Nagising kinabukasan si Meiryn na sobrang sakit ng ulo at patamad na iminulat ang kanyang mga mata saka inilibot ang mga iyon sa paligid. Bigla siyang naalerto at kinabahan nang marekognisang hindi ito ang kanyang kwarto o ang kwarto ng kaibigan niya kung saan bukod tangi siyang nag-i-sleepover kapag hindi natutulog sa bahay nila! Nasaan siya?
Kahit na masakit pa ang ulo ay pilit niyang inalala ang mga nangyari kagabi. They were at a bar celebrating their classmate’s birthday party and she drank few glasses of alcoholic drinks na inabot sa kanya ni Ninna. She was still processing in her mind why she ended up being inside this suite, ngunit biglang marahang umuga ang kama nang gumalaw ang lalaking katabi niya na mahimbing pa rin sa pagkakatulog nito.
Nagulantang siya at awtomatikong tila nagising lahat ng diwa niya! Nuon din niya napagtantong pareho silang hubo’t-hubad ng lalaking ito at tanging puting manipis na kumot lamang ang nagtatakip sa kanilang mga kahubdan. Unti-unti na ring nagbabalik sa alaala niya ang lahat ng mga nangyari! Tatlong baso lang ang nainom niya ngunit pagkatapos ng huling baso ay tila nalasing siya nang sobra. Gininaw at tila may sariling buhay ang mga paa na naghanap ng init hanggang sa makapasok sa isang bakanteng suite at doon sana magtatalukbong sa kumot para mabawasan ang ginaw na nararamdaman, ngunit may ibang tao pa pala at hindi na niya namalayang tuluyan nang ibinigay ang sarili sa isang lalaking ‘ni hindi niya man lang kilala!
Dali-dali siyang tumayo habang nakapalibot pa rin sa kanyang katawan ang kumot at pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig at madaling isinuot ang mga ‘yon. Naging maingat siya sa kanyang bawat galaw na hindi makagawa ng anumang ingay na magigising ang lalaki, kahit pa ramdam na ramdam niya sa kanyang ibaba ang hapdi na magpapatunay na nakuha na nga sa kanya ang bagay na buong buhay ay pinakainingatan niya. Nahagip din ng kanyang mga mata ang wallet-size picture na malamang ay nahulog sa bulsa ng lalaki kagabi mula sa pantalon nito nang maghubad ito. Picture nito iyon na may kasama at kaakbayang babaeng hindi rin niya kilala.
Nang tuluyang makaalis at pagkauwi sa bahay ay nagdire-diretso siya sa kanyang kuwarto na hindi halos napansin ang pagtawag sa kanya ng daddy niya na dinaanan lang niya sa dining nang nagkakape itong mag-isa at nagbabasa ng diyaryo saka namataan siya.
“Kina Ninna ka na naman natulog kagabi, ano? Hindi ka man lang nag-text o tumawag sa akin, anak.”
Kalauna’y nagtaka ang daddy niya dahil tila hindi man lang niya iyon napansin at nagtuloy-tuloy lamang siya sa pagmamadaling tunguhin ang kuwarto niya.
Diretso kaagad siya sa shower room at doon niya ibinuhos ang lahat kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha. Umiiyak at tila diring-diri sa kanyang sarili na pinagkukuskus ng sabon ang bawat balat niyang hinawakan, hinalikan at inangkin ng lalaking ‘ni hindi niya kilala!
Wala na! She just lost it that easily! That way! Nandidiri siya!
Dumausdos siya at napaupo sa tiled floor ng shower at nag-iiiyak pa rin na halos magwawawala na. Hindi siya makapaniwala! All her life, naging sobrang maingat siya sa kanyang sarili! Sobrang naging self-preserved siya na kahit nga ang mahawakan man lang ang kamay niya ng ibang tao lalo na ng kung sinong lalaki ay agaran siyang nakakaramdam ng uncomfortable feeling! Tapos eto lang? Eto lang! Isang gabi at isinuko niya ang sarili sa isang estranghero?! Anong malay niya kung ang lalaki palang iyon ay nalululong sa s*x sa kung sinu-sino lang?! Anong malay niya kung may sakit iyon o ano?!
“Ahhhhh!” she screamed frustratedly and painfully.
Para na siyang mababaliw sa kaiisip! She feels so dirty!
Hindi siya ganito, eh! Hindi siya ganito kapariwarang tao! Hindi siya ganoong klaseng babae kaya papaano niya tatanggapin?! Paano niyang tatanggapin na nawala niya ang bagay na iyon nang ganoon kadali at sa ganoon pa kaindisenteng paraan?! Paano?!
And thinking that he may also have a girlfriend or wife, base sa nakita niya roon sa litrato, mas lalo siyang nagagalit sa kanyang sarili! Kahit kailan ay hindi niya pinangarap ang makapanakit ng damdamin ng kapwa babae sa pamamagitan ng pakikipag-s*x sa lalaking committed!
“Ahhhhh!” muling sigaw niya at galit na galit na sinabunutan ang sarili. “First, you gave yourself with a man you never know! Second, you did it with a man who is obviously committed! And thirdly, you totally lost your values, Meiryn! You totally lost yourself! You’re crazy! You’re dirty! Pakawala ka!”
Sa mga sandali ding iyon ay nagising na sa wakas si Grant mula sa masarap at mahimbing na pagkakatulog. Napangiti pa siya sa kanyang sarili nang maalala ang mga nangyari sa kanila ng nobyang si Vana kagabi. It was one of a kind and so beautiful… something he could never forget.
Nakaramdam siya ng bahagyang lungkot nang kapain niya ang kama at napagtantong nag-iisa na lamang siya at wala na si Vana sa kanyang tabi. Napailing na lang siya, and disregarded that. Nevertheless, last night was still the best night ever!
Akmang tatayo na siya at magsusuot ng mga damit nang mahagip ng kanyang mga mata ang bloodstain sa puting bedsheet. He was shocked and horrified! Imposible!
Ilang beses na sa dalawang taon nilang magkasintahan ni Vana na may nangyayari sa kanila, and she wasn’t even already a virgin when he first did it with her, kaya bakit… bakit may bloodstain?
He immediately took his phone on the table, at tatawagan sana niya ang nobya ngunit nasagot ang tanong niya nang makita ang message nito around 10:40 PM last night.
Vana: I’m sorry, Grant, I have to go now. I need to take care of Erin, nagpasobra kasi ng inom, eh, kaya ihahatid ko na sa kanila. Sorry talaga, baby, bawi na lang ako sa ‘yo next time around, ha? Love you always!
Tuluyang bumagsak ang mga balikat ni Grant. For two years in a relationship, he has been a faithful and a one-woman man sa nobya niya… but he couldn’t just deny the fact that last night was the best experience he ever had with a woman he didn’t even know who. And she was obviously virgin before he took her! Kaya pala! Kaya pala pakiramdam niya kagabi, there was a barrier inside her when he entered her. Ang akala niya’y dala lang ng pill na inihalo niya sa kanyang inumin kaya kung anu-anong sumagi sa isip niya pero hindi, dahil totoo pala talaga na siya ang nakauna sa babaeng iyon kung sinuman iyon…
Kung hindi si Vana… sino? Sino ka?