Chapter 3

1000 Words
THIRD PERSON P.O.V Sa isang magarang mansyon nagaganap ang isang pag sasalo-salo ng mga nagtataasang ibat representative ng ibat-ibang corporation company sunod-sunod din ang pag dating ng iba pang bisita. Ang iba ay iniisip na hindi nila ito pweding palagpasin dahil ito ang engagement party ng anak ng pinaka mataas na tao sa larangan ng industrya ng business world. Habang busy ang iba sa pag uusap-usap ay may biglang dumating na subrang garang sasakyan na pumarada sa gitna ng gate at unti-unting lumabas ang pamilyang Ludwig, binuksan ng isang men in black ang pinto ng kotse at unang lumabas do'n si Mr. Damon Lux Ludwig ang ama ni Vladimir Moon Ludwig pag katapos niyang lumabas ay inalalayan naman niya ang kanyang Reyna o mastamang sabihin na pinakamamahal niyang asawa na si Saffira Jane Luxxamana na nanggaling sa isang ordinaryong pamilya lamang. Nasa kanila ang buong atensyon si Mr. Ludwig ay walang emosyon na pinapakita habang ang asawa naman niya ay tudo ngiti lang habang kumakaway sa mga bisita at medya. Nag lakad sila at dumeritso sa nakalaan na table para sa kanilang pamilya. Sinalubong sila ni Mr. Elias Fernando Mondragon habang naka ngiti “Mr. Ludwig salamat naman at dumating kayo,” Mr. Mondragon said. “I will definitely come because this is the engagement party of my eldest son.” Sabi ni Mr. Ludwig ng walang emosyon. Umopo sila at nag usap-usap patungkol sa business. Sunod sunod na dumating ang iba pa kasama na ruon ang tatlong anak ni Mr. Ludwig na sina Mark Blood Ludwig, ang pangalawa sa magkakapatid at ang ikatlo na si Julious Han Ludwig at ang bunso na si Rose Anne Ludwig na 18 years old pa lamang. Ang pinaka huling dumating ay ang panganay na anak ng Ludwig family na si Vladimir Moon Ludwig sa kanyang pag dating marami ang natakot ngunit hindi maipagkakaila na sa subrang ganda ng tindig nito marami din ang humahanga at sa taglay ng kanyang awra na dala-dala wala pang nakakakita sa kanyang mukha dahil palagi itung naka tago sa kanyang maskara. Kung titingnan mo ito para bang papatayin ka sa mga tingin kaya marami din ang hindi kayang tagalan ang kanyang mga titig. Nang dumating ang mga pinakamahalagang panauhin sa piging na iyun ay nag simula ng umakyat sa entablado ang ama ni bella na si Elias Fernando Mondragon. “Thank you so much for coming to the engagement party of my daughter and Mr Ludwig's Eldest son.” Mr. Mondragon said habang nakangiti. “I'd like to invite Mr. Ludwig to please join me here in front and talk about your speech.” Saad pa niya at hinintay na maka akyat sa entablado si Mr. Ludwig. Sa paglalakad ni Mr. Ludwig sa entablado hindi maipagkakailang subrang ganda ng kanyang pangangatawan kahit na medyo may katandaan na ito, walang emosyon itung ipinapakita. Nang maka akyat na siya ay gumilid si Mr. Mondragon at ibinigay niya ang Microphone kay Mr. Ludwig. “I'd like to thank everyone for coming out for this important evening. For those who don't know what this party is for, it's my eldest son's engagement to Mr. Mondragon's young daughter. Please give a round of applause for my son Vladimir Moon Ludwig to join me here, and at the very least express your gratitude to those who have come here tonight.” Mr. Ludwig said. Nagpalakpakan naman ang mga tao at tumayo na di'n si Vladimir upang pumunta sa entablado habang papunta siya sa entablado lahat ng mata ng kababaihan ay nasa kanya lamang ang iba namang babae ay nandidiri dahil sa mga lumalabas na rumors na sa likod ng maskarang ya'n ay may nakatagung isang napaka pangit at demonyung anyu. Nang nakarating na siya sa entablo wala siyang ibang sinabi kundi ang napakatipid na salitang “Thank you for coming today.” At ibinigay na ulit kay Mr. Mondragon ang microphone, ang iba ay hindi maka paniwala dahil sa tipid na ang kanyang pasasalita ay subrang lamig pa na nakaka pang hina. Kaya ang iba hindi na nagtataka kung tawagin nila itung halimaw. Bumalik na sa kanyang naka assign na table si Mr. Ludwig. Habang si Vladimir naman ay nanatili sa entablado para hintayin ang kanyang Fiance. Habang sa kabilang banda naman ay natataranta ang mga maid ng pamilyang Mondragon dahil sa hindi nila mahagilap ang kanilang Young miss na si Y-za Bella. Inikot na nila ang buong mansyon para lang mahanap ang dalaga ngunit hindi nila ito mahanap at ang nakaka taranta pa ro'n ay Hindi man lang niya ginalaw ang ipinadala ng kanyang ama na isang subrang gandang gown na naby blue. At ng tingnan din nila ang mga make up kit na kasamang ipinadala ay wala man lang nagalaw do'n kahit isa. Habang si Mr. Mondragon naman ay sinisimulan na ang pag tawag sa kanyang anak. “Its now appropriate to call my young daughter Ms. Y-za Bella Mondragon.” Pagkatapos niyang bigkasin ang mga katagang yo'n ay napunta ang spot light sa mayhagdanan kung saan dapat dun bababa si Bella lahat ng tao ay napunta ro'n ang kanya kanyang atensyon at hinihintay kung sino ang lalabas ro'n pati narin si Vladimir na walang emosyong naka tingin lang din do'n. Ilang minuto ang lumipas ngunit wala paring bumaba ro'n o ni anino na nag pakita unti-unti rin kinabahan si Mr. Mondragon dahil ipapahiya naman siya ng kanyang walang kwentang anak. Habang nanduduon ang kanilang atensyon sa hagdan ay biglang bumukas ang isang pintuan sa gilid at napunta ro'n ang atensyon ng mga bisita. Sa unti-unting pag bukas ng pintuan ay lumabas ro'n ang isang babaing nakasuot ng itim na pants naka white t-shirt at naka white shoes din ito at nakasuot ng itim na jacket kasamang naka pamulsa itong naglakad sa entablado ng walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata wala rin ka buhay-buhay. Ang iba ay lag-lag ang mga panga dahil ang akalang dapat ay subrang engrandi ang kanyang isusuot na damit ay nauwi sa isang sempling pananamit lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD