Nanghingi ako kay Jean ng papel at nanghiram ako ng ballpen (na wala na ako balak isoli) dahil hindi ko dinala yung diary ko. Bubulatlatin niya kasi 'yon panigurado, kaya mainam ng nasa bahay lang 'yon. Nanghingi ako kasi baka makalimutan ko ang mga nangyari eh hindi ko pa maisulat dito. Alas-kwarto na kami natulog kanina ni Gin Bulag. Malakas ang loob namin kasi walang pasok ng Sunday. Jean: malapit na kami umalis papunta ng Canada. Nalulungkot na ako. Ako: (tahimik lang, busy sa pagtitimpla) whoa! Sarap Gin Bulag. Taste it! Bilis! Jean: ano ba 'to? Ako: Nestea Cranberry. Sarap di 'ba?! Jean: (may nadampot na highlighter at binato sa akin) Langya, akala ko ba naman sarili mong gawa. Masarap nga 'to. Ako pumili at bumili nito eh. Ako: pero ako naman ang nagtimpla. Kung ano-ano lang