Isang tapik sa balikat ang nagpagising sakin mula sa malalim kong pagkakatulog. Napaungol ako nang masilaw ako sa liwanag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko na sinadyang ilihis ang makapal na kurtina upang makapasok ang liwanag kahit na gawa sa glass ang bintana. "Marah..tanghali na. Kailangan mong bumangon dahil nandito sa Manila si Lolo Ned kasama halos lahat nating angkan," ako lang ba o sadyang may pag-alala sa boses ni Julie. Nawala lahat ng antok ko at binabalewala ang pananakit ng buong katawan ko dahil sa pinaggagawa namin kagabi ng dalawa kong kapatid dahil sa narinig. Anong importanteng bagay ang dahilan ng pagluwas ng pinakamakapangyarihang Ramirez dito sa Manila? " K-kakausapin ka daw nila." "A-ako? Bakit?" kinakabahan kong tanong. " Hindi ko alam! Walang sinab