Chapter 3

1772 Words
Kakauwe lang nila ng bahay kasama ang mga magulang. Limang araw din siyang naconfined sa ospital dahil sa sakit na dengue. At salit salitan ang Papa at Mama niya sa pagbabantay doon. Bumaba kasi talaga ang platelets niya sa dugo, kasabay ng umaapoy na lagnat dahil sa sakit na Dengue. Hindi niya alam kung saan siya nakagat ng lamok at sinalinan pa siya ng virus. Basta bigla bigla na lang na sumama na ang kanyang pakiramdam. Pero salamat at nakayanan naman niya ang sakit at nalampasan niya. Iyon lang medyo nanghihina pa siya, dala na rin marahil ng mga gamot at kulang sa kain. Nung nasa ospital siya ay puro tulog ang ginawa niya, gumegewang kasi ang paligid kapag umuupo siya at parang napakabigat ng kanyang ulo niya, kaya wala siyang ganang kumain. Tapos inaantok siya lagi, epekto daw ng mga gamot at dextrose. "Anak umakyat ka na agad sa kwarto mo at magpahinga." Bilin ng kanyang ina. Sinalat salat pa muna siya nito at baka bumalik na naman ang lagnat niya. Dama niya na masyadong nag alala ang ina sa kalagayan niya. Nung nasa ospital sila ay sinasabihan niya ito na matulog at baka ito naman ang magkasakit. Himas ng himas sa katawan niya ito at alalang alala ang itsura kahit na sinasabi niya na kaya naman niya. Tapos kada gising niya ay gising din ito kaya naiisip niya na hindi yata natutulog ang Mama niya. "Opo Mama." Saka siya dahan dahan na umakyat na. "Kayo din po magpahinga ni Papa." Dagdag niya. Alam niyang sobrang pagod ang mga ito dahil sa kanya. "Mamaya dadalhan kita diyan ng maiinom na tubig." Habol pa ng ina, na tinanguhan naman niya. Saka pumasok na siya sa kanyang silid. Hinihila na siya ng kanyang solo bed. Feeling so tired siya, ganoon pala kapag kagagaling sa matinding sakit. Ang nakapangpahina sa kanya ay ang mataas na lagnat talaga. Talagang inapoy siya ng lagnat kaya napilitang siyang itakbo sa ospital ng Papa niya, kahit gabi na. Ayaw pa nga niyang magsabi sa mga magulang, namumula na kasi siya sa sobrang init ng katawan kaya nagtaka ang Mama niya. Nangyari iyon na nagkasakit siya after one week buhat ng masnatch ang kanyang phone. Sabi nga ng kanyang ina ay mukhang minamalas daw yata siya sa mga nangyayari sa kanya. O baka kaya daw yata siya nagkasakit dahil sa kakaisip sa phone niya na naagaw. Masyado daw yata siyang nastress. Pero wala naman siyang pinagsisisihan kung nagkasakit man siya dahil choice niya iyon na saluhin ang mangyayari sa kanyang bunsong kapatid, ayon sa nakita niya sa pangitain. Alam niyang kakayanin niya ang sakit dahil malakas siya pero ang hindi niya kakayanin ay ang makitang mahihirapan ang kapatid mula sa pagkakasakit. Mahal na mahal niya ito. Walang kamalay malay ang kapatid niya at mga magulang na naging hero na siya ng pasikreto. Basta sa pamilya niya ay kayang kaya niyang isakripisyo ang sariling kapakanan. Hindi siya magdadalawang isip na saluhin anuman ang makikita niyang mangyayari sa mga ito. Parang nasabi niya tuloy sa sarili na may advantage ang pagkakaroon niya ng ganoong kakayahan na makakita ng future lalo at makakatulong siya sa mga mahal niya sa buhay. Ang phone niya ay talagang hindi na bumalik, at wala na talagang pag asa, kaya hindi na rin siya aasa pa. Isip niya na di bale at magtatanda na lang siya sa susunod. May makita man siya sa pangitain o wala ay hindi na siya gagamit ng phone sa public na lugar. Buti na lang at nagawa pa niyang mabuksan ang kanyang email add at f******k kaya agad niyang pinalitan ang mga password. Nagpunta kasi siya sa computer shop, dahil nag aalala siya sa inaapplayan na trabaho kung tanggap siya. Swerte naman na oo at qualified daw siya na maging isang encoder ayon sa kanyang resume, at sa tulong na rin ng kanyang backer. Pero hindi naman siya nakarating sa kanyang schedule ng interview dahil sa nagkadengue nga siya. Pero nakapag inform naman siya at sinabihan siya ng HR na magsabi siya kapag gumaling na siya for scheduling her interview again, kaya wala naman ng problema. "Ate bakit ka nagkadengue?" Tanong ni Alloy ng umagang iyon, feeling niya ay magaling na magaling na talaga siya, malakas na muli siya. At nakatulong ang mindset dahil nga sa interview niya ng araw na iyon, kaya pinilit niyang lumakas ng tuluyan agad. Nag aalmusal sila. Pupunta siya sa kanyang interview. Alas Diyes pa naman ang schedule kaya may three hours pa siya dahil seven pa lang ng umaga, pero bihis naman na siya. Breakfast na lang. Kumakain sila ni Alloy ng pandesal with cheese. Ang isa pa niyang kapatid na si Jay-ar ay panghapon ang pasok kaya tulog pa iyon. "Nakagat ako ng lamok na may mahahabang pangil!" Biro niya sa kapatid. Papasok naman ito sa paaralan. Grade four na ang bunso nila. "Ha! May ganon pala? Mosquito Vampire?" Gulat na sabi nito. Siya naman ay muntik ng maibuga ang iniinom na milo, at muntik na siyang matawa kay Alloy, sa sinabi nito lalo nasa facial look nito na takang taka. Ang taba ng utak nito at naisip ang ganoon. Sinabi niya lang na lamok na may mahahabang pangil. Tawa tuloy siya ng tawa ng datnan ng kanilang ina. "Oh anak mabinat ka naman niyan." Turan nito. Lalo siyang natawa sa sinabi ng ina, naluluha na siya sa kakatawa. "Mama tumatawa lang, mabibinat na agad." Nakatawang sabi niya. Nagtitimpla ito ng kape. Ang Mama niya ay hindi mabubuhay ng walang kape, iyon daw ang pinakavitamins nito lalo at sa umaga. "Bagay talaga kayong mag ina ni Alloy, Ma!" Komento niya sa dalawa. Natawa na rin ang Mama niya at naupo sa harapan nila. Para lang silang magkaibigan ng kanyang ina. Ang gawain nito pagnakaalis na silang lahat ay mag oonline selling naman. Kung ano ano lang ang itinitinda ng Mama niya para makatulong din sa pang araw araw na gastos ng pamilya nila. Maswerte silang magkakapatid sa pagkakaroon ng mabuting mga magulang. Kahit mahirap lang ay nagtutulong ang mga ito para masuportahan sila. Pangarap ng kanyang Papa na makapagtapos silang lahat sa College. Siya ay tapos na ng two years course. Computer Secretarial ang kinuha niya. Hindi kasi kakayanin kapag nag four years course siya dahil kulang sa pera. Kaya ginusto na niya iyon. Atleast may tinapos, katwiran niya. Ang sabi ng Papa niya ay itutuloy daw niya ang kanyang pag aaral kapag naging stable na ang kanilang income. Mas maganda daw kasi na nakapagtapos ng apat na taon para masasabing may degree siya. Nung una ay gusto naman niya, ang kaso sa ilang taon na rin siya na nakakapagtrabaho at kumikita ng sariling pera, tapos ay nakakapag abot pa siya sa kanyang ina ay tinatamad na siya. Ayaw na niyang mag aral pa ulit. Gusto na niyang magtrabaho na lang. Pwede din yung sa Tesda Course kasi mga short courses lang iyon. Dagdag kaalaman din. Balak niyang sabihin sa Papa niya iyon kapag tinanong siya nito kung gusto niyang ituloy ang College. Kung hindi nga siya matatanggap sa trabahong inaapplayan ay balak niyang magtake ng short course na English Proficiency. Isang buwan lang iyon sa tesda. Niyaya kasi siya ng isa niyang classmate noon na kalugar nila. Para daw makapag apply sila sa call center. Ang sabi niya ay titignan muna niya hindi pa siya totally na nag oo. Sasabihin niya sa Papa niya na ang dalawang kapatid na lang niyang lalaki ang patapusin nito ng apat na taon sa kolehiyo. Dahil mga lalaki ito, at dapat lang iyon, magiging mga padre de pamilya ang mga ito pagdating ng panahon. Siya naman ay babae. Ang galing niyang mag isip ng alibi. Parang kapani paniwala, kaya mataba din pala ang utak niya. Pero deep inside ay talagang ayaw na niyang mag aral. Umaasa siya na makakahanap din siya ng regular at magandang trabaho. Bata pa naman siya. Baka nga maisipan din niyang mag abroad pa someday. Ngiting tagumpay ang makikita sa kanyang mukha. Kalalabas niya lang sa interviewer room. At ayon sa HR staff na kumausap sa kanya ay qualified nga daw siya sa kanyang posisyon na inapplyan. Kaya tanggap na siya. Nakatulong ng malaki ang kaibigan niya na nagbacker sa kanya. Kaya balak niyang magpasalamat doon. Siguro sa unang sahod niya ay pakakainin na lang niya ang kaibigan para makabawi siya. Siya ang magiging encoder sa buong backend ng kumpanya. Hindi naman ganoon kalakihan ang supermarket na iyon. Pero masasabing ayos na ayos na ang sahod niya na minimum per day plus over time at magkakaroon din daw ng increasing ng salary every year, it's depends upon her performances. Kaya balak niyang magpakitang gilas. Gagalingan niya talaga. Super excited na nga siya na makapagsimula agad. Ilang buwan na rin kasi siyang nakatengga sa bahay lang at walang kinikita. Tumutulong tulong lang siya sa kanyang ina sa pagtitinda sa online. Kaya syempre ay hindi na siya humihingi pa ng pera sa ina. At ang naipon niya mula sa mga dati niyang naging trabaho ay paunti unti nang nauubos. Swerte talaga na natanggap siya ngayon sa trabaho, napakasaya niya talaga. Totoo pala ang kasabihan na pagkatapos ng kamalasan ay may darating din na swerte talaga. Tiwala lang ang kailangan. Sa pagkakaalam niya na ang HR Manager ng kumpanya ay tiyahin ng kanyang kaibigan. Nagsabi kasi daw iyon na nagresigned na ang tao sa posisyon na iyon kaya baka daw may kakilala ang kaibigan niya na mapagkakatiwalaan. At siya nga ang sinabi nito. Dahil alam ng kaibigan na naghahanap siya ng mapapasukan. Binigyan siya ng one week para ayusin ang lahat ng mga requirements na kailangang maipasa. At kapag naipasa na daw niya, by next week ay kailangan na niyang magstart. One week daw siyang mag uundergo ng training bago maging certified encoder. Pero sinabi din na 80% lang ng kanyang perday na sahod ang ibibigay sa isang linggo niyang training. Pero ayos na ayos lang sa kanya iyon. No big deal, basta ang mahalaga ay may trabaho na siya. Para tuloy siyang naglalakad sa alapaap ng mga sandaling iyon, pauwe na siya ng bahay. Wala siyang pakialam sa paligid kahit patawa tawa siya na mag isa. Marami kasi siyang naiisip na nakakatawa kaya ganoon. At mas lalong wala siyang pakialam sa mga snatcher dahil wala naman ng maiisnatch sa kanya dahil wala na siyang cellphone at wala din siyang dalang pera. Kaya ang bag niya ay hawak niya sa isang kamay at dinuduyan duyan pa niya. Excited na siyang makauwe na bahay. Magandang balita kasi ang sasabihin niya sa Mama at Papa niya. Siguradong matutuwa ang mga ito sa ibabalita niya na may trabaho na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD