"Sarap mong pamisana alam mo ba yun?" inis na wika ni Railey habang nag lalakad silang palabas ng boutique ni Megan ng ipag tabuyan silang dalawa ni Dennis.
"E bakit naman kasi ang aga-aga na shop ka na agad ni Ate Megan. Hindi mo madadaan sa santong paspasan yang si Ate Megan, I heard na binasted mo naman pala noon." tumarak naman ang mata ni Railey.
"Issue pa rin ba yun hanggang ngayon? Ilang years na ang lumipas mga bata pa kami noon at pinag bawalan akong ligawan s'ya."
"Wala yung sa years na lumipas o sa edad. Sa ginawa mo talagang mahihirapan kang maka first base."
"Makaka first base na nga kung 'di ka biglang dumating panira ka ng diskarte, sumakit lang ang anit ko 'di man lang ako nag enjoy."
"Tsk! saka ka na kasi umeksena intayin mo munang makasal ako baka ma bad trip si Ate Megan masira ang kasal ko. Ikaw talaga ang pamimisahan ko maniwala ka sa akin." wika pa ni Dennis. Marahas na napabuga na lang ng hangin si Railey konti na lang sana badtrip lang talaga itong si Dennis kundi lang n'ya talaga kaibigan ito bibigyan n'ya ito ng uppercut sa bunbunan.
*******
"Sir Rai, may nag iintay po sa inyo sa lobby kapatid n'yo daw po s'ya." wika ng security guard mula sa basement parking ng condo n'ya. Nag tataka naman kumunot ang noo ni Railey at nag salubong ang kilay saka nag pasalamat sa guard na dumeretso na sa elevator. Pag dating sa lobby nakita n'ya si Russel na may kasamang isang matandang lalaki at 2 pang lalaki na pare-parehas na mga naka corporate attire.
"Kuya Rai." nakangiting salubong pa ni Russel. Sa mga ngitian pa lang nito alam na n'yang may kailangan ito sa kanya.
"Mr. San Miguel s'ya po ang sinasabi kong kuya ko." wika pa ni Russel.
"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa Mr. Razon. I need my 25 million back na ini-scam sa akin ng kapatid mo." wika ng matandang lalaki. Galit naman na binalingan n'ya ang kapatid.
"So, magkapatid pala tayo." tanong pa ni Railey na ikinakunot naman ng noo ng matanda na nag palipat-lipat ng tingin sa kanila.
"Akala ko ba ayaw n'yong maging kapatid ako dahil karibal ang tingin n'yo sa akin tapos ngayon kuya. Ayos ah! anong gusto mong gawin ko Russsel?" pagak na tumawa si Railey.
"Pinag lalaruan n'yo ba akong mag kapatid?" galit na tanong ng matandang lalaki.
"Oh! No, Mr. San Miguel, sadya pong palabiro itong kuya ko."
"Hindi ako nakikipag biruan sa mga taong hindi ko gustong nakikita?" wika pa ni Railey habang nakatingin sa kapatid.
"Come on! Kuya wag ka ng magalit, tulungan mo muna ako this time."
"Linawin natin ang intindi ko, gusto mo bang pabayaran sa akin ang 25 million na ini-scam mo?"
"Oo at pangako ibabalik ko rin sa sa'yo bukas, bukas pa kasi ang dating ng pera ko. Kaso kailangan na ni Mr. San Miguel ang pera." tumawa naman si Railey.
"Hindi ako mayaman Russel, kaguwapuhan ko lang ang yaman ko. Ni hindi n'yo nga ako gustong isama sa mamanahin n'yo sa papa tapos gusto mo ako mag babayad ng 25 million. Ayos ka rin ano pati ako gusto mong i-scamin."
"Sobra ka naman mag salita, hindi ko naman hinihingi diba nga sabi ko ibabalik ko bukas."
"Kelan pa n'ya po ipinangako na babayaran kayo?"
"Last year." muling natawa si Railey.
"Ibang klase ka." iling ni Railey.
"Sige na bayaran mo na muna alam ko naman na meron kang pera. Hindi ako na niniwala na wala kang nakukuha kay Papa."
"Anong gagawin n'yo kung hindi s'ya makakabayad?"
"Kasama ko ang abogado ko at may kasulatan kaming dalawa na ipakukulong ko na s'ya kapag hindi pa s'ya nakabayad."
"Naku makukulong ka pala? hindi alam ng Mama mo?"
"Kaya nga sa'yo ako nalapit kuya, sige na bayaran mo na muna si Mr. San Miguel at wag mo ng sabihin kila Mama at Papa."
"Million ang utang mo hindi hundred thousand kaya tingin mo talagang babayaran ko ang inutang mo? Ikaw nag pasarap tapos ako ang pupurwisyohin mo."
"Kapag 'di mo ako tinulungan sasabihin ko kay Mama na pahirapan n'ya si Cleo at ang lola n'ya." biglang nagtagis ang mga bagang ni Railey ng marinig ang pangalan ng isa pa nilang kapatid sa labas na who happen 17 years old pa lang at bastarda din ng papa n'ya sa isang dating artista na maagang na laos dahil sa madrasta n'ya. Na nagawang ipatanggal sa showbiz ng malaman na nabuntis ito ng papa n'ya noon. Naging laman ng halos ng lahat ng TV station ang pag papakamatay ng ina ni Cleo dahil nag suicide ito after sa nangyari sa career nito. 2 years old pa lang noon si Cleo, 10 years old na si Cleo ng makilala n'ya ito bilang kapatid at ibilin ito sa kanya ng papa n'ya na tingnan-tingnan daw n'ya ang kapatid n'ya dahil wala daw itong time na intindihin si Cleo.
Mula noon hindi man s'ya nakakapunta ng madalas sa kapatid tinitiyak naman n'ya na hindi ito kinakapos sa financial pero ng i check n'ya ang bank account ng kapatid bihirang bihira itong gumalaw ng pera. Halos maipon na iyon lahat kaya na kikita n'ya ang sarili n'ya rito noon panahon na bata pa s'ya. Ang kaibahan lang nila, hindi n'ya ginagamit ang pera ng papa n'ya kundi ininvest s'ya kung saan saan investment company sa ibang bansa na lingid sa kaalaman ng papa n'ya, Hindi s'ya dito sa pilipinas nag invest dahil ayaw n'yang malaman ng papa n'ya o kahit ng madrasta n'ya. Kaya wala ka idea-idea na isa na s'yang bilyonaryo kahit pakalat-kalat lang s'ya. Hindi lahat sinusuwerte sa investment nag kataon lang na talaga very hands-on s'ya noon sa ginagawa n'ya. At sinuwerte naman n'ya. Hindi lang sinuwerte kundi pinag pala kaya kahit habang buhay pa s'yang hindi mag trabaho at kahit mag anak pa s'ya ng sampo, hindi mag hihirap ang mga anak n'ya.
"Subukan n'yong galawin si Cleo ng pare-parehas kayong mag dildil ng asin." mariin na banta n'ya sa bunsong kapatid.
"Hindi ko babayaran ang utang n'ya dahil hindi naman ako ang nang scam sa inyo. Pasensya na po." ani Railey sabay talikod at 'di na pinansin ang sigaw na pag tawag sa kanya ng kapatid. Imbis na umakyat na sa unit n'ya. Minabuti n'yang pumunta ng batangas at bisitahin ang kapatid.
*******
"Talagang gusto mo ng mamatay ano?" inis na wika ni Megan ng makita si Railey sa Restaurant kung saan sila mag memeet ni Peter. Ngumiti naman si Railey na ibinaba ang menu book na hawak bago nag palingon-lingon saka napatingin sa waiter na nakatayo sa tabi n'ya.
"Ikaw ata kinakausap n'ya." turo pa ni Railey sa Waiter sabay turo kay Megan.
"Po, parang kayo po ata sir." naguguluhan na wika ng waiter na nag palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Mag kakilala ba tayo." ngisi pa ni Railey.
"Hoy! Dimagiba. Wag mong ubusin ang pasensya ko dahil konting-konti na lang talaga ang natitira para sa'yo."
"Hindi ba na kakautang para madagdagan naman and correction. Its Razon not Dimagiba."
"Wala akong paki-alam kung ano man apelido mong abnormal ka. Ang tinatanong ko kung anong ginagawa mo dito."
"Hindi pa ba obvious?" itinaas pa nito ang hawak na menu book.
"Kakain."
'Wag mo akong pinag loloko sinusundan mo ano." tumawa naman si Railey.
"Alam ko naman maganda ka, malinaw kong nakikita yun pero wag ka namang masyadong assuming meme. May ka date ako. And there she is my date." turo naman ni Railey sa isang dalagitang papasok. Nasa isang Italian fancy restaurant sila pero ang dalagitang pumasok naka skinny jean at puting sweatshirt at rubber shoes lang at naka sumbrero pa. Hindi na babagay sa isang fancy restaurant kaya pinag titingnan ito ng mga tao.
"Grabe! napaka manyak mo talaga pati bata minomolestiya mo."
"Hahaha! kalma lang wag kang mag selos."
"Kapal naman ng mukha mo bakit ako mag seselos sa isang bata."
"Hoy! Mani." bungad ng dalagita ng lumapit na sa table. Bahagya pa itong ngumiti sa kanya at nag bigay galang napangiwi pa s'ya ng tawagin nitong mani si Railey.
"Bagay sa'yo endearment n'ya. Mukha ka kasing manyak." pabulong na wika ni Megan saka tumalikod na.
"Ang bastos naman ng tawag mo sa akin, kelan ka ba matutong tawagin akong kuya." sita naman ni Railey sa kapatid.
"Sino yung bebot na nagagalit sa'yo?"
"Sister-in-law mo." natawa naman si Cleo.
"Akala ko yung mga pangit na hampas lupa lang ang makakapal ang mukha pero isa ka pa rin pala, Mani." tawa ni Cleo na naupo na.
"Bakit hindi ka na niniwala na magiging sister-in-law mo s'ya."
"Sa ganda at sexy nun I'm sure hahanap yun ng matinong lalaki na makakasama n'ya sa buhay. Hindi yung tulad mong pakalat-kalat lang." sumimangot naman si Railey.
"Dahil masama ang tabas ng bibig mo, ikaw ang mag bayad ng mga inorder ko. That would be al thank you." baling ni Railey sa waiter na tumalikod na.
"Wala akong dalang wallet. Katawan ko lang ang dala ko papunta dito sa manila."
"Paano ka nakapunta dito na walang dalang wallet."
"Gcash."
"Gcash? may ATM ka ah."
"Wala naman sinabi na ilibre kita at mag dala ako ng pera."
"Sabihin mo kabata-bata mo pa saksakan ka ng kuripot."
"Hindi ako kuripot hindi lang ako mahilig gumastos." irap ni Cleo.
"Siguro naman malaki laman ng Gcash mo."
"Hindi, 1,000 lang ang pina cash-in ko." pagak na tumawa si Railey.
"Tapos nabawasan pa ng pinang taxi ko kaya 750 na lang natira."
"Grabe! hindi ka mabubuhay dito sa manila kung ganyan ka." iling ni Railey.
"Hindi naman ako titira dito sa Manila gaya ng gusto mo. Hindi ko iiwan si Lola, sa Batangas pa rin ako mag cocollege." ani Cleo sabay lingon sa babaeng kausap ng kuya n'ya kanina.
"Parang kaaway nung babae kanina yung guy oh.' napalingon naman si Railey 3 mesa mula sa kanila ang layo ng mesa nila Megan at Peter. Totoong coincidence lang na nasa iisang restaurant silang dalawa. Mas nauna s'yang dumating may mga 5 minutes na s'yang naroon ng pumasok ito. Umabot pa ng 10 minutes bago pa s'ya nito napansin at sinugod. At totoong sinabi ni Cleo na parang nag-aaway nga ang dalawa. Kanina pa n'ya napansin halos magkasunod lang itong dumating at si Cleo pero kakaupo pa lang nito may kausap nanaman ito sa phone. Kahit naman s'ya ang babae magagalit s'ya.
"Mag bebreak na kasi sila dahil ako na ang papakasalan n'ya." kumpiyansang turan ni Railey.
"Nalipasan ka siguro ng gutom." iling na lang ni Cleo.
*******
"Utang na loob stop looking baka makita ka ni Peter." napangiti si Railey ng mabasa ang text ni Megan na mukhang ini-unblock na s'ya para lang sabihan s'ya.
"Why? I told you, babawiin kita sa kahit anong paraan. Hindi pa ba kayo nag bebreak? Makipag break ka na kung anong mong bigyan ko s'yang ng dahilan na makipag break s'ya sayo."
"Tumigil ka! kahit kelan hindi mo ako naging pag-aari kaya wala kang babawiin."
"Who told you? akin ka noon pa man. Kung baga sa mangga pinahinog lang muna kita. Ngayon hinog ka na ako na pipitas sa'yo bago pa ako maunahan ng mukhang pusit na yan." reply ni Railey sabay lingon kay Megan na sakto naman lumingon rin kaya naman literal n'ya itong kinindatan at binigyan ng finger heart.
"Yuck ka Mani! Ano ba nakakahiya ka." mariin na bulong ni Cleo ng makita ang ginawa ng kapatid.
"Ano ba tawag ka ng tawag ng mani, pumapangit ang image ko sa'yo. Kuya. Matuto kang tumawag ng kuya."
"Tigilan mo kasi yun babae."
"Wag mo syang tawagin babae. Ate Megan ang itawag mo sa kanya."
"Tatawagin ko lang s'yang Ate kong totoong girlfriend mo na s'ya."
"Wala ka talagang kabilid-bilid sa kuya mo watch and learn later." wika pa ni Railey.
After nilang kumain nag yaya na ang kapatid na umalis na sila. Inakbayan pa n'ya si Cleo na pilit naman inaalis ng kapatid at sinadya pa n'yang dumaan sa mesa ng mga ito saka huminto mismo sa mesa nila Megan na nanlalaki ang mata na halatang binabantaan s'ya sa tingin pero wala s'yang paki-alam.
"I know you?"
"Of course, you should." wika pa ni Railey sabay yuko kay Megan at inilapit ang bibig sa tenga ng dalaga.
"Cleo is my sister kaya wag ka ng mag selos meme, sa'yong-sayo ko." nanigas at hindi nagawang makagalaw ni Megan kahit gustong-gusto na n'yang itulak si Railey lalo ng maramdaman ang dila nito sa tenga n'ya na talaga naman nag hatid sa kanya ng kilabot hanggang anit niya.
"Your Megan's cousin." wika pa ni Peter ng lumayo si Railey na parang hindi nag selos ito. Kulang pa pala ang effort n'ya.
"Ginagawa ba ito ng mag pinsan." tanong ni Railey na biglang nagyuko ng ulo at mabilis na hinalikan sa labi si Megan na nanlalaki ang mata pero bago pa n'ya ito maitulak na haltak na ito ni Peter at malakas na sinuntok. Imbis na indahin ni Railey ang suntok ngumisi pa ito. Hiyang-hiya naman si Megan dahil pinag titingnan na sila ng mga ibang customer ng restaurant. Nag mukha s'yang two-timer sa ginawa ni Railey.
"Let's go Megan." galit na anggil ni Peter na mabilis na nag labas ng wallet at nag hagis ng pera sa mesa at hinila na si Megan.
"Meganda."tawag pa ni Railey pero hindi lumingon ang dalaga.
"Wag mo akong masyadong isipin baka mapagod ka kawawa ka naman pagod ka na nga sa kakatakbo sa isip ko. Pahinga ka naman." sigaw ni Railey na na tinawanan ng mga nakarinig.
"My gulay ka ka! kakahiya ka." bulong ni Cleo na nag mamadaling isinaklob sa ulo ang hoody ng seatshirt na suot at nag mamadaling lumabas ng restaurant.