"BAYARANG BABAE"
💥CHAPTER 8💥
#AUTHOR
#NEZELDOCTO
#ROMANCE@ACTION
HALOS hindi makapag salita si Riri nang masaksihan nya kong paano bugbogin ng Ginang si Benjamin. Kada tama nang ginang kay benjamin ay siya naman ang parang nasasaktan. Kita nito sa kilos nang babae na hindi ito basta marunong lang sa pakikipag laban, kundi magaling talaga siya. Base narin sa kanyang mga kilos ay talagang sanay na sanay ito sa pakikipag laban.
Tumagal nang halos 2minuto ang laban nang dalawa, dahil ayaw padin paawat ni benjamin kahit na bugbog sarado na ito sa babae.
Sumuko lang ito nang halos di na siya makakita at makatayo gawa nang mga tama niya.
Maya-maya pa ay may dumating na pulis para kunin si Benjamin para dalhin sa presento. Ilang saglit pa ay naiwan sila nang babae.
Lumapit ang ginang sa kanya nang nakangiti.
"Ayos kanaba Hija?" Tanong nito.
Hindi kaagad nakasagot si Riri dahil nabigla padin siya sa mga nangyari.
"O-opo ayos lang po ako, salamat po sa pag ligtas niyo sa akin". Ani Riri.
"Wala iyon, halikana at ihahatid na kita sa inyo. Nextime wag kang lumabas nang bahay na walang kasama lalo na at maraming masasamang loob ngayon na naghahanap nang mga kadalagahan para ebenta sa ibang bansa." Mahabang wika nang ginang.
Nagsisis si Riri kong bakit nagtiwala diya kaagad sa Benjamin na iyon, dala lang kasi nang inis niya kay Jack kaya sya nakalimot saglit. Gusto lang naman niya kasing mag libang sana kaso dahil sa kag4g4han niya muntik pa siyang mapahamak.
"Opo, mag-iingat na po ako sa susunod." Ani Riri
"Good, btw ako nga pala si Angelina, Nice to meet you". Masiglang pagpapakilala ni Angelina kay Riri.
"Ako naman po si Riri, mariposa po ang palayaw ko at nakagisnan kong pangalan. Maraming salamat po ulit sa pag tulong sakin maam angelina". Ani riri
"Call me Tita nalang okey, simula ngayon magkakaibigan na tayo". Masiglang saad ulit ni Angelina dito.
Namangha si Riri dahil kong umasta si Angelina ay parang teenager at bukod pa doon ay pwede nading matawag na titang kaibigan nadin nya.
"Salamat po tita angelina sige po, kaibigan na po kita mula ngayon". Ani Riri na ngayon ay masaya na ulit at wala na ang pangamba sa kanyang mga mata.
Matapos ihatid ni Angelina si Riri sa bahay nito ay binalikan niya ang kotse sa pinangyarian nang gulo kanina, iniwan niya lang kasi ang kotse niya doon para maihatid si Riri sa bahay nito.
Nakangiti siya habang nakasaksak sa tenga nya ang headset habang nag sosoundtrip sya.
Nang marating niya ang location ay tinanggal niya ang hedseat at pumasok sa driver set. Bago niya pinaandar ang saskayan ay tinawagan niya muna ang Anak.
"Okey na Son, nagawa ko na ang iniutos mo. Mabuti nalang at nakarating ako sa tamang oras dahil kong hindi, di ko maipangakong maililigtas siya." Anito
"Thanks mom, ang tigas talaga nang ulo nang babae na iyon, kabilin-bilanan sa kanya na wag siyang lumabas nang bahay lalo na kong wala naman siyang kasama at dilikado para sa kanya". Ani Jack na tila senermonan si Riri sa isip nito.
"Hmm may naamoy ako anak, siya naba nagpapatibok nang puso mo? Kong makapa Care ka sa kanya parang Tingin ko special siya sayo? Ayieee Inlove na ang Anak ko". Ani Angelina na tila inaasar pa ang anak.
"Mali ang iniisip mo Mom, kasama padin iyon sa trabaho ko. Nag bago isip nang mga magulang bigyan ko pa daw sila nang ilang buwan para bantayan ang anak nila, ako lang daw kasi ang mapagkatiwalaan nila." Paliwanag naman nito.
"Sus talaga ba?" Biro ulit nang ina na tila di siya kumbisado sa sinabi ng anak.
"Kulit mo Mom, umuwi kana kaya at baka maagang uuwi si Daddy," ani Jack sa Ina.
"Oo na btw, gusto ko siya nak, kesa dun sa isang kawork mate mong babae na dinala mo sa bahay, ayaw ko nang ugali nun, masyadong maarte sa katawan". Ani Angelina na ang tinutukoy ay si Carmela.
Si carmela ang babaeng patay na patay sa anak niya, kusang pumupunta sa bahay nila at magdala nang kong ano-ano. Like prutas, bags, accesories na para sa mommy niya at marami pang iba, para lang mapansin ni Jonas. Kaso ramdan ni Angelina na Hindi iyon gusto nang anak kaso nga lang nakikita niya sa social media na tila closed na ito, nakangiti pa si Jonas na dati ay inis na inis sa kakulitan nang babae.
"Ma, magkaibigan lang kami ni carmela at walang namamagitan samin, saka si Riri naman Anak siya nang boss ko na dapat kong alagaan. Bukod pa doon 18 lang siya at 25 na ako di kami bagay". Ani Jack sabay end call.
Natawa nalang si angelina dahil tila napikon nanaman niya ang anak.
Hindi niya makikilala si Riri kanina kong di sinabi nang anak niya na siya muna pansamantalang mag babantay kay Riri. Buti nalang at dumating siya sa tamang oras, dahil kong hindi napahamak na talaga si riri.
Imbes umuwi sa bahay dumerecho si Angelina sa Office nang asawa niya, bibisitahin niya ito doon.
Isa pa namiss nadin ni angelina ang naging kaibigan niya na nag wowork para sa kanila.
Papasok palang si Angelina sa office ay binabati na siya bilang mrs nang boss nila.
Kilala siya ditong mabait at astig daw lalo na pagdating sa pakikipag laban.
Isa lang ang ayaw niya iyong secretarya nang asawa niya na pansin niyang may gusto sa asawa niya. May tiwala siya sa asawa pero sa babae wala.
Papasok palang siya sa office nang asawa ay nadatnan na niya ang secretary nito na halatang inaakit na si tristan.
Padabog na pumasok si Angelina sa office nang asawa, kaya nagulat ang dalawa sa loob pagkapasok niya.
Magin ang babae ay mabilis lumayo sa asawa nya at pasimpleng inaayos ang suot nitong damit.
"Hon, dito ka pala. Di ka manlang nag sabi na darating ka para nasundo kita sa parking". Ani tristan.
"Okey lang hon, sinadya ko talagang di sabihin sayo na pupunta ako para naman madatnan ko talaga kong ano ba talaga trbaho nang secretarya mo. Kahit saan talaga may higad." Parinig ni Angelina sa babae.
Mabilis nag paalam ang babae sa kanila kaso pinigilan ito ni angelina sa braso.
(RealAuhorNezelDocto) (paraIwasCOpyPaste)
.
.
.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni angelina sa babae.
"B-Babalik po sa pwesto ko maam". Aniya
"No need na, kunin mo na ang huling sahod mo ngayon at lastday mo na, ako na ang papalit sa pwesto mo. Hindi ko kailangan nang ahas o higad sa kompanya ko". Ani Angelina.
Natawa naman si Tristan sa inasta ni angelina, di niya iyon inaasahan sa asawa gayong ngayon niya lang ulit nakita kong paano mag selos ang asawa niya.
Magsasalita pa sana ang babae kaso di na siya hinayaan ni angelina magsalita pa.
Pagkalabas nang babae ay nilingon ni Angelina ang sawa na pangiti-ngiti sa kanya
Tinaas naman ni angelina ang mga kilay niya sa asawa na nagtatanong na "bakit"
"Mula ngayon ako na ang secretarya mo, ayaw ko nang ibang babae sa kompanya kong lalandi lang naman sayo ang trabahuhin". Ani Angelina na lalong nagpatawa sa asawa niya
Nainis tuloy si angelina kaya pumunta ito sa sulok na tila ba nagtatampo sa asawa.
Lumapit naman si tristan at tumabi dito, niyakap ang asawa at hinalikan sa noo.
"Alam kong nagseselos ka, pero di mo na kailangan magtrabaho dito hon, baka mapagod ka". Ani tristan.
"Hindi final na, gusto ko na mula ngayon ako na ang secretarya mo". Ani Angelina
"Okey sig-
Di na natapos ni tristan ang pagsasalita nang may tumawag sa telepono.
Sinagot niya naman ito kaagad.
Nakikinig lang din si angelina sa kausap nang asawa niya hanggang sa natapos ang mga ito.
"Sino iyon? Cliyente ba?" Usisa ni Angelina
"Asawa ni mayor sanche, humihingi nang tulong sa atin, nawawala daw hanggang ngayon ang anak niya, need natin silang tulongan". Ani tristan.
"Hindi bat iyon din ang trabaho nang anak natin ngayon? Alam ko hawak na ni Jonas ang kasong ito?" Ani angelina.
Nabanggit kasi sa kanila ni Jonas na ito ang bagong kasong hahawakan nang anak.
"Mas mainam ito hon, makakatrabaho natin nang palihim ang ating anak," ani tristan.
Sumang-ayon ang dalawa na tutulongan nila si Mayor, para nadin sa kapakanan nang kanilang anak, hindi sa wala silang tiwala sa kakayahan nang anak kundi gusto nilang tulongan ito sa kaso para mas madali para sa lahat,lalo na sa mga magulang nung nawawalang anak.
Con.