Episode 4- Mani

2251 Words
Kabado si Megan habang iniintay ang nobyo na dumating, mula sa kakilalang stewardess nalaman n'yang kung nasaan hotel ito. Nag paalam si Peter na meron itong dadaluhan seminar para daw sa mga piloto, ilang araw na itong galit sa kanya after ng ginawa ni Railey. Hindi na s'ya nito kinibo lalo ng dalahin s'ya nito sa isang motel at yayain s'ya nitong mag s*x, patunayan daw n'ya na totoong mahal n'ya ito by giving her body to him. Nag dadalawang isip s'ya nangako pa itong pakakasalan after pero parang hindi s'ya kumbinsido ngayon pa nga lang wala na itong time sa kanya. Kaya ng tumangi s'ya basta na lang s'ya nitong pinababa ng kotse at iniwan s'ya sa parking ng motel. Gusto n'yang magalit pero nag timpi na lang s'ya dahil may kasalanan s'ya kung bakit nagalit si Peter pero ngayon lang nangyari na umabot ng 5 days ang galit nito sa kanya. Bahagya pa s'yang napangiti ng sa wakas nakita na n'ya si Peter na pumasok na ng hotel pero natigilan s'ya sa pagtayo sa pag kakaupo sa sofa sa lobby ng hotel ng makita ang isang babae na sumalubong kay Peter pero hindi n'ya nakita ang eksaktong ginawa ng dalawa pero malinaw sa imagination n'ya na nagkiss ang mga ito kung wala lang sanang humarang. Inis na nag taas s'ya ng tingin pero mas lalo lang na double ang inis n'ya ng makita ang salarin kung bakit ngayon nag hahabol s'ya sa isang lalaki. "Wala ka na talagang natitirang hiya sa katawan mo ano." "Tara na! Ang aga-aga mainit nanaman ang ulo. Come palalamigin ko." wika pa ni Railey na hinawakan pa s'ya sa kamay pero mabilis n'yang binawi ang kamay saka tumayo. "Ako'y sagad na sagad na ang pasensya sa'yo. Tumabi ka nga d'yan." "Sumama ka na lang sa akin promise hindi ka ma bobroken hearted." habol pa ni Railey na sumunod kay Megan na nag lakad na kung saan natanaw na nagtungo si Peter. Nag tanong pa s'ya sa isang hotel staff kung saan ang event hall na agad naman itinuro nito, natigil sa pag hakbang si Megan ng makita ang isang tarpulin na nakatayo sa may labas ng pinto ng event hall. 1st birthday ng isang batang lalaki ang idinidiwang sa event hall hindi seminar. Lumapit s'ya sa event organizer na nasa labas ng hall na ngumiti naman sa kanila. "Excuse me miss." "Yes maam, sir." "Puwede ba kaming pumasok sa loob kahit walang invitation nasa loob kasi ang asawa ko dala n'ya yung invatation namin." pag sisinungaling naman ni Megan. Napatingin naman ang babae kay Railey na parang nag kukuli pa. "Kabit n'ya ako don't worry." ngisi pa ni Raileyt na napa-ungol na lang ng sikuhin n'ya. "He's my husband's cousin. Pasensya kulang kasi sa buwan kaya abnoy." wika pa ni Megan na ikinangiti naman ng babae saka sila pinayagan ng pumasok. "Remind me later na mag che-check-in tayo." kumunot ang noo ni Megan na nilingon sandali si Railey habang papasok sila sa loob ng event hall. "Sarap mo kasing buntisin ngayon." napakagat labi naman si Megan sa pagtitimpi ng inis rito. "Megan." napalingon si Megan sa tumawag at talagang nagulat s'ya sa nakita bago nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang tao na nasa harapan n'ya na mag ka holding hands pa. Halata sa mukha ni Peter na kabado ito na nakatingin sa kanya. "Oh my God! Megan." agad na bumitaw ang babae sa kamay ni Peter at balewala s'yang niyakap nito. Shock pa rin s'yang nakatingin kay Peter habang nakayakap sa kanya ang babaeng ka holding hands nito. "Hoy! ano para kang nakakita ng multo, ako to si Eliza. Elizabeth Umali but I'm now married kaya Choi na ang apelido ko." wika pa nito ng humiwalay sa kanya. "Asawa mo si Peter Choi." turo pa ni Megan kay Peter habang kinakabahan sa isasagot ng dating kaibigan ng high school of all people pa talaga. "Yes, kilala mo ang asawa ko." nakangiti pang tanong nito sabay tingin kay Railey na biglang natuptop ang bibig. "OMG! Railey Dimagiba." bulalas pa nito. "Yes! The one and only." sagot ni Railey na hinila pa si Megan sabay akbay sa dalaga sabay halik sa sintido nito. "And she's my girlfriend and soon to be my wife and the mother of my dozens of children." wika pa ni Railey na ikinatawa ng bahagya ni Eliza. "Kayo pa rin pala talaga ano galing naman. Paano n'yo nga pala nakilala ang asawa ko. 'Di mo sinabi sa akin na kilala mo pala si Megan." baling ni Eliza sa asawa. "I don't know her exactly." pakiramdam ni Megan gusto n'yang makadampot ng mesa at ihampas sa lalaking ito. "He's a pilot diba, we met a couple of times tuwing lalabas ako ng bansa." "Ah! oo. Honey s'ya yung kinukuwento ko sa'yo na bestfriend ko nung high school and I did something awful kaya nagkahiwalay kami." napabuga pa ng hangin si Eliza. "Gusto ko sana na maka-usap ka Megs kaso lang birthday kasi ng bunso namin kung 'di ka naman busy baka puwede tayong mag-usap later." "I hope you don't mind ilan na anak mo?" tanong ni Megan. "3 na at yung bunso namin ang may birthday ngayon." "Ganun ba tagal n'yo na pa lang kasal ano." wika pa ni Megan. "Yes, 6 years na din." "Hindi na kami mag tatagal, hindi naman talaga kami invited dito ng Mani-- ng boyfriend ko I mean. Nag kamali lang kami ng pasok baka sa kabilang event hall ginaganap yung seminar na pupuntahan namin." "Ha! sayang naman baka puwede naman makuha ang number mo." Agad naman kumuha si Megan ng calling cards at inabot kay Eliza. Sa mga oras na ito wala s'yang tiyak na emosyon na nararamdaman halo-halo pero mas lamang yung galit na gusto lumabas sa kanya. "Meganda." bulong pa ni Railey. "Tang*** mo! Wag mong subukan na mag salita. Manahimik ka na lang puwede." "Mahal kita noon hanggang ngayon tandaan mo yan." wika ni Railey na ikinalingon n'ya rito habang papalabas ng event hall at ewan n'ya kung para saan ang luhang umagos sa pisngi n'ya. Dahil ba sa sinabi ni Railey na damang-dama n'ya ang sensiridad o sa galit na nag uumapaw sa dibdib n'ya ngayon. ******* "Tama na lasing ka na." awat ni Railey kay Megan na sunod-sunod ang tungga ng alak. Sa bote na ito na inom kanina lang binabaso pa nito ngayon dumerekta na ito sa baso. "Bakit balak mo ba akong rape-in kapag na lasing ako?" "Oo kaya mag tira ka naman kahit konti, hindi masarap kapag nakahiga lang ang babae." biro ni Railey na ikinahinto ng bote sa ere na tutunggain sana muli ni Megan ng bigla itong tumawa at ibinaba ang bote sa mesa saka itinukod ang siko sa mesa saka sinapo ang mukha. "Ano bang pakiramdam kapag nakikipag s*x?" natawa naman si Railey na napalingon sa paligid buti na lang malakas ang music sa paligid at busy ang mga customer sa paligid nila na may kanya-kanyang kainuman sa isang bar. Mula pa kaninang umaga sila mag kasama, kung saan-saan na sila naka punta, una sa ice cream parlor halos maubos nito ang isang gallon na ice cream na mag-isa habang tahimik na umiiyak. Hinayaan lang n'ya ito sa trip nito at sinunod n'ya ang gusto nito na manahimik lang s'ya. Sumunod nilang pinuntahan sa isang archade at nag laro ito ng basketball at kummanta ng kumanta kahit para itong latang niyuyupi at ang sakit sa tenga ng boses nito tahimik pa rin s'yang nanatili sa tabi nito hanggang sa mag salita ito at nag yayang mag-inom daw sila. Medyo na gulat pa s'ya ang lakas nitong uminom halos maubos na nito ang isang bote ng alak pero nagagawa pa rin nitong mag salita at maupo ng maayos. Ang taas ng alcohol tolerance nito samantalang s'ya siguro mga 3 shots lang bagsak na agad s'ya kaya wala s'yang balak mag-inom kasama ang dalaga. "Hindi ako sure." "Virgin ka pa?" natatawang tanong ni Megan. "No but I never experience na makipag s*x sa taong mahal ko." "Bakit? mag kaka-iba pa ba ang nararamdaman kapag nag sesex." "Syempre kapag hindi mo mahal ang tawag dun kalibu*** lust lang makaraos lang ganun ba pero kapag mahal hindi ko pa sure bukas kita sasagutin." ngisi ni Railey. "Hay! Minamanyak mo nanaman ako Dimagiba." ani Megan na muling tinungga ang alak. "Virgin pa ako." turo ni Megan sa mukha. "Sabi ng parents ko sa aming mag kakapatid na babae. Sa taong mahal mo lang dapat ibibigay ang p********e mo at iyon ay sa araw ng kasal n'yo pero uso pa ba yun sa panahon ngayon. Sila Mama at papa nga 4 na naging anak nila bago pa sila ikinasal." humagikgik pa si Megan ng tawa. "Tama naman sila, ibigay mo lang sa taong mahal mo at dahil ako ang mahal mo sa akin mo na ibigay at pakakasalan naman kita kahit ngayon pa mismo." tumawa si Megan. "Hindi ka sure d'yan." "Naniniwala ako sa kasabihan na 1st love never dies." wika ni Railey. "Adik ka ba! motto pa yan ng mga sinaunang tao." "Bakit hindi ba totoo?" umiling si Megan sabay tapik sa tapat ng puso n'ya. "You broke my heart ng bastedin mo ako that night. Nilandi-landi mo ako at ng ma fall na ako sa'yo ng tuluyan para kang tangang gagawin dog show ang feelings ko. Nag paganda ako ng bongga that night ginusto ko na maging pinakamagandang babae sa paningin ng lahat para bumagay ako sa campus heartthrob namin tapos binasa mo pa sa harap ng lahat ang love letter ko na dapat ikaw lang ang naka basa and worst binasted mo pa ako sa harap ng lahat. Tang*** mo!" huminga ng malalim si Megan. "Mas masakit pa yung ginawa mo sa akin noon kesa sa ginawa sa akin ni Peter ngayon. Noon puso ko ang umiyak at halos 1 week akong hindi makalabas ng kuwarto ko. Ngayon umiiyak ako dahil sa kahihiyan pakiramdam ko tinapaktapakan ang pride ko ng walanghiyang lalaking yun, ginawa akong kabit na wala akong kaalam-alam to think na panay ang yaya n'ya sa akin na mag s*x na kami at patunayan ko sa kanya na mahal ko s'ya. Gago!" muling humikbi si Megan. "Move on na ako sa heartache ko sa'yo noon pero lint** na Peter yan paano kung nalaman nila Mama at Papa na kabit pala ako. Mapapatay ko s'yang hayop s'ya. Nakakadiri imagine ako si Megan Montenegro kabit ng asawa ng dati n'yang bestfriend. My god nakakahiya." sumubsob si Megan sa mesa habang mahinang inuuntog ang noo sa mesa pera natigil si Megan sa ginagawa ng mapatingin sa palad na naka patong sa mesa para pigilan s'yang untugin ang mesa. Huminga ng malalim si Megan saka hinigaan ng pisngi n'ya ang palad ni Railey habang nakatitig sa guwapong binata. "Kapag ba nakipag s*x ako sayo ngayon tingin mo malilimutan ko ang lalaking yun." ngumisi naman si Railey na napatingin sa bote ng alak na kokonti na ang laman. Talagang matibay ang sikmura nito sa alak hindi pa talaga ito nakakalimot sa nangyari. "Oo naman pangalan ko na lang ang maalala mo." "Tara na, simulan nanatin." natawa naman si Railey ng tatayo na sana si Megan ng bigla itong mapaupo. Akala pa ni Railey na hilo ito kaya mabilis n'ya inalalayan pero may na alala lang pala ito. "Baka mabuntis mo ako?" "Bakit ayaw mo ba sa magandang lahi?" "Ayoko sa lahi mo abnoy ka e baka kapag nagkaroon tayo ng baby na katulad mo baka maaga akong pumanaw." malakas na natawa si Railey. 'Ako ba talaga ang abnoy parang kasing meron pa akong kilala." natatawa pang tanong ni Railey. "At tsaka diba sabi masakit daw kapag 1st time lalo pag malaki. Malaki ka ba." "For christ sake Megan, Let's go na at ikaw na ang sumukat?" nauna ng tumayo si Railey saka inalalayan si Megan na tumayo. crossleg na ang lakad ni Megan kaya na tatawa si Railey na gusto na sana itong buhatin pero ayaw nitong pumayag. "Ano ba naman Mani, sa derekto mo ako ilakad na hihirapan ako sa'yo e." reklamo pa ni Megan na nag babangga na ang paa sa pag lalakad. "Wag mo naman ng gayahin ang tawag sa akin ng kapatid kong Mani nakaka degrade ng pagkatao e." "Ang ganda kaya cute. Mani bagay sayo mukha ka ng mani. Ano ba sa deretso lang sabi na hihirapan ako e, wala ka talagang kuwenta." natawa naman si Railey na halos buhat na rin s'ya sa pag lalakad si Megan dahil hirap na hirap na itong mag lakad. "Nasa deretso tayo yang paa mo ang hindi pantay." "Utak mo ang hindi pantay. Bitawan mo na nga ako, ako na ang lalakad mag-isa." binitawan naman ni Railey si Megan na literal na bumagsak sa sahig at napa-upo sa semento ng parking lot. "Hala! nabali ang buto ko bakit itinulak mo akong demonyo ka." reklamo ni Megan na parang batang nag mamaktol. Pigil na pigil naman ni Railey ang mapabunghalit ng tawa. "Mas maganda na yan bali na ang buto mo sa binti para mabilis ko ng maibubuka mamaya." ngisi ni Railey ng tuluyan ng binuhat si Megan. Napatingin si Railey sa dalawang kotse nilang naka park sa parking ng bar saka nag decide na kotse na lang ni Megan ang gamitin nila pauwi. "This is it pancit! tara ng mag tampisaw sa purgatoryo ng kalangitan." wika pa ni Railey ng umaandar na ang kotse. "Wag mo akong bubuntisin ha. Patay ka sa akin kapag na buntis ako." bilin pa ni Megan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD