Tahimik na dinampot ni Kelly isa-isa ang mga nagkalat na decorations sa maliit na hardin ng kanilang bahay matapos ang party na naganap noong hapon na iyon.
It was a tiring day. Hindi niya akalaing ganoon ka-rami ang inimbitahang bisita ng Mama niya. Napuno ang garden nila ng mga bata at masaya ang mga ito sa mga palarong inihanda nila.
Isini-silid niya ang mga naipong basura sa hawak na trash bag nang lapitan siya ng kapatid na si Kimmy.
"Hey."
Sandali lang niya itong sinulyapan bago itinuloy ang ginagawa. "Hey."
"You okay?" tanong nito sa kaniya habang isa-isa ring dinampot ang mga nagkalat na paper cups sa makapal na Bermuda grass.
"Of course," bahaw niyang sagot bago ito tuluyang hinarap. Sinuyod niya ng tingin ang kapatid na suot-suot pa rin ang uniporme at police cap. "Kadarating mo lang pala?"
Tumango ito. "Wala akong ka-reliyebo kanina kaya hindi ako nakaalis kaagad sa istasyon." Kinuha nito sa kaniya ang hawak niyang trash bag at isinilid doon ang mga na-dampot na basura. "How was the party?"
"Maraming bisita," sagot niya saka pinagpagan ang mga kamay. "Dumating lahat ang mga ka-klase ni Karl at mga apo ng mga kumare ni Mama."
"Nakarating ba ang in-order kong strawberry shortcake?"
Ngumiti siya at masuyong sinundan ng tingin ang kapatid na tuluy-tuloy lang sa pagdampot ng mga kalat. "Yes, it did. And he loved it."
Matagal na natahimik si Kimmy, tila tinatantiya ang sunod na itatanong sa kaniya. Tinapos muna nito ang pagdampot sa lahat ng mga kalat bago siya hinarap. "So, naghintay na naman ba siya?"
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga sa naging tanong nito sa kaniya. Kung siya lang ay ayaw na niyang sagutin pa iyon dahil alam niyang hahaba na naman ang diskusyon, pero kilala niya ang kapatid. Kimmy wouldn't stop until she made her point.
Si Kimmy ay nagpatuloy nang hindi siya sumagot. "Karl is a smart kid, Kelly. Sa palagay ko'y maiintindihan niya kung ipaliliwanag mo sa kaniya na ang ama niya ay—"
"He's only five, Kimmy," she defended.
"And it has been more than five years, Kelly. Let go of him now and move on. Hindi na siya babalik pa."
Mangha niyang tinitigan ang kapatid. "Madali sa iyong sabihin iyan dahil hindi ikaw ay umi-inda ng sakit." She took a deep breath and straightened her back. "Naniniwala akong babalik siya sa amin. He promised."
Si Kimmy naman ang sunod na nagpakawala ng malalim na paghinga. "Nagbubulag-bulagan ka lang, Kelly. Tuwing kaarawan ni Karl ay sinasabi mo sa kaniyang uuwi ang ama niya kahit alam mong malabo. Hanggang kailan mo paaasahin ang anak mo? Alam mong sa nangyaring iyon sa squad nila Brad ay imposibleng maka-ligtas siya. Stop giving your son false hope— Karl will never meet his father—"
"They never found his body," matigas niyang sagot sa kapatid. "If he's dead, the rescue team could have found his body or at least his clothes. But there was none, Kimmy."
"Pero kung buhay siya, nasaan siya? Bakit hindi ka niya binalikan? Bakit hindi niya kayo binalikan? He knew you were pregnant— he knew he was going to be a father. Pero nasaan siya ngayon kung totoong buhay siya, ha, Kelly?"
Napa-kagat labi siya upang pigilan ang pag-hikbi.
"Give up, Kelly. Sapat na ang limang taong paghihintay mo."
She swallowed the lump in her throat and was about to answer back when she suddenly saw Karl appeared at the back door. Salubong ang mga kilay nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Kimmy.
Doon siya pinanlakihan ng mga mata.
"Mommy..." Karl started in his small voice, "...is it true that I will never see dad?"
Tinapunan muna niya ng masamang tingin si Kimmy bago mabilis na nilapitan ang anak. Huminto siya sa harap ng anak, lumuhod sa damuhan kasabay ng pag-gagap sa mga munting kamay nito, bago nagpakawala ng pilit na ngiti. "You will, babe. Of course you will. Dad will come back. No matter what, he will. Because he promised."
"Dad always keep his promises, right?" Karl asked, hope was all over his chubby face.
Tumango siya saka mahigpit na niyakap ang anak.
Si Kimmy na nasa likod ng mag-ina ay napa-iling na lang saka tumingala sa langit na unti-unti nang nilalamon ng dilim. Tahimik nitong hiniling na sana ay dumating ang araw na bumalik na ang taong matagal nang hinihintay ng dalawa.
*****