Chapter 2

1525 Words
Nandoon siya sa kanyang silid at nakatulala lang sa labas ng bintana. Masyado siyang apektado sa nangyari, sa pagkawala ng kanyang cellphone. Hindi tuloy siya makakilos dahil nandoon ang lahat ng kontak niya. Lalong lalo na ang mga kontak niya sa mga inaplayan niyang trabaho thru website. Parang naging back to zero tuloy siya muli. Nag aalala siya na baka may response na sa kanyang messenger ang mga ito o sa email niya, pero hindi na niya mababasa iyon dahil wala nga sa kanya ang phone niya. Puro de- keypad naman kasi ang phone na gamit ng mga magulang niya kaya kailangan niya tuloy manghiram ng android phone o pumunta sa computer shop, pero hindi rin siya sure at baka binago na ng magnanakaw na iyon ang mga password niya sa mga account niya. Malaking panghihinayang talaga dahil kasalukuyan siyang nag aaply na maging customer care specialist sa isang stable company sa kabayanan. At yung friend niya sa dating work niya ang magiging backer niya, pero paano na kaya mangyayari iyon? Wala na siyang kontak sa mga ito. Malaking problema talaga ang idinulot ng magnanakaw na iyon sa kanya, importante pa naman ang phone niya talaga. Isa pang pinagbubuhusan niya ngayon ng matinding pag iisip ay ang taglay niyang kakaibang kakayahan, hindi naman niya matawag na isa iyomg talento. Dati ay hindi naman na niya pinapansin pa iyon at hinahayaan lang niya ang kaso ngayon ay hindi na pwede na hindi niya pansinin dahil nakakaperwisyo na talaga iyon sa kanya at parang lalo pang lumalala. Kaninang umaga ay talagang nagsadya siya sa bahay ni Dang dahil sa isang bagay na gusto niyang malaman at mapatunayan. Hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil nakita niya na may dalawang band aid ito sa isang left hand nito. Nang tanungin niya kung napano iyon ay sinabi nito na nahiwa daw iyon kagabi at talagang malalim ang dugo, nagkalat pa nga daw ang dugo sa sahig at muntik pa siyang itakbo ng Mama nito sa kung saan dahil ayaw maampat ang pagdurugo. Napakunot noo siya habang nag iisip ng malalim dahil saktong sakto ang kwento nito sa pangitain na nakita niya na mas pinili niya na huwag sabihin dito. Kaya napagtanto niya ang isang hinala. Dapat pala talaga ay ito ang makukuhanan ng phone pero dahil sa sinabihan niya ito ay sa kanya iyon nangyari. Pero iyon ay isang suspetsa pa lang naman at hindi pa matibay na batayan para paniwalaan niya ang kanyang naiisip. At ang pinakamalaking tanong talaga ay bakit siya ganoon o paanong may ganoong siyang kakayahan na makita talaga ang mga mangyayari sa hinaharap? Saan iyon nagmula? At bakit siya pa? Mayron din ba ang ibang tao ng katulad ng ganoong kakayahan na nasa kanya? Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya normal. Napabuntong hininga na lamang siya dahil wala naman siyang makuhang sagot pa. Wala talaga siyang ideya kung anong nangyayari sa kanya. Feeling niya ay nagiging complicated na ang lahat hindi tulad noong bata bata pa siya na mga simpleng bagay lang ang nakikita niya sa kanyang balintataw at mabilisan pa, hindi rin madalas. Gusto niya tuloy tanungin ang Mama niya tungkol doon pero hindi siya sigurado kung paniniwalaan ba siya nito o  baka isipin pa nito na nasisiraan na siya ng bait dahil sa nawala lang ang kanyang phone at malamang ay iyon ang epekto sa kanya. Wala talaga siyang matandaan na anumang kakaibang pangyayari sa buhay niya na maaaring naging dahilan ng pagkakaroon niya na ganoong kakayahan. Ang mga magulang niya ay mga normal na tao lang din na naninirahan sa lugar na iyon at ni minsan ay wala siyang napansin na may something sa pamilya nila. Gusto niya tuloy tanungin ang dalawa pa niyang mas nakakabatang kapatid kung katulad ba niya ay may mga natatanging kakayahan din ang mga ito. Ang kaso ay baka kapag tinanong niya ang mga ito ay baka isipan pa siya ng hindi maganda. Naisip niya na ayos lang naman na magkaroon siya ng ganoong uri ng power ang kaso ay napapahamak talaga siya pansin niya. Noong high school natandaan niya na, nakita niya sa gunita niya na patatayuin sa harapan ng klase ang isa niyang barkada na lalaki dahil sa hindi ito makakasagot kaya ang ginawa niya ay sinabihan niya ito para makapaghanda at makapag aral ang kaso ay mali pala dahil sa kanya na naman nangyari ang ganoon. Isang oras siyang napatayo hanggan sa matapos ang subject nilang iyon. Yung mga simpleng bagay na ganoon ay para nakakatuwaan pa niya dati pero habang lumalaki na siya, napapansin niya na mas lumalala ang mga pangyayaring nakikita niya dahil sa kakayahan niyang ganoon. At eto na nga ang pinakamalala na masasabi niya, ang nawala ang kanyang phone. Yung nakita niyang mahihiwa si Dang ng kutsilyo ang naglalaro ngayon sa kanyang isip, iniisip niya na kung sinabi niya kaya dito iyon, maaaring sa kanya kaya mangyari ang ganoon? Kaya ang sapantaha niya ay sa kanya yata mangyayari ang mga nakikita niya sa balintataw niya kapag once na sinabi niya sa mga ito ang nakita niya pero kung mananatili siyang tahimik ay matutuloy sa mga ito ang nakikita niya. Parang gusto na tuloy niyang magdesisyon sa sarili niya na hayaan na lang ang lahat ng mga makikita niya at bahala na ang mga ito ang kaso ay magkakaroon siya ngayon ng guilt feelings at talagang makukonsensya siya lalo na kapag mga mabibigat na sitwasyon na ang magaganap tapos ay kamag anak pa niya o malalapit sa kanya. Napalingon siya sa pintuan ng kanyang kwarto dahil sa mga katok alam niya na ang kapatid niyang bunso iyon base sa paraan ng katok nito. Siya ang panganay at nag iisang babae kaya binigyan siya ng mga magulang niya ng solo na kwarto pero iyon ang pinakamaliit sa tatlong silid ng kanilang bahay, sa kabila naman ay magkasama ang bunso at pangalawa niyang kapatid dahil pareho namang lalaki ang mga ito at iyong kwarto sa ibaba ay sa Mama at Papa niya. Tumayo siya at lumapit sa pinto para buksan iyon. "Ate.." Sambit ng sampung taon na gulang ng kapatid niya pagbungad niya dito, malayo ang agwat nito sa kanila ni Jay-ar dahil siya ay malapit ng magtwenty four at ang pangalawa nila ay disiotso. "Oh bakit Alloy?" Tuluyan niyang binuksan ang pintuan at pumasok ang kapatid niya ang gusto niya dito ay napakalambing sa kanya nito palibhasa ay bunsong bunso talaga samantalang si Jay-ar ay brusko at alaskador. "Ate nawala pala ang phone mo." Malungkot din ang mukha nito, dama niya ang simpatya ng kapatid. "Oo Alloy, may masamang tao pala dito sa lugar natin kaya ikaw ay laging mag iingat ha, kapag gabi na ay umuwe na agad." Pangaral niya dito, umandar na naman ang pagiging ate niya sa kapatid, tinititigan niya ito, natutuwa talaga siya sa bunso nilang ito, halos siya na ang nag alaga dito mula pagkababy dahil magkatulong na naghahanap buhay ang mga magulang nila, kaya napakalapit ng loob nito sa kanya. "Ang bad niya ate. Dapat isoli niya iyon." Nakita niya na sumibangot na din ito. "Kaya nga Alloy may mga salbahe talagang tao na sarili lang ang iniisip." Umupo siya at kinandong niya ito. "Hayaan muna mapaparusahan din iyon sa masamang gawain niya." Sabi niya dito, kusa naman itong yumakap sa leeg niya, dahil sa sobrang kalambingan. "Pano yan ate wala ka ng f******k? Pano na yung mga crush mo?" Walang muwang na sabi nito. Kakuntsaba niya kasi ito sa lahat, tuwing gabi ay nagpupunta ito sa kanyang kwarto at manonood sa pag sscrol niya sa phone, nasasabi niya tuloy dito ang mga sekreto niya katulad ng lagi niyang tinitignan na friend niya sa sss na si Lawrence. "Hayaan muna, bibili na lang ng bagong phone si ate tapos ay makakapagfacebook na tayo ulit okay." Hinalikan niya ito sa pisngi. Napangiti na niya ito, sabay yumakap muli sa kanya. Pero bigla siyang napapikit dahil nakita niya sa kanyang gunita ang bunso niya. Nakahiga ito at mataas ang lagnat dahil may bimpo ito sa noo, medyo nanginginig din ito. Bigla siyang bumitiw sa kapatid niya at tinignan ito sa mga mata. "Bakit ate?" Takang tanong nito. "Alloy biglang pumasok sa isip ko na baka magkasakit ka.." Sabi niya dito. "Ha! Anong sakit ate?" Hindi niya tuloy alam paano niya ipapaliwanag sa batang isip nito ang nakita niya. Hindi rin niya alam kung paano ba ito magkakasakit at wala siyang maisip na ideya kaya sasabihin na lang niya dito at sana ay sa kanya na lang mapunta ang sakit na iyon wag lang ang kapatid niya. "Lagnat siguro kaya mag iingat ka ha. Huwag kang kakain muna ng mga chichiria at iinom ka ng tubig, huwag ka rin munang maglalalabas ng bahay ha." Bilin niya dito. Miski siya ay walang maisip kung ano ang pwedeng maging sanhi nang pagkakaroon nito ng lagnat kaya sasabihin niya dito para siya na lang ang magsuffer. "Opo ate. Ayaw kong magkasakit." Natatakot na sabi nito. "Huwag kang mag alala ha kukunin na lang ni ate ang sakit na iyon." Sabay yakap niya dito. Napapaisip talaga siya dahil pakiramdam niya ay lalong lumalakas yata ang kapangyarihan na mayron siya. Parang lahat na yata ng madikit sa kanya ay nakikitaan na niya ng mga mangyayari dito sa hinaharap. Samantalang dati ay bihirang bihira lang naman siya na may makita sa kanyang gunita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD