“THREE months left to go! Three months na lang at ga-graduate na tayo sa wakas, Meiryn!”
Napangiti at napatango si Meiryn sa sinabi ng kaibigan niyang si Ninna. Hindi naman halatang masyado na itong excited na mag-March na’t sa wakas ay magmamartsa na sila sa pagtatapos sa kurso nilang Business Management.
Kababalik lang kasi ng klase mula sa Christmas and New Year vacation kaya heto, tuwang-tuwa ang mag-best friends na muling nagkita dito sa loob ng classroom nila.
“Pangiti-ngiti ka diyan pero hindi alam kong hindi ka naman talaga sa graduation natin excited! Mas excited kang pumasok sa kumbento!”
Sa muli ay magiliw na napangiti si Meiryn. Totoo naman din iyon. Gusto na rin niyang maka-graduate dahil papasok na siya sa talagang mula noon pa ay pinapangarap na niyang pagsilbihan; ang kumbento para magsanay at maging isa sa mga ganap na Madre ng Simbahang Katolika.
Simula pagkabata, iyon na talaga ang pangarap ni Meiryn. Naaalala niya dati, noong nabubuhay pa ang ina niya at palagi silang nagsisimba tuwing Linggo, particularly noong mag-Grade six siya’y talagang naengganyo na siyang pagsilbihan ang Diyos sa ganoong paraan at ganoon kalalim na debosyon. Nakikita kasi niya kung paanong magsilbi at maging tapat sa sinumpaang tungkulin ang mga Madre lalo pa’t sa isang Catholic school din siya nag-elementarya. Ganoon pa rin hanggang nag-sekondarya siya at mas lalo pang nadagdagan ang interes niya nang magsimula siyang kausapin at hikayatin ng mga Madreng kaibigan ng mommy niya saka tumutulong-tulong na siya sa Simbahan tuwing may misa kapag araw ng Linggo. Masaya siya sa kanyang ginagawa, it’s truly fulfilling.
She lost her mom in her late secondary due to a car accident, pagkatapos nu’n ay hindi na muling nag-asawa at umibig ang ama niyang siyang natitira sa kanya ngunit hindi rin nagkulang bilang ama sa kabila ng pagluluksa sa pagkawala ng kabiyak. Her father, and her nun friends and second home were the ones to have truly helped her move on and heal from that pain of losing her beloved mother.
Now that Meiryn Montevalle is already a twenty-one-year-old fair woman, her life desire is still tight and unchanging. Sa totoo nga lang, sa bawat panahong nagdaraan ay mas lalo lamang nadaragdagan ang kanyang kagustuhan at kasabikan na makapasok sa kumbento at maumpisahan na ang philosophical, biblical, and theological studies na kailangan niyang pag-aralan at isapuso para magbasbasan at maging ganap na Madre pagkaraan ng ilang taon na pagsasanay.
“Anyway, this coming Friday night, don’t forget, a-attend tayo ng birthday celebration ni Dana.”
Akmang magsasalita siya para magsabi ng kanyang excuse na hindi um-attend ngunit inunahan na siya ng kaibigan at itinaas pa talaga nito ang kamay.
“Hep! No excuses! Ang tagal na nating hindi nakakapag-party! Last year masyado tayong naging busy sa Thesis natin, ngayong taon naman sa OJT tapos approaching na rin ang Portfolio Making so, habang hindi pa tayo ganoon ka-hectic ulit, sulitin na natin ang pagkakataong makapag-happy-happy naman kahit papaano! Besides, ilang months lang din from now, tuluyan ka nang magde-devote sa convention kaya pagbigyan mo na ako, Mei! Please!”
She sighed and nodded, finally giving up. “Sige na nga, basta last na ‘to, ha?”
“’Yan ang gusto ko sa ‘yo, friend, eh!” natutuwang palatak nito sabay yakap sa kanya.
Si Dana kasi ay isa sa mga kaklase nila at bagaman hindi ganoon ka-close ngunit dahil likas na friendly sa halos lahat sa kanila ay iniimbitahan nito ang lahat. Twenty-second birthday celebration nito sa darating na Friday night at sa isang sosyal at sikat na bar dito sa kanila gaganapin iyon. Ayaw sanang pumunta ni Meiryn dahil bukod sa alam niyang puro pasosyalan at inuman ang mangyayari doon ay may tutorial classes siya kinabukasan. Bukod kasi sa pagsi-serve sa simbahan ay may religious foundation din siyang sinalihan mula nang mag-first year college siya na ang ginagawa tuwing holidays or weekends ay bumibisita sa bahay-ampunan para mag-volunteer na magpasaya sa mga bata at turuan ng basic Math and English ang mga ito.
Dumating ang gabi ng selebrasyon ng kaarawan ng nasabing kaklase nila at hindi nga nagkakamali si Meiryn, puro inuman at walwalan ang ginagawa ng mga katulad niyang kabataan na dumalo. Siya nga lamang siguro ang natatanging narito sa tabi, tahimik na nagmumukmok at hinihintay si Ninna na matapos at magsawa sa pakikipagtawanan at kuwentuhan sa mga kakilala na taga-ibang Department na malamang ay mga kaibigan at kakilala din ng birthday celebrant.
“Uy, okay ka lang ba dito, Mei?” Mayamaya ay pagche-check sa kanya ni Dana nang mapansin at lapitan siya.
She smiled and nodded. “Ayos lang ako. Don’t worry.”
“Sure ka, ha?”
Tumango ulit siya. “Happy birthday ulit.”
“Thank you, Mei!”
Tamang-tama na nang iwanan siya ni Dana para mag-entertain pa ito ng iba pang mga bisitang dumarating ay lumapit naman sa kanya si Ninna. Halos mapataas pa ang isang kilay niya sa nakikitang dala nitong isang bote ng alak at baso.
“Hay, salamat! Natapos ka rin doon sa mga kakuwentuhan mo! Akala ko hindi na, eh!” bungad niya sa kaibigang kauupo lang sa sofa na katapat nitong sa kanya tapos ay inilapag nito ang mga dala sa mesa sa harapan nila.
“Eto naman! Try mo rin kayang makipag-socialize, ‘no! Makipagkilala ka rin sa ibang mga schoolmates natin para kahit papaano maranasan mo rin ang makalabas sa comfort zone mo at hindi itong nagmumukmok ka na lang parati dito sa gilid!” balik-banat naman nito sa kanya.
Nag-cross arms na lamang siya. “Ayoko. Alam mo namang wala akong hilig diyan; sa mga party katulad nito kaya mas mabuti pa ang magmukmok kaysa sa pilitin ang sarili kong magsaya at makipag-plastikan sa mga taong hindi ko naman kakilala at hindi ko rin feel!”
“Grabe ‘to! Dahil party people at iba sa paniniwala mo, hindi mo na kaagad feel? Gano’n?”
Umiwas na lamang siya’t hindi na sumagot.
Pinanuod niya si Ninna na binuksan ang bote ng alak at nagsalin sa baso nito.
Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak na mag-explain o ipaintindi sa ibang tao ang sariling paniniwala niya dahil alam niyang bawat isa ay may kanya-kanya namang pag-iisip at mga pinaniniwalaan kaya nga mas pinipili na lamang niyang umiwas sa lahat ng pagkakataon kaysa sa ang makipag-debate o ano pa man. Para kay Meiryn kasi, maraming bagay ang mas dapat niyang unahin at pagtuunan ng pansin kaysa sa ang ipilit ang sarili niyang opinyon sa ibang tao. That’s just plainly a waste of time and energy.
“Uy, hinay-hinay lang at baka mamaya masobrahan ka na naman!” saway bigla niya nang makitang halos nakakatatlong salin na ito ng alak sa baso nito.
May mga pagkakataon din noong early college years nila at hindi pa sila ganoon ka-busy na sinasamahan niya ang kaibigan kapag nagyayaya ito dahil kung hindi family-problem ay problema sa usaping puso ang idinadaing nito, sinasamahan niya at pinakikinggan niya ang bawat hinaing at sinasabi nito. Hindi siya umiinom, sinasamahan lang niya ito. Hindi rin siya nag-a-advice unless na lang kapag alam niyang kailangan talaga nito ng words of wisdom niya.
They are, actually, very different from each one. Siya kasi ‘yung tipo ng konserbatibo at ‘good girl’ kumbaga, samantalang ito nama’y ang opposite version niya; rebel and kind of liberated pero hindi naman sobra, tama lang. Mei thinks that’s what also makes their friendship even closer—their differences. ‘Opposites attract,’ ika nga.