Liv
Nakasalampak ako ng upo sa damuhan sa meeting spot namin palagi ni Oliver at nagbabrowse ako ng social media account ko. Sumandal ako sa puno.
Nicole missing her precious car. Heather ranting about Lucas. Hailey posting her recent art work.
And Raven -- well, she's 9. I am pretty sure she doesn't have a social media account just yet. Heather said that she's been training Raven with soccer and she's full of speed and quickly picks up the tricks she's showing her.
I opened our group chat and said hi to everyone. It's about 11 in the evening in the Philippines at malamang ay si Nicole na lang ang gising. Isa pa syang night owl. Nasa Boston sya ngayon at nag-aaral ng medisina. Sabi nya ay bibisita sya sa akin sa sem break.
L: Missing you all beautiful ladies!
I saw Nicole typing..
N: Miss you too. Wala kang klase?
L: Hey Dom! Wala, mamaya pang ala una. Busy?
N: On my way to next class. We're going to dissect a cadaver.
Napangiwi ako. Kung bakit nagmedisina si Dom ay hindi ko rin alam dahil ang hilig nyang kutingtingin ay sasakyan. Pero nurse si Tita Gabe kaya malamang ay nakuha nya rin ang passion ng health care sa kaya.
L: Ewww.. gross Dom.
N: Hahaha! It's exciting kaya. How's it working with Oli and Oli.
She even sent hearts! Geez!
L: It's still working. LOL!
N: You really like him don't you? I knew it!
L: I do like him, but he's not even asking me out. We just hang out.
Reklamo ko sa kanya. Sa totoo lang ay nag iisip na ako kung maganda ba talaga ako dahil bakit mukhang wala syang gusto sa akin. Nakakababa ng self esteem ha!
N: Ataaaaaaat lang ang peg? Hahaha!
L: Dom! Hahaha!
N: Joke lang ikaw talaga. He likes you. I can feel it. I don't have plans on the weekend. I'll drive to see you and Oli. My treat for the whole weekend, bawal tumanggi.
L: That's a long drive Dom.
N: Tatlong oras lang long drive agad Olivia? Psh!
Adik nga pala ito sa pagdadrive. How could I forget?
L: Fine, but do you have a car?
She sent me a grinning emoji.
N: Dad just leased a car for me because I topped my class. Hahaha! The same car I have at home. Woot! Woot!
L: Ay iba talaga ang spoiled!!!
N: Tse! Dyan ka na at maghahalukay pa ako ng spinal cord. Take care and love you.
L: Okay, enjoy your cadaver. Hahaha!
N: Enjoy your Oli! Hahaha!
L: Dom!! Nanghahalay ka ha! Hahaha!
N: Hahaha! Gusto mo naman!
Binigyan pa ako ng nakadilang emoji tsaka yung isang naglalaway. Hay nako! Ang babaeng ito talaga.
Natatawa akong ini-lock ang cellphone ko. Bukas pa ang reply ng kambal at siguradong mahimbing na ang tulog nila. Second year high school na sila.
"Someone looks happy." naramdaman kong umupo si Oliver sa tabi ko. He doesn't wear cologne pero alam na alam ko ang natural na amoy ng katawan nya. Sh*t! Hahaha! Bawal ang mahalay.
Ngumiti ako sa kanya. "I was talking to my friends online. May group chat kami."
"Sa Pinas? Hindi pa sila tulog?" tanong nya sa akin at sumandal rin. Magkadikit ang balikat namin.
"The twins are asleep but Dom is awake." sabi ko sa kanya
"Dom? A guy?" kunot noong tanong nya sa akin at napabunghalit naman ako ng tawa. Kung boyfriend ko sya ay iisipin kong nagseselos sya.
"Dom is a girl you brute. Her full name is Nicole Dominique. Others call her Nikki but I'm her best friend and I like calling her Dom." Tumango tango naman sya. He looked relieved. "It's funny because her younger brother is Matteo Dominic and we call him Dom as well. Kaya kapag umuuwi ako ay pareho silang lumilingon kapag tinatawag ko ang pangalan nila."
Nagtawanan kami. "So where is she right now? Bakit gising pa?" tanong nya sa akin. May nilabas syang sandwich at juice. Binigay nya sa akin. Tig isa kami. "O chicken sandwich, ginawa ko kanina." Nagsanitize muna kami ng kamay saka binuksan ang sandwich.
Isn't he the sweetest? "Thanks. Gutom na nga ako eh." binuksan ko ang sandwich at kumagat. Ipinagtusok pa nya ako ng straw sa juice ko at inabot sa akin.
"You skipped breakfast again? Hay naku Olivia, magkaka ulcer ka nyan." umiling iling
Nangatwiran pa ako. "Eh male-late na ako at tinanghali ako ng gising."
Itinuro nya ang condo ko. "Hayun lang ang condo mo, ang lapit lapit tinatanghali ka pa rin?"
Ngumiwi ako. "Eh napuyat ako sa plates." Uminom ako ng juice at kumagat uli sa sandwich. Masarap may chopped celery pa.
"You can ask me for help you know, pwede naman kitang tulungan." sabi nya sa akin.
"O sige, sabi mo yan ha." Tumango ito. "Anyway, Dom is in Boston."
"Let me guess, Harvard?" Tumango ako.
"Oo, she's taking medicine. Papunta na nga sya sa lab kanina noong kausap ko." Gusto ko sanang sabihin na maghahalukay ng cadaver ay kumakain kami, baka masuka sya.
"She must be smart. I hope to meet her one day." sabi nya sa akin.
I smiled widely at him. "You're in luck. She's coming over this weekend. If you're free, you can join us." I would really love for them to meet.
"Sure, after ng part time job ko. Is she taking the train?" tanong nya sa akin.
"No, she's driving." Naubo ko na ang sandwich ko at inuubos ko na lang ang juice ko.
"Driving? That's far." gulat na sabi nya
Napatawa naman ako. "She loves to drive. You should see her in the race track." Ipinagmamalaki ko ang best friend ko sa lahat. She's a daredevil with a heart of gold. Lahat na yata ng sports ay inaaral at nageexcel. Ang maganda doon, kapag nananalo sya ay ibinibigay nya ang kalahati sa charity nya.
Napasipol si Oliver. "She races. Wow."
"Yeah, wow. So you're going to join us this weekend. She's treating us at bawal tumanggi. Baka magtantrums pa yun ay hindi mo maaalo." natatawang sabi ko sa kanya.
Ngumiti si Oliver. "Oo, hindi ako mawawala. So, how's the sandwich? Busog ka na?"
"Oo, busog na. Thank you." Kinuha nya ang pinagkainan namin saka tumayo at naglakad papuntang basurahan saka itinapon sa trash bin.
Nang makabalik ay binigyan ko ng sanitizer. May tic tac pa ako binigyan ko sya ng ilang piraso na kinuha naman nya. Nagulat ako ng akbayan nya ako na parang natural na natural sa kanyang gawin.
Napalingon ako sa kanya dahil sa loob ng dalawang linggo na nagkakasama kami ay ngayon lang nya ginawa ito.
"What?" tanong nya sa akin. Ako pa ang tinanong ng what. His fingers are playing with my arm.
Hindi ko naman inalis ang braso nyang nakasampay sa akin. "Anong what? Hindi ba ako dapat ang magtanong sa iyo nyan?"
"You're referring to my arm?" nagbabalikan lang kami ng tanong.
"May iba pa ba?" Hala, hindi na kami matatapos nito. His shoulders shook. "Stop laughing Oli and answer."
"It's normal for boyfriends to put their arm around their girlfriends, hindi ba?"
Hala, ang bilis! Kami na? Eh bakit parang sya lang ang may alam?