Chapter 16 Begging for another chance

2200 Words
Alazne * * " Layassss..... Lumayas kayo! mga siraulo kayo." Galit na Bulyaw ko nagpulasan sila naunang tumakbo si mama at mommy max nagtatawan pa sila " Mag-usap nalang tayo, Bakit hindi nalang tayo magtulongan mag-asawa naman tayo." Wika ni Jaleel Nag dirty finger ako kay Jaleel umugong ang malakas na tawanan. Naiinis na naglakad ako pabalik sa mansion kumuha ako ng isang bote ng red wine naglakad ako pabalik sa tabing dagat napansin ko si Jaleel kausap ni kuya nagtatawan ang dalawa. Masaya ang paligid nagkakatuwaan ang mga kamag-anakan ko. Makukulit ang maingay lahat sila nag-aasaran naglakad ako palayo sa lahat mas gusto ko mapag-isa malayo na sa lahat. Bagamat naririnig ko parin ang asaran nila pero kahit paano malayo na ako. " Sabay kami ni Jaleel nagtapos ng college kaya iisang party ang ginanap. Naupo ako buhangin nakatanaw ako sa malayo habang tinutungga ang alak na hawak ko Sa unang taon namin ni Jaleel bilang mag-asawa maging masaya kami. Nag bulag-bulagan ako sa pangbabae niya. Magkatabi kami matulog sobrang saya ko sa tuwing kasama ko sya. Pero ng sumapit ang first anniversary namin nagising ako sa katangahan ko. Malapit na kami mag two years sa mga nakalipas na buwan naging sarado ang isip ko kay Jaleel. Ayaw ko nang maghabol at ayaw ko na magpakatanga. Sapat na ang ilang taon ko na paghahabol sakanya. Hindi ako mahalaga sakanya tulad sya ni kuya mahalaga ang Mafia organization kaysa babaeng tinitibok ng puso. Napangiti ako ng mabasa ko kung sino ang tumatawag saakin " Congratulations Ash " bungad na wika ni Devon " Thanks! Kumusta ka?" tanong ko " Ito nag-eenjoy sa buhay, . " Tugon ni Devon " Thanks Devon bye." Tipid na wika ko sabay patay ng tawag " Bakit Vito?" Bungad na tanong ko pagsagot ko sa tawag ni Vito " Congratulations baby. Open mo email mo may regalo ako sayo." Malambing na tugon ni Vito sa kabilang linya " Thanks! Nakalimutan ko buksan ang flashdrive na bigay mo saakin. Bukas ng umpisa na ako sa paglilinis ng kalaban. " Tugon ko " Pagkailangan mo ng tulong hanap ka nalang ng iba nagbagong buhay na ako." Natatawa na wika ni Vito " Gago Akala ko pa naman sasamahan mo ako. " Tugon ko tumawa si Vito nawala na siya sa kabilang linya. Kakaiba ang saya ko pag si Vito at Devon ang kausap ko magaan sila kasama, Gusto ko ang pagiging malambing nila saakin " Magpapagawa muna ako ng bahay sa probinsya, Gusto ko malapit sa dagat may lupain naman ako na pinamana ni Papa. Gusto ko manirahan sa probinsya pagkatapos ko makipag hiwalay kay Jaleel. Siguro maghahanap nalang ako ng sperm donor para magkaroon ako ng anak. Hindi naman masaya magkaroon ng asawa pero masaya magkaroon ng anak. " Malungkot na kausap ko sa sarili ko " Tama magiging masaya ako kahit na mag-isa ako. Hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya." Kausap ko sa sarili ko " Magiging masaya ang future natin." Napalingon ako sa nagsalita umirap ako kahit na madilim ang paligid alam ko na si Jaleel ang nagsalita " Hinding-hindi ako magiging masaya sayo. Simula ng magkagusto ako sayo puro panlalait na ang naririnig ko mula sayo. Paulit-ulit mo sinasabi na i hate you hinding-hindi ako magkakagusto sayo. Malandi ka pok-pok bata bata mo pa kung sino-sino na ang kalampungan mo. Isa ka lamang basura. I hate you hinding-hindi kita magugustohan. Parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko. Naging masaya ako ng nagtapat ka saakin na gusto mo din ako pero alam ko na ginagamit mo lang ako para sa sarili mong interes. Ayuko na Jaleel hinding-hindi ako magiging masaya sayo. Bakit hanggang ngayon pamilya lang natin ang nakakaalam na mag-asawa tayo? Dahil sa kinakahiya mo ako." Mahabang pahayag ko sa malungkot na boses Naupo si Jaleel sa tabi ko hinawakan niya ang kamay ko, Hinalikan niya bago nagsalita " I Regret! Oo matagal na kitang gusto kaya nga kahit na sinasabi ko na hindi kita gusto sunod ng sunod parin ako sayo. Nasanay na ako sa kakulitan mo nasanay din ako na sinasabi mo na gusto mo ako. Inakala ko na hinding-hindi mo ako kayang ipagpalit sa iba dahil mahal mahal mo ako, Kaya nga nagawa kong mangbabae pero nagkamali ako. Nasaksihan ko na marami palang may gusto sayo. Naghahangad na mapaibig ka kaya mo pala ako palitan ng walang kahirap-hirap. Mag-umpisa tayong muli Alazne." Mahabang saad ni Jaleel " Tama ka mag-umpisa tayong muli. Pero mag-umpisa ako na ako lang mag-isa. Tama na ang ilang taon na paghahabol ko sayo Jaleel, Gusto ko mag-umpisa kaya ko mabuhay na wala ka, Sanay ako ng mag-isa hindi kita kailangan." Tugon ko " Alam ko mahal mo pa ako. Nasaktan lang kita kaya mo nasasabi yan. Gago lang ako kinahiya kita, Iniisip ko na pagtatawanan ako ng lahat sa oras na malaman nilang naging Asawa ko ang babaeng inaayawan ko ng ilang taon. Ibabalik ko ang pagmamahal mo saakin Alazne gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. " Mahinahon tugon ni Jaleel " Gawin mo ang lahat pero wala kang aasahan. Nakakapagod kang mahalin! Nakakapagod ang kakahabol sayo kinapalan ko ang mukha ko kahit na pinagtatawanan na ako dahil sa kakahabol sayo. Pero nagising na ako sa katangahan ko, Mag-iisang taon na simula ng iwasan kita kaya ko palang kalimutan ka." Tugon ko sa malungkot na boses Nagulat ako ng maupo sa harapan ko si Jaleel kinabig niya ang batok ko mariin na inangkin ang labi ko. Tulad ng dati sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko para bang ayaw ko matapos ang sandaling ito, Nagpakatatag ako hindi ako tumugon sa kanyang halik " Darling! I miss your lips. I really miss you. Namimiss ko ang magiging masiyahin mo ang pagiging pilya mo." malungkot na wika ni Jaleel kusa niya pinakawalan ang labi ko " Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Akala ko magiging okay na tayo. Nangako ka na hinding-hindi ka makikipag talik sa iba na ginagamit mo lang sila para protiktahan ako. Ang tanga ko para maniwala sayo, Hinding-hindi na ako maniniwala sayo. Hindi ko naman pinangarap na magpakatanga habang buhay. " Garalgal na wika ko Tumayo ako hinawakan pa ni Jaleel ang kamay ko pero tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko * I love you! I am so in love with you. can you give me another chance? please.." Malakas na Pakiusap niya Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para akong walang narinig Napailing nalang ako mga siraulo talaga ang mga magulang namin. Nagtatago sila sa kubo nakikinig ng usapan namin ni Jaleel " Naglakad na ako papasok sa mansion dinaanan ko lang ang mga kamag-anakan namin na lasing na may nag suntukan may naghahabolan iwan ang gulo nila para silang walang problema para silang mga bata Pagpasok ko sa kwarto ko agad ako nahiga sa kama dahil siguro sa kalasingan kaya mabilis ako nakatulog Kinabukasan " AAAAAAHHHH! Tangna nasaan? Nasaan ang kalaban?" Sigaw ni Jaleel nakatanggap siya ng mag-asawang sampal Magising kasi ako na nakayakap siya saakin dahan-dahan ko inalis ang pagkakayakap niya saakin naupo ako at sinampal ko siya ng ubod ng lakas " Tsk! Bakit nandito ka sa kwarto ko? Layassss." galit na Sigaw ko " Darling naman! mag-asawa tayo saan naman ako matutulog? Lahat ng kwarto may natutulog na. Ito naman oh lagi mo nalang ako sinasampal sa tuwing magigising ka na nakayakap ako sayo." Naiinis na tugon ni Jaleel Umirap ako bumaba ako sa kama pumasok ako sa banyo naligo ako paglabas ko sa banyo nakatapis ako ng tuwalya nakaupo sa gilid ng kama si Jaleel malagkit ang pagkakatitig saakin. " Hinding-hindi mo ako matitikman maglaway ka." Mataray na wika ko Walang pag-aalinlangan na tinanggal ko ang tuwalya na nakabalot sa katawan ko. Narinig ko ang magmumura bi Jaleel Tumakbo siya papasok sa banyo, Nagbihis ako ng summer dress ang napili ko isuot balak ko bumalik na sa manila gusto ko maglinis sa bahay ko. " Bilisan mo maligo uuwi na tayo marami akong gagawin." Mataray na utos ko Ilang sandali lang lumabas si Jaleel sa banyo hindi ako tumingin alam ko nagbibihis siya narinig ko na nagsalang siya. " Darling! Namimiss kona ang dating ikaw. Nagsisisi ako na ako ang dahilan ng pagbabago mo. Hinahanap-hanap ko ang alazne na pilya matigas ang ulo, Malambing at mapagbiro. " Malungkot na wika ni Jaleel " Ikaw ang may kasalanan Jaleel. Nagkasundo na tayo naging okay na ang lahat naging masaya naman tayo. kaya ko naman gawin ang ginagawa ng ibang babae pero napili mo parin mangbabae. Nagawa mong makipag talik sa kung Sino-sinong babae Tapos saakin hindi mo magawa. Dahil hindi mo naman talaga ako mahal hindi mo ako kayang mahalin, Hindi mo masikmura ang basurang katulad ko. " Pagalit na tugon ko " Gustong-gusto kitang angkinin pero hindi pwede! Balang araw malalaman mo ang dahilan." malungkot na tugon ni Jaleel Dinampot ko ang handbag ko sinuot ko ulit ang necklace ko naglakad na ako palabas ng kwarto Nakipag kwentohan ako sa mga pinsan ko habang naghihintay ako kay Jaleel Pagkalipas ng ilang minuto nagpaalam na kami na babalik na kami ng manila naiwan pa sila mama. pagdating sa bahay namin nagulat pa ako ng pagbukas ko ng pinto nagkalat ang rose petals sa sahig papunta sa kwarto namin " Happy two years anniversary darling." Nakangiti na Bati niya Two years na pala? Isang taon ko na pala siya iniiwasan pero nakaya kong tiisin ang pangungulit nya. Mahal ko parin si Jaleel hindi naman nawala ang pagmamahal na yon. Ayaw ko lang magpauto dahil alam ko masasaktan lang ako, Hind niya ako mahal dahil lang sa gusto niyang mapalakas ang kanyang grupo kaya gusto niyang manatiling kasal saakin. Isa akong shoun at nanalaytay sa dugo ako ang dugo ng Cuizon kinakatakutan ang angkan na pinagmulan ko. Kaya mas mapapalakas pa ang pagiging mafia boss ni Jaleel dahil isa rin akong business woman. Isang business tycoon si Papa, billionaire din si Papa Pinaghati-hati na saamin tatlong magkakapatid ari-arian. Hinding-hindi ako papauto sa gagong to. Para akong walang narinig! naglakad ako hanggang sa makapasok ako sa kwarto namin mag-asawa, naiinis ako ng first anniversary namin hindi niya naalala naghintay ako pero nakikipag talik pala siya sa ibang babae. Ang sakit ng masaksihan mo ang mahal mo na may katalik na iba. Pero kasalanan ko pinagpalitan ko ang sarili ko sa taong walang pagmamahal saakin. Hindi na ako nagbihis nilatag ko ang sofabed nahiga ako, Sumasakit ulo ko dahil siguro sa hangover. Bukas na ako maglilinis sa bahay ko marami akong dapat imbistagahan. " Darling! Bumangon ka muna hindi kapa nag aagahan." Malambing na wika ni Jaleel " Tangna! Pwede ba huwag mo ako pakialaman! Gusto ko matulog masakit ulo ko istorbo ka." Galit na bulyaw ko bumangon ako sa pagkakahiga naupo ako sa sofabed nakatitig ako kay Jaleel Pagkagulat ang mababakas sa mukha ni Jaleel " D-Darling! Bakit ka galit? Utal na tanong ni Jaleel Bakas parin ang pagkagulat sa kanyang mukha Nahiga ulit ako pumikit ako hindi ko na pinansin si Jaleel " Darling! bati na tayo please nakakatakot ka magalit eh. Pakiusap hindi na ako mangbabae, Namimiss ko na ang matamis mong ngiti, Namimiss kona ang dating Alazne. Darling patawarin mo na ako, Handa na akong ipaalam sa lahat na mag-asawa tayo." Pakiusap ni Jaleel naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko hinahaplos niya ang buhok ko habang nagsasalita nakadapa ako nakasubsob sa unan " I knew I was born to be yours I need you like a heart needs a beat, Please Wife Pwede mo ba akong bigyan ng isa pang pagkakataon." Malambing na pakiusap ni Jaleel Hindi ako umimik pinili ko ang matulog kaysa pakinggan ang walang kwentang pinagsasabi niya. Hapon na nang magising ako naligo at nagbihis ako parang hangin lang si Jaleel na hindi ko nakikita kinakausap niya ako pero para akong walang naririnig. " Mahirap ang maghabol diba? Manigas ka paparamdam ko sayo ang lahat-lahat ng naramdaman kong sakit at selos, Ang pakiramdam na wala kang halaga at pagtawanan ng mga kakilala mo dahil habol ka ng habol sa ayaw naman sayo. Magiging masaya ako kahit na wala ka." Piping sambit ko habang naglalakad palabas ng bahay " Darling! Kausapin mo naman ako! isang taon ako parang tanga, Pag-usapan natin ang problema ayusin natin pagsasama natin. I love you." Wika ni Jaleel nakasunod siya saakin Binuksan ko ang gate nakasunod parin siya saakin parang sirang plaka na nagsasalita. " Baby! please kausapin mo naman ako, Para na akong mababaliw hindi mo ako pinapansin para akong tanga na nagsasalita hindi mo naman ako pinapansin." Naiinis na pakiusap ni Jaleel Pumasok ako sa kotse ko pinaharorot ko paalis " Siraulo! Bakit tatanga ng Mafia boss? Tulad ni kuya pagkatapos pikutin si Atarah ngayon nagdadalang tao na binabaliwala. Dapat pagmahal mo ang isang tao Pahalagahan mo huwag kang gagawa ng ikakasakit nya, Mahalin mo sya at alagaan tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo. Dahil siya ang tinitibok ng puso mo. Siya ang buhay mo! " Hayst! Aalamin ko nalang kung sino-sino ang kalaban ni Jaleel at sino nga ba ang taong gustong pumatay saakin? Bakit ako? " Kausap ka sarili ko habang nagmamaneho patungo sa sarili kong bahay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD