Sunud-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kelly habang marahang hinahagod ang ulo ng anak nang gabing iyon. Matapos ang dalawang story books na binasa niya, Karl was finally able to fall asleep.
She stared at her son's sleeping form and released a sad smile. Karl was a spitting image of his father —from his thick brows, his light brown eyes, to his nose and lips. Even from the way he smiled and laughed— the similarity was just overwhelming. Sa tuwing kaharap niya ang anak, pakiramdam niya'y nasa harap lang niya ang lalaking buong puso niyang minahal. And sometimes, she would just look at her son and would start crying like a baby.
Hanggang sa alaala na lang ba kita makikita, Brad?
She let out another sigh as she continued to softly stroke her son's hair.
Nasasaktan siya sa tuwing hinahanap ni Karl ang ama. Alam niyang hindi tamang paasahin niya ang anak sa isang bagay na kahit siya ay hindi sigurado— but she couldn't just give up on Brad. She just couldn't give up on his promises. Kahit ano ang mangyari— kahit gaano ka-tagal, panghahawakan niya ang pangako nitong uuwi upang makapiling sila.
"I can't wait to see our baby... Don't worry, I will be there by your side when you give birth. I promise to come home."
Those were his words when they last talked on the phone. He was finally able to give her a call after months of waiting. She told him about her pregnancy and he was very happy. But after that, he never called again. He suddenly just disappeared without a trace.
Sa mga panahong iyon ay walang nakaaalam kung ano na ang nangyari rito. Five years had past and he was still no where to be found. Just thinking about the possibility of him dead crushed her heart. Hindi niya alam kung kakayanin niya sakaling dumating ang araw at makatanggap siya ng kompirmasyon na wala na nga talaga ito.
"Mommy..."
Napakurap siya nang marinig ang munting tinig ni Karl. Muli niyang ibinalik ang pansin sa anak na pupungas-pungas na naupo sa kama, ang mga mata ay nakapikit pa.
Masuyo niyang dinama ang pisngi nito. "I'm here, sweetheart..."
Lumapit si Karl at niyakap siya ng mahigpit. "Are you thinking about daddy again..?"
She held back her tears and forced a smile. "I always do, baby. I just missed daddy."
Sleepily, Karl nuzzled her arm. "He will be back.. He promised, remember?"
Doon na niya hindi nagawang pigilan ang mga luhang bumagsak sa magkabila niyang mga pisngi. Niyakap niya ng mahigpit si Karl at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo. "Yes.. He promised." And he never, ever break a promise, gusto niyang idagdag pero pinigilan niya ang sarili.
Paano kung hindi na nga ito muling babalik? Paano kung totoong wala na ito? Would Karl take it? Would she take it? Oh, just thinking about it made her weep all the more.
Nahinto siya sa mahinang paghikbi nang umangat ang munting kamay ni Karl sa kaniyang pisngi at masuyo siyang hinaplos doon. "Don't cry, Mommy... I'm here, I will protect you while Dad is away."
Tumango siya at muli itong dinampian ng halik sa ibabaw ng ulo. "I know you will, my love. You are your father's son, I know you will protect Mommy."
Hindi na sumagot pa si Karl, pero naramdaman niya ang muling paghigpit ng yakap nito sa kaniya. Sa mahabang sandali ay nanatili siyang tahimik na lumuluha habang marahang hinahaplos sa likod ang anak.
Nang maramdaman niya ang payapa nitong paghinga ay saka siya maingat na humiwalay rito at tumayo. Kinumutan niya ang anak at sandali itong pinagmasdan bago tumalikod at humakbang patungo sa chest of drawers na nasa tabi ng vanity dresser niya. Binuksan niya ang pinaka-ilalim na bahagi niyon at kinuha mula sa loob ang isang wooden box na kasinglaki lang ng box ng sapatos.
Nilingon muna niya ang anak at sinigurong mahimbing na itong natutulog bago siya humakbang palabas sa veranda. Pagkarating doon ay naupo siya sa naroong upuan na gawa sa ratan at ipinatong ang box sa kaharap na coffee table. Huminga siya ng malalim bago iyon binuksan.
Nang tumambad sa kaniya ang laman niyon ay muling namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.
Inside the box was Brad's letters to her. Letters filled with sadness and loneliness, with hope and love, too. He loved to write letters— some were just three liners but they meant a lot to her.
Napa-isip siya kung tamang balikan na naman niya ang mga alaala ng nakaraan at muling saktan ang sarili sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga sulat na naroon. Alam niyang kapag ginagawa niya iyon ay mauuwi na naman siya sa pag-iyak— at hindi na magtataka ang pamilya niya kapag kinabukasan ay makita siya ng mga itong mugto na naman ang mga mata.
They were used to it. Alam ng mga itong sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Karl ay bubuksan na naman niya ang mga liham ni Brad. Alam ng mga itong hanggang sa mga panahong iyon ay nasasaktan pa rin siya, nangungulila, at naghihintay. But her family respected that— they respected her pain and sorrow. They respected her decision to keep waiting until she's ready to let go.
But how can I let go if my heart keeps on going back to the memories we once shared?
Napabuntong-hininga siya bago maingat na kinuha ang sulat na nasa pinaka-ibabaw ng box. It was the un-opened letter that Brad gave her before he left. She stared at it for a long moment before she closed her eyes and held it to her chest.
"Don't open it yet. Promise me you won't."
"When can I open it then?"
"The day I return."
Muli ay huminga siya ng malalim saka iminulat ang mga mata.
"But are you still coming back to me, Brad?" she whispered painfully.
Isa ang sulat na iyon sa mga pinanghahawakan niya kung bakit hindi niya magawang bumitiw mula sa mga alaala ni Brad. She wanted to know what's on the letter, but she wouldn't open it until he's back— just like what she promised to him.
Maingat niyang inilapag sa coffee table ang sulat na iyon saka inilabas ang iba pa mula sa wooden box. Maayos ang pagkakasalansan ng mga iyon dahil kaniya talagang iningatan. For her, those letters were as important as her life.
Kinuha niya ang pinaka-unang sulat na ibinigay nito sa kaniya. Binuksan niya iyon saka siya nagpakawala ng malungkot na ngiti nang muli iyong mabasa;
K-Ann,
You must be wondering why I am writing this letter to you. I just want you to know that you are strong no matter what others say and do to you. If they don't want you around, don't worry— it's not the end of the world.
Meet me at the front gate. I need an update on my thesis.
Brad
And once again, she allowed herself to walk down memory lane because she knew that she would find him there...
*****