Chapter 1
Liv | 16 yo, Juilliard SOM
This is my third and last year to obtain the Voice Diploma. The standing committee approved my transfer after the recommendation of the dean and admissions committee.
I was beaming with happiness and wanted to tell my parents the good news. I passed — with flying colours! I have my Voice Diploma at age 16 from the best school of music.
I know what you're thinking.. why am I not in highschool?
I skipped a couple grades and finished highschool early.
As much as I love singing — my first love is Architecture. I've been accepted at NYU where my father studied the same thing.
Sa pagmamadali ko ay nabunggo ako sa pader.. ang tigas eh. Pero bakit mainit? Tumingala ako at tumitig sa kanya. "Watch where you're going!" Narinig kong sabi nya na may halong inis.And I see a man with a frown. Ganun pa man ay hindi nakabawas sa kagwapuhan nya.
Gosh!! He's so... hot. Sa taas kong 5'8ay higit syang mataas sa akin at ang katawan ay.. uhm.. yummy.. I mean well toned. Lean.
"Eye raping is not an activity for kids." He said to me.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Pardon me??" Pogi na sana, rude lang. May eye raping pang nalalaman! Masama bang mag appreciate ng magandang nilalang. Napakadamot.
Tinaasan nya lang ako ng kilay. Can you believe this guy? "Alam kong hindi mo ako maiintindihan kaya tatagalugin ko na lang. Ang gwapo mo na sana pero ang sama naman ng ugali mo. Hindi ka regalo ng Diyos sa mga babae, isa kang malaking sumpa!"
Sukat pagkasabi ko niyon ay bumunghalit sya ng tawa. What's so funny now? Sinamaan ko sya ng tingin.
He stopped laughing pero may naglalaro pa ding ngiti sa mga labi nya. Inilahas nya ang kamay nya nakikipagkilala, "I'm Oliver, at ikaw?"
Shock is an understatement. Nagtatagalog sya!!!
So embarrassing.. gusto ko ng bumuka ang lupa.
Tiningnan ko ang kamay nya pero hindi ko inabot. "No one." Iyon lang at nagpatuloy ako sa paglakad palayo sa kanya. Pero bago ako nakalabas ng pinto ay sumigaw pa.
"Nice to meet you NO ONE!" He was howling again.
I hate that guy! Mabuti na lang at hindi na kami magkikita uli. Mukhang dito rin sya pumapasok.
My parents were ecstatic to hear my news. We had dinner with Lolo and Lola, Auntie Cindy, Uncle Damien and my cousin Rich who's the same age as me.
Bukas ay flight namin pauwi ng Pilipinas kasama si Kuya Rich. Dalawang linggo kami doon at matagal ko ng inuungot sa mga magulang ko na umuwi kami. Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko — ang bestfriend kong si Nikki, ang kambal na Sevilla at ang bunso namin, si Raven. Tuturuan ko pa nga pala syang kumanta. She's 7 now.
Blanco Villa | Lipa, Batangas
"Ahhhhhhh! Doooooom!!!" Sigaw ko sa kanya. Dito ako nagpababa sa bahay nila at sina Mom naman pagkatapos magbeso kina Tita Gabe ay dumalaw sa Lolo at Lola ko sa Mahabang Parang. Susunduin nila ako mamya dito saka ako pupunta.
"Livvvvvvv!" Irit na sigaw ni Nicole
Nagyakap kami at sobrang miss na miss namin ang isa't isa. Yun ba namang isa o dalawang beses lang kaming magkita sa loob ng isang taon.
"Kumusta ka na?" Magka-abrisyete kaming naglakad at nagpunta sa kwarto nya.
Sinagot ko ang tanong nya. "Okay naman. Heto masaya at natapos ko na ang studies ko sa Juilliard."
"Congrats Liv! Ang galing galing talaga ng bestfriend ko!" Nakipaghigh five sya sa akin.
"Hus! Kaya kaya mo rin pumasok dun sa galing mong kumanta at mag gitara — ayaw mo lang."
Umikot ang mata nya. Classic. Sabi ni Mommy Yanna, ganung ganun din ang mannerism ni Tita Gabe. Natawa ako sa kanya.
"Hay naku tama na sa akin ang pajamming jamming. Mas gusto ko mag karera." I can sense her excitement. "San nga pala si Ninang Liv?" Nahuli kasi itong lumabas kanina kaya hindi naabutan sina Mommy bago umalis.
"Nagpunta kina Lolo, mamya sunduin nila ako you'll see her. Ang dami naming pasalubong sa 'yo. May surprise pa nga sya for your 16th birthday, kasi hindi kami nakauwi."
Namilog ang mga mata nya. "Talaga?? I can't wait to see it."
"I shopped for you too bago ako umuwi."
Humalakhak sya "You and shopping!" Nakita ko syang umiling iling. I do love to shop.
"Psh.. Hindi ko hiningi sa kanila yung pinambili ko ano, inipon ko yun mula sa baon ko."
"Dyan ako hanga sa 'yo eh, galing mong magtipid pero mahilig ka din magshopping. Kaloka ka!"
Nagtawanan kami at masayang nagkwentuhan.
"So, may boyfriend ka na?" Tanong ko sa kanya
"Oo."
Nagulat ako. Wala syang nakwento sa akin. "Sino?"
"Si Mus." Nakangisi nyang sabi sa akin.
"Sinong Mus?"
"Mustang. Yung kotse ko." Binatukan ko sya at halos gumulong kami sa sahig sa pagtawa.
"Gaga ka talaga."
"Paniwalang paniwala ka na kanina. Hahaha!" Nang makarecover, sya naman ang nagtanong. "Ikaw ba?"
"Wala. Busy lahat sa Juilliard." Pero sumagi sa isip ko si pogi kaya napangiti ako at ng maalala ko ang masamang nyang ugali ay napasimangot ako.
"Hanep.. ang bilis magbago ng feelings."
"Ha?"
"Your eyes were all hearts then it was throwing daggers the next! Hahaha! Sino ba yang lalakeng yan magkwento ka naman."
Huminga ako ng malalim. "He said his name is Oliver."
"Nice name. Oli + Oli. BAGAAAAAY!!!"
Hinampas ko sya sa braso na nasalag naman nya. Tawa pa rin ng tawa.
"O tapos ano na?" Kulit nya
Kinuwento ko ang nangyari at lalo na syang bumunghalit ng tawa. Sapo sapo na nya ang tiyan nya. "Oh my God Liv! You are so freaking funny, nagtagalog ka para hindi ka nya maintindihan pero nagtatagalog pala sya! That one is for the books!" Tawa pa rin ito ng tawa.
"That is not funny Dom!" Iyon ang tawag ko sa kanya hango sa pangalan nyang Dominique.
2 years later | NYU
Ilang minuto na lang at late na ako sa klase ko at terror ang professor ko sa subject na iyon. Although elective lang ay kailangan ko pa ring ipasa ang Philosopy in Architecture.
Sa pagmamadali ko ay napabangga ako sa kasalubong ko at kung hindi nya ako nahawakan s baywang ko ay bangas sana ang mukha ko sa paglanding sa marmol na semento.
"Careful!" Sabi ng lalakeng titig na titig sa akin. "It's you again!" Nakangiting sabi nya.
Napakunot noo ako. Ano daw? "Pardon me?"
"We've met. Remember? Juilliard, hallway, bumping into me, getting mad at me?"
Mabilis kong naalala ang insidenteng iyon na nagtago lang pala sa likod ng utak ko.
"We meet again No One." Nakakaloko ang ngiti nya sa akin.