HINDI MAHAGILAP ni Nova ang kaniyang bag. Importante pa naman iyon. Bukod sa mga damit niyang susuotin para sa pang-araw-araw diti sa isla ay naroon din ang ilang pabaong gamit ng tiyahin na si Julieta; ilang mga libro mula sa pinagtuturuan nitong paaralan. Ayon dito ay kailangan niyang magbasa, makatutulong daw iyon sa pag-unlad ng kaniyang isip. At magagamit niya rin iyon tuwing gabi sa oras na tapos na siya sa gawain. Ngunit ngayon ay hindi niya mahanap ang mga gamit. Lumabas siya ng silid at hinanap ang driver na siyang naghatid kay Daniela patungo sa Villa. Nang makita niya ito ay kaagad niyang tinanong ngunit ayon dito, si Daniela ang nagprisintang magdadala nito sa loob ng bahay. Ikinalungkot niya ang bagay na iyon. Tiyak na may ginawa nanamang kababalaghan si Daniela, dahil inis