng tuloyan ang asawa mo. Ang laki ng problema mo. Mahirap ang kinakaharap mo ngayon, Dati kasi kahit na ipagtabuyan mo si ma'am Ash magpapalipas lang ng sama ng loob tapos kukulitin kana ulit pero ngayon hindi ka na niya pinapansin. Pati nga Kapatid nya nag-aalala na nagiging malulungkotin kasi si ma'am Ash. Huli ko siya nakitang masaya ng kasal ng kapatid nya tapos pagkausap nya si Vito, Napapansin ko na kakaiba ang sweetness ni vito at asawa mo. Kailangan mo sya ligawan boss Ikaw ang nagkasala kaya dapat ikaw ang magtiyaga sa panliligaw." Mahabang pahayag ni Reggie
" Ginagawa ko ang lahat para mapatawad niya ako. Pero parang walang nangyayari sarado ang isipan niya. Tuloyan nang nawala ang tiwala niya saakin. Nakatanim sa isip niya na hindi ko siya gusto kaya kahit totoong mahal ko siya hindi niya ako paniniwalaan. Mahirap ibalik ang nawalang tiwala makakabuti kung hahayaan ko siya sa kanyang gusto. " Seryoso na tugon ko
" Kung makipag hiwalay sya? Tanong ni Reggie
" Ibibigay ko ang lahat ng naisin niya. Nagkasala ako kaya kailangan ko tanggapin ang lahat ng kagustohan niya. Patuloy ko siyang susuyuin hanggang sa patawad niya ako." Paliwanag ko
" Boss! Pero sino kaya ang pumapatay sa lahat ng naging babae mo? Matagal ko na iniisip baka si ma'am Ash pero sa tuwing nangyayari ang pagpatay minsan kasama mo pa si ma'am kaya hindi rin sya? Boss may naging girlfriend kaba dati na buhay pa hanggang ngayon baka ex mo ang pumapatay? At Sino naman ang nagtatangka sa buhay ni ma'am? Simula ng highschool sya lagi nang nasa panganib ang buhay nya." Mahabang tanong ni Reggie
" Sa dami mong tanong wala na akong maisagot. Kaya nga pinapa imbistagahan ko sayo diba? pasabugin ko kaya yang ulo mo? Dami din naging kalaban si Ash syndicate at karamihan mga tauhan ng drugs lord, Sa dami ng pinatay niya nagsasagawa pa siya ng assassination kaya mahirap talaga tukuyin kung sino-sino ang kalaban niya. " Naiinis na paliwanag ko
" Yon nga boss! Ilang taon ko nang inaalam ang tongkol sa pagkatao ni ma'am pero, Nakalimutan mo ata na isa siyang Cuizon at shoun, Matalino at hindi basta-basta, Kung gugustohin niya kaya niya tayong pabagsakin kahit na mag-isa lang sya. Sa dami ng pinatay nya nakapag tataka na tayo lang ang nakaalam, Kahit na sarili niyang pamilya inosente ang pagtingin sakanya. Ganon kagaling ang asawa mo boss." Wika ni Reggie
" Sinanay siya ni Mama Laura sa pakikipag laban, Pagmasdan mo ang laro ni stone at mama Laura harapan sila Nagpapalitan ng bala nagbabatuhan ng knife. Para kay Alazne laro lang ang pakikipag laban, Kahit ako hindi ko siya kayang tapatan, Isa akong mafia boss pero mas magaling at matalino saakin ang Asawa ko. " Tugon ko
" Si Alazne lang naman ang nakagawa ng assassination sa grupo ng mga syndicate, Pati mga kapulisan takot sa babaeng yon, Para sakanila malaking tulong ang ginagawa ni Alazne karamihan kasi ng syndicate may koneksyon sa government, Kaya nilang baliktarin ang batas at gawin inosente at walang alam. Kaya nga hanggang ngayon lihim parin ang ginagawa ni Alazne.
" Boss kami na ang bahala maghintay ka nalang dito." Wika ni Reggie huminto siya sa tabing kalsada magkakasunod na huminto ang mga sasakyan ng tauhan ko
Mabilis nilang nagtakbohan papasok sa squatter area. Lumabas ako ng kotse nakasandal ako sa pinto ng kotse habang na ninigarilyo. Ilang sandali lang nagkagulo na may mga putukanna akong naririnig
Pagkalipas ng ilang sandali may dumating na kapulisan hinayaan ko na lumapit saakin ang dalawang pulis
" Maghintay kayo ng ilang minuto. " Walang emosyong wika ko
Hindi sumagot ang pulis naglakad palapit sa mga kasamahan
Magbilang ako ng 20 minutes bago pumasok sa kotse.
" Tagal nyo " Inis na wika ko kay reggae may daplis siya sa braso
" Wow ang bait mo talaga boss." Inis na reklamo ni Reggie
" May party pa ako na pupuntahan." Yamot na wika ko
" Migs Ikaw na ang bahala." Wika ko sumalodo si Migs saakin bilang tugon
Nagmamaneho na si Reggie palayo sa lugar.
" Patay na si Mr Alvin may nakatakas pero huwag mo na alalahanin kasamahan na natin ang bahala. " Wika ni Reggie habang nagmamaneho
" Naligtas ba lahat ng mga nakidnap? " tanong ko
" Oo boss! Naabutan namin na hinahalay ni mr Alvin ang dalagita." Tugon ni Reggie
" Iligpit nyo ang mga maliit na grupo na nagpapahirap sa mga ordenaryong mamayan, Magpalada ka ng tulong sa squatter na naapiktohab labanan. Magbigay ng pera bilang tulong sakanila." Utos ko
" Noted boss. Bukas na bukas ipag-uutos ko. Sya nga pala may business trip ka next weekend 5days yon." Wika ni Reggie
" Tsk." Tugon ko
" I promise I'll be here no matter what happens. I will never give up, I will never want you to love me back. You are free to choose which woman you want to be with for the rest of your life."
" Darling! " malungkot na sambit ko ng maalala ang pangako saakin ni Alazne
*
*
Alazne
*
*
" Hayst! Dahan-dahan lang!" nag-aalala na wika ko
" Tangna! May bodyguard ang babaeng yon! Muntikan na akong mamatay." Inis na wika ni Devon
Si Devon ang pumapatay sa lahat ng babae ni Jaleel, Yes ako ang hinahanap ni Jaleel na pumapatay sa mga nagiging babae niya. Sa pamamagitan ni Devon isa siyang serial killer at ako ang Boss nya. Kung si Zenni may personal bodyguard ako may personal serial killer, kasing edad ko si Devon nakatira siya sa isang exclusive subdivision ako ang may ari ng bahay na tinitirhan nya. May sariling siyang kasambahay, sasakyan at siya ang nagpapatakbo ng money changer na naipundar ko. Kaya nga dollar's bills ang lagi kong hinihingi kabayaran sa lahat ng naging trabaho ko.
" Huwag kang malikot tatahiin ko lang." Mahinahon na wika ko
" Siraulo! Ikaw kaya ang tahiin ng walang an----
AAAAAAHHH." Sigaw ni Devon tumawa ako hindi na niya natapos ang sasabihin napalitan ng sigaw
" Yoo-hoo tangna! Tauhan ng ata ng asawa mo ang nakalaban ko. Protiktado nila ang bagong babae ng asawa mo." Pasigaw na kwento ni Devon habang tinatahi ko ang sugat sa tagiliran niya
" Anong pangalan? Ako na ang papatay walang pwede makaalam na may kinalaman ako sa sunod-sunod na p*****n sa mga babae ni Jaleel." Wika ko
" Salamat natapos na din. Bihisan mo ako ." Parang bata na lambing ni Devon
" Tara sa banyo lilinisin ko din ang dugo sa ibang bahagi ng katawan mo. May mga dugo ka pa sa dibdib at mukha bakit pati sa pants mo may dugo." Naiiling na tugon ko
Inalalayan ko papasok sa kwarto ko si Devon nakaakbay siya saakin
" Kilan ka magkakaroon ng anak?" tanong niya
" Arayyyyy...." Daing ni Devon kinagat ko ang dibdib niya tumawa ang binata
" Hahaha! Nakalimutan ko bakla pala Asawa mo. Hindi mo nga alam kung ano ang pakiramdam ng labasan. Sobrang sarap hahanapin-hanapin mo. Maganda ka makinis Bakit hindi ka magawang angkinin ng asawa mo?" Pang-aasar ni Devon
Pinaupo ko si Devon sa upuan sa banyo na hinanda ko, Ubod ng lakas ko siyang binatukan
" Hahaha! Sorry naman ikaw kasi tatanga-tanga ka." natatawa na wika ni Devon
" Salamat! dahil sayo may kakampi ako. " Nakangiti na wika ko
" Dahan-dahan naman sakit kaya." Reklamo ni Devon
Dahan-dahan kong pinupunasan ang katawan ni Devon may mga galos siya sa mukha at dibdib
" Sandali lang! may galos din ang pwet ko nakadkad kasi ako pwet ko ang sa ilalim." Nahihiya na wika ni Devon
" Hahaha! kaya pala iba ang ngiwi mo habang nakaupo." natatawa na wika ko
" Gagaling kaya agad ang kamay ko? Alagaan mo ako hanggang sa gumaling ako. Hindi ko na maipapasok ang dalawang daliri ko s----
" Arayyyyy hahaha! oo na mananahimik na." Natatawa na wika ni Devon
" Nakarami kana batok umaalog na utak ko." Reklamo ng binata
" Tumayo ka at tumuwad lilinisin ko yan pwet mo." Nakangisi na wika ko
" Umayos ka Alazne! Hindi ko makakalimutan ng pinatuli mo ako. Muntikan na akong mahimatay sa kalokohan mo." Pagbabanta ni Devon
Tumayo siya dahan-dahan ko binaba ang cotton shorts ng binata napangiwi ako gasgas ang pwet niya may maliliit pa na boto n nakabaon sa sugat. Kita ko ang pwet niya nakatalikod naman siya kaya pwet lang ang kita ko
" Aaaayyyy ..." Malakas na daing ng binata sinabon ko ang galos niya sa pwet.
" Putangina! Hapdi! mas pasakit pa ito sa tuli." Pagmumura ni Devon
Matagal na kaming magkaibigan ni Devon simula ng makidnap ako noon sampong taon gulang, Isa si Devon sa mga nakidnap naligtas ko si Devon pero hindi ang kanyang mga magulang. Itinago ko si Devon sa lahat pati sa mga magulang at kaibigan ko. Walang nakakaalam na may kaibigan akong lalaki. Dahil sa bininta ko na diamond necklace nakabili ako ng bahay sa isang exclusive subdivision. Unti-unti kong bininta ang jewelry collection ko yon ang ginamit ko sa pag-aaral ni Devon at sahod sa mga kasambahay na nag-aalaga sa kaibigan ko. Yes ako ang nagsuporta kay Devon ako nga din ang nagpatuli sakanya ng 11 years old siya. Kung may nakakakilala saakin ng lubos si Devon yon.
" Sob* tangna buhay to oh kasakit naman yan! Bakit mo binuhusan ng alcohol." Umiiyak na tanong ng binata nakadapa siya sa kama umiiyak habang ginagamot ko ang sugat sa pwet niya.
" Darling! 10 am na bakit hindi kapa lumalabas! pumunta ako dito sa bahay mo hindi ka kasi umuwi sa bahay kagabi." Wika ni Jaleel sa labas ng pinto ng kwarto ko
Nandito ako sa bahay ko dito rin umuwi kaninang madaling araw si Devon
" Lalabas na! May tinatapos lang ako." Sigaw na sagot ko
" Kanino damit to bakit may mga dugo?" tanong ni Jaleel
" Sa tauhan yan ni Gwen kagabi. Galing sila dito kagabi." Pagsisinungaling ko
" Sabay na tayo kumain nagluto ako." Tugon ni Jaleel
" Sige! Sandali lang mga15 minutes lalabas na ako." sagot ko
" Magtago ka sa ilalim ng kama ko." Utos ko kay Devon
" Ayaw ko." parang bata na tugon ni Devon
Gwapo si devon may lahi siya kaya makalaglag panty din ang binata, malapad ang pangangatawan
" Sige tumalon ka nalang sa balcony." baliwalang tugon ko niligpit ko ang mga gamit sa panggagamot
" Sige na pero paalisin mo agad ang asawa mo, Nagugutum na ako wala pa akong almusal hindi rin ako kumain kagabi." Nakasimangot na tugon ni Devon
Napangiwi ako ng alanganing pag nalaman ni Jaleel na may lalaki akong kasama sigurado kahit gaano pa magaling lumaban si devon kaya siyang patayin ni Jaleel, mafia boss ang asawa ko bihasa sa pakikipag laban.
" Tsk! Bahay ko to bakit nandito ka?" Masungit na tanong ko kay Jaleel Paglabas ko ng pinto nilock ko ang kwarto bago ako naglakad palayo sa pinto
" May lalaki kabang kasama sa kwarto mrs Scott?" Tanong ni Jaleel nakakunot ang noo niya halata na nagdududa
" Lumayas ka kung pag-iisipan mo lang ako ng hindi maganda. Kung may lalaki ako sa harapan mo ako makikipag lampungan para maramdaman mo kung gaano kasakit ang masilayan may kalampungan ang asawa mo." Pagalit na bulyaw ko nilagpasan ko si Jaleel naglakad ako pakusina
" Sorry na! Amoy lalaki kasi ang bahay mo." Paliwanag ni Jaleel
" Malamang lalaki ang mga tauhan ni Gwen! Natambangan sila dito naisip pumunta umalis din agad pagkatapos lapatan ng paunang lunas ang sugat ng tauhan." Pagalit na paliwanag ko
" Oh My God! ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito. Sa oras na malaman ni Jaleel na ako ang pumapatay sa lahat ng naging babae niya sigurado malaking gulo, Baka habang buhay ko na siya hindi malalapitan, Ang masama pa baka magkagalit pa ang pamilya namin. Siguro kailangan ko na itigil ang pagpapatay ko sa mga naging babae niya." Piping sambit ko