Meiryn took a glance on her wristwatch and saw that it’s already quarter to ten.
“Malapit nang mag-ten, Ninna. Uwi na tayo. I need to sleep early, maaga pa tutorial classes ko bukas.”
“Mamaya na, Mei. Minsan nga lang ‘to, eh! Hindi ka naman madalas na nale-late at ‘ni hindi ka nga uma-absent diyan sa volunteer activities mo kaya okay lang ‘yan! Magsaya muna tayo rito!” sagot nito na animo’y tinatamaan na ng iniinom na alak.
Napasimangot na lamang siya.
“Here.” Inabutan ba naman siya ng isang baso! “Inom ka muna!”
“Ayoko nga.”
“Sige na kasi! Huwag ka nang killjoy!”
Hindi siya sumagot.
“Sige na! Hindi ka na nga nakikipag-socialize, eh, tapos itong simpleng pag-aalok ko lang sayo ng inumin, tatanggihan mo pa! Sige na kasi!”
She finally gave up. “Sige na nga!”
Tinanggap at ininom niya iyon. Kahit papaano marunong din naman siyang uminom ng pakonti-konti dahil tinuruan siya noon ng nakapa-good influencer niyang kaibigan na ito! Pero konti lamang talaga.
“Yay! Good girl! Isa pa!”
“What?! Isa pa? No! Tama na!”
“Isa pa ‘yan! Go ka na, sis!”
Sa muli ay wala siyang nagawa nang inabutan siya ni Ninna ng isa pang baso ng alak. Ayaw na niya ng marami pang usapan kaya sa muli ay pinagbigyan niya’t ininom.
“Great!”
Katulad ng unang inom niya, hindi halos maipinta ang reaksyon ng mukha niya sa pait ng lasa ng alak. Matagal-tagal na panahon na rin simula nang nakatikim siya kaya heto at mukhang pinababaguhan na naman siya sa hindi kaaya-ayang lasa at amoy nito.
“Sure ka na ba talagang papasok ka na ng kumbento pagka-graduate natin, Mei? Like, as in? Final na talaga? ‘Di na magbabago desisyon mo?”
Napangiti na lang siya sa tanong nito. Paulit-ulit na tanong ngunit paulit-ulit lang din ang kanyang sagot. “Walang makakapagpabago nu’n dahil mula pa pagkabata, ‘yon na ang siyang tanging pinapangarap kong gawin.”
“Hayss…” Napabuntong na lamang ito, suko na talaga. “Alam mo, Mei, kung matatandaan mo, suportado kita, eh! Suportado ako sayo sa lahat ng bagay na ginagawa mo—alam, kita, at ramdam mo ‘yon. Best friend mo ako, eh, kasi kung saan ka masaya, doon din ako at support kita. Pero itong kagustuhan mong pumasok sa kumbento at mag-Madre? Ewan ko ba! Duda ako kung ito ba talaga ang para sa ‘yo! ‘Ni isipin ko pa lang na magsusuot ka ng veil at tatawagin kang ‘Sister Mei,’ my goodness! Kinikilabutan ako ng bonggang-bongga, day! Hindi ko alam kung bakit pero pinananayuan talaga ako ng mga balahibo tuwing maiisip ko ‘yon! Hay, ako itong nai-stress sa ‘yo talaga!”
Marahang natawa at napailing na lang siya sa tinuran ng kaibigan. Sanay naman na siya kay Ninna kaya biro na lang para sa kanya ang mga ganitong hirit nito tuwing mapag-uusapan nila ang tungkol sa landas na gustong-gusto niyang tahakin.
“Sino ba kasing nagsabi sa ‘yong magpaka-stress ka? Huwag mo na kasing isipin nang isipin para hindi ka kinikilabutan! Cheer mo na lang ako!” Ngumisi pa siya.
Umirap ito bago muling may maisip na itatanong sa kanya. “Hindi mo man lang ba kahit minsan naisip na sayang ka? I mean, ang ganda-ganda mo, Meiryn hija! Sayang naman, ‘di ba, kung walang aangking asawa diyan sa kagandahan mo at walang magmamanang mga anak mo? ‘Di mo ‘yon naisip kailanman?”
“Naiisip din naman minsan, Nin,” pagpapakatotoong sagot niya. “Pero wala, eh. Mas nangingibabaw talaga sa akin ang kagustuhan kong makapagsilbi sa Diyos habang buhay at walang anumang reserbasyon.”
“Hays!” Nasapo na lang nito ang noo at sa muli ay ikinatawa niya iyon. Stress na stress kasi talaga ito na akala mo naman ito ang magma-Madre. Eh, hindi naman!
Isa pang tungga ng alak at kalauna’y mukhang masusuka na si Ninna. Kaagad na sinaway na ni Meiryn ang kaibigan.
“Yuck! Doon mo ‘yan sa CR ilabas at huwag dito, Ninna! Sabi ko nang huwag magpapasobra, eh!”
“Oo na! Hindi pa naman ako gaanong lasing, eh! Pero heto na nga.” Tumayo na ito, ngunit hindi pinalagpas ang huling isang baso ng alak para iabot sa kanya. “Inumin mo ‘yan, last na ‘yan. Pagkabalik ko rito, dapat ubos na ‘yan tapos uuwi na tayo.”
“Fine.”
Nang mga sandali ding iyon, sa kabilang dako ay nagkakasiyahan sina Grant at ang kanyang mga kaibigan. Isa kasi sa mga kaibigan nila ay close friend ni Dana kaya heto, at naimbitahan na rin sila sa party nito ngayong gabi.
Grant is on his fifth and last year in his Architectural course. Twenty-two years old and Captain ng varsity sa basketball sa kanilang Unibersidad.
Ang kasalukuyan niyang kaakbayan na si Vana at girlfriend niya for two years ay nag-excuse muna ng sarili nito para pumunta ng powder room.
“Eto, pre, subukan ninyo ‘to ni Vana ngayong gabi,” anang loko-lokong si Thirdy nang tumabi sa kanya at inakbayan siya sabay abot ng kung anong bote ng tabletas sa kanya.
“Ano ‘yan?” curious namang aniya.
“Booster pill, pre. Na-order ko kamakailan sa isang leading online shopping app. No worries dahil safe ‘to, pre, at nasubukan ko na. Talagang effective! Plus, hindi ‘to bawal dahil bukod sa herbal-made, sealed and may therapeutical claims din!”
“Totoo ‘yan, pre, subok ko na din ‘yan! Tin-ry namin ng girlfriend ko noong nakaraang gabi. Grabe, pre! Swear! We’ve experienced the best s*x we’ve never had before!” dagdag pa ni Ryan.
“Lagay ninyo sa alak ninyo, with Vana’s consent, of course. Tiyak na dadalhin kayong pareho sa r******************n. But don’t get me wrong, hindi ‘to makaka-high dahil hindi naman ‘to something illegal, talaga lang na makakatulong ito to boost your libido and your desire for s****l i*********e, especially when mixed in your alcoholic drinks,” patuloy pa ni Thirdy.
Tinanggap na nga lang niya para wala nang maraming usapan. He even tried putting one tablet on his drink, and also put one on Vana’s glass. Masubukan nga kung gaano ka-effective ang binibidang ito ng kanyang mga kaibigan!
Hindi kalauna’y nakabalik na si Vana.
“Oh, Vana, may nilagay kami sa inumin mo para maganda performance ninyo ni Grant mamaya sa pagpapaka-happy-happy, ah? Para naman aware ka at hindi mo sabihing hindi namin pinaalam sayo!” ngingisi-ngising ani Thirdy sa dalaga.
Ngumisi din lang si Vana saka tumango. “Great. Sigurado kayong liligaya kaming dalawa dito, ah?”
“Hundred percent, Vana,” sigurado namang sagot ni Jeremy.