Nagdaan ang ilang mga araw at ‘yon pa din ang tanging palaisipan kay Grant. There was even not just a single time he dreamed of what happened, like endlessly doing again the thing with that same woman that night… Nagigising na lamang siya sa kalagitnaan ng gabi na pawis na pawis at iyon ang madalas na napapanaginipan niya.
There were also times na nagi-guilty na siya dahil kahit magkasama sila ni Vana, ang estranghera pa ring iyon ang laman ng utak niya. Palagi siyang tulala at nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang mga kaganapang iyon. ‘Ni hindi na halos niya naaasikaso ng tama ang nobya dahil madalas lipad ang kanyang isip sa kung saan-saan lalo na sa nangyari nang gabing ‘yon…
PAGKATAPOS ng makasalanang gabing iyon sa buhay ni Mei, ang dating masiyahin at masiglang siya, biglang naging matamlay, snub, cold, at bibihira na lamang kung ngumiti. Things will never be the same for her again after what happened that night. Pati sa kanyang best friend ay naging mailap din siya.
“Ano ba talagang problema, ha Meiryn? These past few days, after no’ng gabi ng birthday celebration ni Dana sa bar, bigla ka na lang nagkaganyan!” ani Ninna nang sundan siya hanggang sa makarating sila sa loob ng classroom nila.
Hindi niya ito sinagot, ‘ni tiningnan ay hindi niya ginawa. Basta lamang niyang ipinatong ang dalang mga libro sa kanyang mesa.
“Ayan pa! Hindi ka namamansin! Kausapin mo nga ako! Hindi ako hangin dito, Mei, tao ako!”
Sa muli, nagmistulan itong hangin na hindi niya naririnig dahil wala siyang sinasabing anuman.
“Girl, how can we address and fix the problem kung iiwas ka nang iiwas at hindi mo ako kakausapin? Paano ko malalaman ang problema mo sa akin at ang biglang panlalamig mo at ayaw mo akong pansinin kung hindi mo man lang sasabihin kung anong nagawa ko?!”
She closed her eyes tightly before finally speaking.
“Hindi ako galit sa ‘yo kundi sa sarili ko. Wala naman akong ibang dapat na sisisihin, eh, kundi sarili ko din lang dahil ako din naman ang responsable sa lahat ng mga aksyong ginagawa ko,” kasing-lamig ng yelo na tugon niya sa kaibigan.
“What?” Tila mas lalo pa itong naguluhan. “Bakit mo sisisihin ang sarili mo? Ano ba talagang nangyari?”
Seryosong hinarap niya ang kaibigan at tiningnan. “Nang gabing ‘yon na nagpaalam ka para pumunta ng CR, bumalik ka ba? Binalikan mo ba ako doon sa table natin, Nin? O pinabayaan at iniwan mo ako?”
“Ano? Siyempre, binalikan kita! Medyo natagalan lang ako dahil pati damit ko nasukahan ko kaya nilabhan ko muna saglit at pinatuyo, pero binalikan kita! Pinabayaan? Iniwan? Bakit ko naman gagawin sa ‘yo ‘yon, Mei? Sa totoo nga lang, nang makabalik ako doon sa table natin, ikaw itong wala na roon. Nang ipinagtanong-tanong kita sa mga natitirang tao doon sa loob, wala naman daw silang nakita o napansin kaya naisip kong baka nga sumibat ka na at nauna ka nang umuwi.”
Umiwas siya at hindi nakasagot. Malamang nang mga sandaling iyon ay ipinagkakaluno na niya ang sarili sa kung sinumang poncio pilatong napag-alayan niya ng kanyang katawan nang gabing ‘yon!
“Kasi sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang mahilig sumibat kapag magkasama tayo, ‘di ba? Remember, not just once, not just twice, but thrice! Nanunuod tayo ng sine noon tapos magpapaalam kang mag-c-CR lang at kalauna’y bigla-bigla kang magte-text na nauna ka na pala dahil may biglang emergency at kailangan mong pumunta at tumulong sa bahay-ampunan.”
Sa muli ay hindi siya nakasagot. Tama naman iyon. Kung tutuusin, siya itong pala-Indian sa kanilang dalawa ni Ninna tuwing may lakad sila at biglang magte-text o tatawag para magpatulong sa kung ano ang foundation kaya sisibat siyang bigla, magte-text na lang siya kalaunan sa best friend para sabihing nauna na siya.
Seryoso siyang hinawakan sa balikat ni Ninna. “You tell me the truth, ano ba talaga ang nangyari nang gabing ‘yon, ha, Mei?”
Umiwas siya. Paano niya sasabihin? Paano niyang ipagtatapat sa kaibigan na ngayon ay isa na siyang Santita gayong ang pagkakakilala nito sa kanya ay isa siyang Santa?
“Wala.”
“I don’t believe you. Kilala kita, Mei. Hindi ka magkakaganito kung walang anumang nangyari.”
“Wala nga–“
“Mei!”
Tuluyan nang kumawala ang mga luha niya. “Ayokong magalit kahit kanino, ayokong manisi lalo na sa ‘yo kaya hayaan mo na lang muna ako, Ninna, please lang! Kung ikaw ang nasa katayuan ko at ‘yung isang bagay na buong buhay mong pinakainiingatan ay bigla na lang mawawala sayo, panigurado akong magkakaganito ka rin! Ang sakit lang! Ang sakit-sakit isipin na wala na at kahit anong gawin ko, hindi na mababalik pa sa akin ang pinakaimportanteng bagay na nawala na!”
Becoming a nun doesn’t require a woman to be a virgin… but it was supposed to be Meiryn’s choice—to remain untouched hanggang sa tuluyan siyang ma-Ordinahan at makapagsilbi sa Diyos at sa Simbahang Katolika. Ngunit ngayon ay hindi na mangyayari pa iyon. Kahit na ano pang gawin niya, hinding-hindi na mangyayari pa iyon! Hindi na niya maibabalik pa ang bagay na naipagkaloob na niya!
Nanlambot ang mukha ni Ninna at napuno ng simpatya ang ekspresyon nito. “Anong ibig mong sabihin, Mei?”
“Ayoko nang pag-usapan! Ayoko na!”
Madali niyang niligpit ang mga libro at kinuhang muli ang mga ‘yon saka dali-daling lumabas ng classroom nila. Sinundan ulit siya ng kaibigan. Halos takbo at lakad na ang ginawa niya makalayo lang.
“Mei! Sandali! Mei! Hintay! Mei naman!”
Tuloy-tuloy siya sa pagtakbo hanggang sa hindi niya namalayang may makakabanggaan pala siya…
Masyadong matangkad at malaki ang katawan ng lalaking nasagi niya kaya matutumba na sana siya kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito. Nasalo siya ng matipunong lalaki sa mga bisig nitong nakapulupot sa kanyang baywang habang yakap-yakap pa rin niya ang kanyang mga libro.
“Ayyy!” Si Ninna na bagama’y kinabahan at napatili na napatakip pa ng palad sa bibig nito, kalauna’y napangiti din dahil sa ganda ng eksenang pinakaunang nakita sa kaibigan.
This is the first time she has ever seen her best friend being this close with a man! And swear, bagay na bagay! Ang ganda ng view sa kanyang mga mata!
And Ninna knows the man too. The handsome Grant Lorenzo from Architectural Department and currently the MVP on their varsity in Basketball.
Kapwa namang natulala ang dalawang sina Meiryn at Grant sa isa’t-isa at animo’y tumigil bigla ang pag-ikot ng mundo. Everything seemed like having a slow-motion. Odd, cliché, and fictitious but they really felt that way that very moment.
Grant was totally jaw-dropped staring at the woman he was holding tight in his arms. Her beauty looks very Immaculate and fragile na tila ba isang maling galaw at mababasag niya ang dalaga.
Nevertheless how good looking he is, when Mei realizes who the man exactly is, agaran niyang itinulak ito palayo sa kanya at inilayo ang sarili niya sa binata pagkatapos ay umiling at madaling nagpatuloy siya sa pagtakbo.
Madaling sinundan naman siya ng mga mata ng binata sa kanyang pagtakbo.
“Mei, teka!” Nagpatuloy din ang kaibigan niya sa paghabol sa kanya.
“Woah! What have I just witnessed?” tila namamanghang ani Thirdy bigla sa likod ni Grant.
“Was that magical?” sunod namang tatawa-tawang hirit ni Ryan.
“Slow-motion moment like the world suddenly stopped for the two of you!” ngingisi-ngisi pang dagdag ni Jeremy.
“Sino ‘yon? Kilala ninyo ba siya?” seryosong tanong ni Grant sa mga kaibigan na sa tumatakbong palayong si Meiryn pa rin ang mga titig.
There was something about that woman that he truly felt connected with…
“Mei,” si Jeremy ang sumagot na tila may nalalaman. Sinundan na rin nito ng tingin ang tinitingnan niya. “Meiryn Montevalle, to be exact. Fourth year Business Management student. Graduating na rin this coming March, pre.”
Matamang tiningnan niya ang kaibigan sa sinabi nito. Bakit kilala nito si Meiryn?
Inakbayan siya ni Thirdy. “Maganda nga pero huwag ka nang umasa pa doon, pare, dahil hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na nagbabalak ‘yon maging Madre. Ang dinig ko pa’y hinihintay na lang talaga nu’n na maka-graduate this coming March at saka tuluyan nang papasok sa kumbento para makapag-proceed sa kanyang philosophical and theological studies para maging ganap na Madre.”
Sa pagkakataong ‘yon, kay Thirdy naman siya seryosong napatingin. “Magma-Madre?”
Tumango ito. “Right. As far as I know, she’s devoted and committed to serving the church on Sundays, samantalang tumutulong naman sa pag-aasikaso sa mga bata sa bahay-ampunan at nagtu-tutor doon kapag Sabado o kapag walang pasok.”
“So, you see? Wala kang kapag-a-pag-asa do’n, parts! Marami nga’ng nanghihinayang, eh, at liligawan sana siya kaya lang ‘yon nga, binabasted kaagad niya dahil papasok siya ng kumbento, magma-Madre,” si Jeremy ulit.
“Hindi bagay…” bigla ay nasambit ng bibig niya.
“Ano?” tatawa-tawang ani Ryan nang maulinigan ang binulong niya.
Kahit siya nga rin ay nagulat sa biglang sinambit ng bibig. Saan ba nanggaling ang mga ‘yon at saan niya kinuha? Ba’t bigla na lang lumabas sa kanyang bibig? These days talaga, hindi na rin niya naiintindihan ang sarili niya!
“Wala. Tayo na nga lang!” Nagmartsa na siya patungong classroom nila para sa susunod na klase at sumunod naman ang mga kaibigan niya.
Ngayon ay nadagdagan pa ang iniisip niya kaya nagulo lalo ang utak niya. Una, ‘yung babaeng naka-one night stand niya sa bar, and now, that woman who bumped into him just then… And knowing na magma-Madre ang ganoon kagandang babae? Hindi niya alam kung saan nanggagaling, but it frustrates him a lot maiisip pa lang na magsusuot ng sister’s veil ang babaeng ‘yon.
Oo nga’t maganda at mukha pang Mary ang itsura, but to his own opinion? Mas bagay yata sa babaeng iyon ang maging housewife at mag-alaga ng mga anak…
Pagak na natawa tuloy si Grant sa kanyang sarili. Here he is taken and currently in a relationship for two years with Vana, pero nag-iisip na magkapamilya sa babaeng kakikilala lamang niya sa pangalan!
What a crazy man!