"Parang 'di ko na kikita si Megan?" bulong ni Railey kay Dennis habang magkatabi sila sa pila na sasakay sa isang ride na parang bangkang malaki.
"Malalate ng dating may flight kasi yung boyfriend n'yang piloto." sagot naman ni Aira.
"Sabihin mo sa Ate mo, iwan na yung boyfriend n'yang piloto ako na lang kamo ang sagutin. Kahit hindi ako piloto kaya ko s'yang dalahin sa langit." tumawa si Aira.
"May sinasabi ka ba?" pagalit na tanong ni Gabriel.
"Ang ibig ko pong sabihin kuya, meron akong sariling chopper. Napapakamot na turan ni Railey na tinawanan ng mga naroon sa pila.
"Paano ka sasagutin wala ka naman kuwentang manligaw." ani Dennis.
"Paanong walang kuwenta, pinag tataguan nga ako." reklamo naman ni Railey.
"Alam mo loverboy kapag pinag tataguan ka ng isang babae dalawa lang ang dahilan n'yang it's either ayaw sa'yo o takot sa'yo." ani Daniella na nasa likod ni Railey na ikinalingon nito.
"Bakit naman s'ya matatakot sa akin, wala naman po akong ginagawang masama."
"Takot s'yang ma in-love sa'yo. Guwapo mo naman kasi." wika ni Daniella na mabilis na pinisil ang pisngi ni Railey na agad naman sinaway ng asawa at hinila ito at dinala sa likod. Napangiti naman si Railey na nag peace sign sa kuya ni Megan na nakasimangot.
"Goodboy po ako Kuya." wika pa ni Railey.
"Mag kapatid ba tayo?"
"Baka po soon." biro ni Railey na nagulat pa na parehas na humawak sa damit n'ya si Dennis at Gabriel.
'Hoy! Umayos nga kayong dalawa, masyado kayong mga hot, baka na lilimutan n'yo company nila ang nag susupply ng kuryente sa buong Pilipinas baka p*****n tayo ng kuryente or palakihin n'ya ang singil per kilowatt." biro ni Ara.
"Kalma lang kayo mga buds, wala po akong ibang pakay si Menggay lang po. Kaya be good to me naman oh!" wika pa ni Railey.
"Si Megan ang target mo pero si Aira ang inirereto sa'yo." wika naman ni Devin.
"Usapang Senior yun, hinayaan ko na lang para sa world peace."
"Siguraduhin mo lang Rai, sinasabi ko sa'yo hindi na ako nahawak ng baril ngayon pero kapag kumati ang kamay ko baka 'di na dumami ang lahi mo."
"Ayan na si Ate Megs." turo ni Aira sa kapatid na may hila-hilang lalaki na may kausap sa phone. Umasim naman ang mukha ni Megan ng matanaw si Railey sino naman kayang retarded ang nag-invite rito.
"Paano yan may dalang keychain." ngisi ni Dennis na tumingin sa kaibigan na nabura ang magandang ngiti habang nakatanaw sa paparating na si Megan.
"'Di bale loverboy, mukha naman binabad sa sukang mapakla ang keychain ni Megs, ikaw pa rin ang manok ko."
"Akala ko ba piloto ang boyfriend ni Megs." tanong naman ni Devin.
"Akala ko nga din, bakit mukhang kunduktor." wika naman ni Ara na tinawanan ng mga ito.
"Tanong mo kung anong biyahe? baka biyaheng Zapote mukhang matigas na kapote e." ani Gabriel na natatawa na lang din habang nakatingin sa dalawa.
"Naku, i-pa check n'yo si Megan baka yan ay na titikbalang." ani Dany.
"Huy, wag kayong maingay baka marinig kayo ng maligno." wika naman ni Aira.
"Ang bad n'yo! Tao pa rin naman yan, importante maputi." wika naman ni Dennis.
"Wag tayong mapang lait sa kapwa. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos." wika naman ni Railey na ikinalingon ng lahat dito.
"Gusto ko pong mangumpisal father." ngisi ni Daniella.
'Ako din po father, mag babawas ako ng kasalanan." wika naman ni Ara.
"Pero kidding aside mukha s'yang pusit na maraming muscles." wika ni Railey na tinawanan ng bongga nila Ara at Daniella.
"Wag na kayong maingay ayan na." saway pa ni Gabriel kaya nag tahimikan na sa pag tawa.
"Buds, guwapo pala sa malapitan. Koreano pala." bulong ni Dennis na nakangisi.
"Maliit yan, pustahan."
'Ah! Hindi na ako pupusta. Sayo na ang pusta ko." ani Dennis na nag high five pa ang dalawa.
"Parang ang saya n'yo ah!" ani Megan ng makalapit at pinakilala ang boyfriend nitong piloto daw.
"Taga Zapote ka ba?" tanong pa ni Daniella na tinawanan naman ng mga ito,
"English Te, hindi nakakaintindi ng tagalog."
"ahhh! What planet ---Where planet...ikaw na nga makipag-usap wala na ako sa mood." wika ni Dany na nanakit na ang panga nila Ara at Aira sa pag tawa maging ang mga lalaking kasama nila.
"Hay! he's from Korea hindi pa ba obvious. My korean jagiya." ani Megan sabay yakap sa braso ng nobyo.
"Hoy Hua ze lei, imik-imik, matatalo ka ni Lee min ho." biro pa ni Devin na ikinalingon nilang lahat dito.
"Paano mo sila nakikilala, Fan boy ka ano?" natatawang tanong ni Ara sa asawa na natatawa. Nag ring naman ang phone ng boyfriend ni Megan na ngumiting saglit na nag paalam sa kanilang lahat.
"Mukhang sobrang busy ng boyfriend mo, buti na isama mo pa dito." turan ni Gab.
"Na cancel kasi ang flight n'ya. So, I ask him kung gusto n'yang sumama dito."
"Sana, 'di mo na isinama mukhang napilitan lang naman e." ani Devin.
'Hindi naman Kuya, sadyang medyo busy lang talaga s'ya meron din kasi s'yang mga business."
"Which airline he's working?" tanong naman ni Railey na ikinalingon ni Megan.
"Bat' nandito ka? Invited ka?" mataray na tanong ni Megan kay Railey na ilang araw na n'yang iniiwasan para itong kabuti na magugulat na lang s'ya nasa harapan na n'ya.
"Gusto ko makita ang magiging ilaw ng tahanan ko." muntik ng masamid si Aira na tatawa sana pero napigil ng tingnan ng masama ni Dennis.
"Gusto mo makita ang ilaw ng tahanan mo, paano yan yung ilaw ng tahanan mo may kasamang generator." ngising turo ni Megan kay Dennis.
"Sapat na ang liwanag mo para mag liwanag ang mundo ko." ngisi naman ni Railey sabay kindat kay Megan na napangiwi buti na lang busy ang jowa n'ya at 'di na kikita ang kalandian tanglay ni Railey baka pag mulan pa ng away nila. Bakit ba kasi isinama ng pamilya s'ya. Na sisira lang tuloy ang araw n'ya.
"Puts*, ayaw ko ng sumakay sa Flying Anchor. Bumabaliktad ang sikmura ko." wika ni Devin na tatalikod na sana pero pinigilan ni Ara na tatawa-tawa.
"Medyo, kinilabutan ako dun Loverboy." wika naman ni Daniella.
"Lakas bang maka lockjaw, Megs." Tawa na lang din ni Gabriel na napatingin sa kapatid na hawak ang panga na minamasahe. Sabay simangot kay Railey na wala pa rin kupas sa mga kalokohan nito kahit lumipas na ang maraming taon.
"Sinasabi ko kasi sa'yo wag kang nag papalipas ng gutom." ani Dennis na niyakap si Railey na abot tenga ang ngiti.
"Sa susunod wag mo ring kakalimutan ang pag-inom ng gamot mo. Lumalabas na naman ang sintomas mo." biro ni Dennis, ngumiti naman si Railey.
"Pare, gusto ko ng umuwi." wika ni Railey.
'Bakit naman?"
"Nandito na kasi ang bahay ko." turo ni Railey kay Megan na napaubo sa banat ni Railey na talaga naman nagtayuan na ang balahibo n'ya,
"Last mo na yan Loverboy! Mag kakasakit ako sayo sa appendix." tawa ni Daniella natigil lang sa pag bibiruan ng biglang lumapit si Peter na boyfriend ni Megan para mag paalam na kailangan na daw muna nitong umalis dahil meron daw isang piloto na nag cancel ng flight at ito na ang mag fifill-in. Mabilis pang hinalikan sa labi si Megan bago umalis na napasunod na lang tingin sa nobyong nag mamadali. Muli lang napalingon si Megan sa pamilya ng maramdaman na may kumuha ng kamay at may ini-spray si Railey na parang amoy alcohol. Malakas na nag katawan ang buong pamilya n'ya ng iangat ni Railey ang kamay n'yang may alcohol saka ipinahid sa mismong labi n'ya.
"Baka may dalang virus mahawa pa ako pag naisipan kong halikan ka mamaya."
-
-
-
--
-
-
-
-
"Nag hihirap na ba ang pamilya n'yo?" tanong ni Dennis habang sakay sila ng ferris wheel. Kumunot naman ang noo ni Aira na nilingon ang binata sabay umiling.
"Bakit?"
"Si Megan, diba gusto s'yang ipakasal kay Damon Brichmore, tapos ikaw gusto kang ipakasal kay Railey."
"Puro pinag-uusapan pa lang naman ang mga iyon hindi pa fix."
"Tangalin na kaya natin to." wika ni Dennis na kinapa ang implant na nasa braso n'ya.
"Bakit?"
"Bubuntisin na lang ulit kita para 'di na maisipan ng parents' mong ibigay ka pa sa iba." natawa naman si Aira.
"Wala ka bang tiwala sa gandang lalaki mo, iniisip mo talaga na iiwan kita?"
"Mahirap na baka bigla mabagok ang ulo mo malimutan mo ako." natawa naman si Aira ng yumakap sa kanya si Dennis.
"Mag tiwala ka lang sa akin, Ikaw ang future ko." Napabuga ng hangin si Dnnis na hinalikan s'ya sa pisngi.
"Sa dami ng atraso ko sa'yo, natatakot ako na baka makakilala ka ng lalaki ma____ naputol ang sasabihin ni Denis ng mabilis na halikan ni Aira sa labi si Dennis,
"Kung wala kang tiwala sa pag mamahal ko sa'yo, mag tiwala ka kay Railey at sa 1st love n'ya."
"Sabagay, ngayon ko lang nakita na ganun ka corny si Rai, sanay ako dun na laging seryoso at nakatingin lang sa cellphoe n'ya or computer pero kanina medyo tumaas talaga ang balahibo ko." tawa ni Dennis ng maalala ang mga banat ng kaibigan kanina.
"Kailangan maunang makasal sila Ate Megan at Railey."
"Bakit?"
"Baka payagan na tayo nila Papa na makasal kapag nakasal si Ate Megs."
"Anong gagawin natin?"
'Edi, tulungan natin silang magkatuluyan." suggestion ni Aira.
"Ay naku ayoko ng ganyan mahirap na." natawa naman si Aira sa iniling ni Dennis.
"Ako bahala kay Ate, ikaw s'yempre bahala kay Railey. Kuya Railey pala." napangiti naman si Dennis.
"E paano yung koreano na boyfriend ng ate mo."
"Medyo diskumpiyado nga ako sa Peter na yun parang itim ang hasang." wika ni Aira.
'My God! soulmate talaga tayo Mare." wika pa ni Dennis.
"Bakit Pare, may nararamdaman ka rin bang bad aura sa peter na yun."
"Oo, gusto mo alamin natin." kindat ni Dennis.
"Game pero dapat secret lang natin patay tayo kay Ate Megs kapag nalaman na na ngengelam tayo sa love life n'ya.
"Aba, panalo na s'ya kay Rai, haba at bilog jackpot na s'ya." natawa naman si Aira sa kahalayan ni Dennis.
********
"Asan na ang boyfriend mo Megan, Akala ko ba isasama mo?" tanong ni Ivo sa anak habang nag sasalo-salo sila sa sang mahabang mesa para sa tanghalian. Napakamot ng ulo si Megan saka alanganin na ngumiti.
"Kasama ko po kanina kaso 'di ko kayo makita, bigla po kasi nag karoon ng emergency flight kaya umalis din po agad." napa-iling naman si Ivo.
"Kung alam ko lang sana ni yaya ko si Mon na pumunta." tukoy nito kay Damon.
"Sir, may I speak." biglang wika ni Railey na ikinalingon dito ng lahat. Kinabahan naman bigla si Megan na napatingin sa binata.
"Yes, you may Hijo."
"Gusto ko po sanang hingiin ang permiso n'yo na_____Aw!" Ah!" sapo ni Railey ang noo na humampas sa table ng bigla itong yumuko dahil umigkas ang paa ni Megan at sapol ito sa binti para pigilan itong mag salita. Nayanig ang buong mesa sa lakas ng pag kaka-untog ni Railey. Na agad naman dinaluhan ni Daniella na napangiwi nakaramdam naman ng konsensya si Megan sa ginawa 'di naman n'ya akalain na mauuntod ito sa mesa.
"Anong nangyari sa'yo hijo." nag-aalalang tanong naman ni Luxme. Alanganin naman ngumiti si Railey na sapo ang noo.
"Okay lang po ako Tita, matigas po pala itong mesa. Tenesting ko lang po." biro na lang ni Railey na lumingon kay Megan na agad na umiwas ng tingin.
"Buds, nag crack." biro pa ni Dennis na hinimas ang mesang tinamaan ng noo ni Railey.
"Ikaw na bata ka, Aira hija paki check mo nga kung okay lang ang noo ni Rai," utos pa ng ama kay Aira. Mabilis naman sinapo ni Dennis ang mukha ng kaibigan para tingnan ang noo nito sabay halik sa noo ng kaibigan na tinawanan pa ng lahat.
"Buo pa po tito, walang damage, ewan ko lang po sa loob."
"Puro ka talaga ka lokohan." Iling ni Ivo.
"Ano bang sasabihin mo sana Rai,"tanong ni Ivo.
"Wala po, nakalimutan ko na po. Nag ka amnesia po ata ako pero luminaw din po ang paningin ko."
"ha?' nag tatakang tanong ni Ivo. Napalingon naman si Megan sa gawi muli ni Railey nararamdaman n'yang may ibabanat nanaman itong kalokohan.
"Dahil nakita ko na po pati future ko." sabay-sabay na napatingin kay Megan ang lahat dahil sa sinabi ni Railey.
"Hahaha! Joker ka pa rin talaga. Kain ka pa mukhang kinakabag na utak mo." tatawa-tawang wika ni Megan.
"Sana nga joke na lang para lagi kong makita ang magaganda mong ngiti na nag bibigay liwanag sa akin nag didilim na paligid."
"Ewwwwww!" sabay-sabay na reklamo ng mga pamangkin nilang medyo may mga edad na na tinawanan naman ng mag kakapatid.
"Okay! uwian na may nanalo na."
"Calling Megan to the earth. Earth to Megan." kantiyaw pa ng mga kapatid.
"Mukhang si Megan ang target ng binatang gusto mo." bulong ni Dylan kay Ivo.
"Mukhang nga." sang-ayon ni Ivo.
"Na kakamiss yung kabataan pa natin ano." wika ni Dana.
"Hindi ko naranasan pakiligin ng ganyan noon. Wala paganyan itong si Trinitivo." reklamo ni Luxme na tinawanan ng bahagya ni Ivo.
"Naku, ako din. May pa flowers lang ito taong to kapag mag kaaway kami." wika naman ni Dana.
'Naku parehas tayo. Hay! Binuntis lang ako ng binuntis nito." tumawa naman si Ivo na napalingon sa asawa.
"Importante mahal kita at habang buhay yun." wika ni Ivo.
"Ikaw anong banat mo?" baling naman naman ni Dana sa asawa na napangiti.
"Hindi naman importante ang bulaklak dahil ang bulaklak na lalanta pero ang pag mamahal ko sa'yo habang buhay na ma mumukadkad."
"Okay! Pack up na! nag kakalokohan na dito." malakas na biro ni daniella na tinawanan ng lahat dahil sa mga parents nilang biglang naging sweet sa mga ina nila. Na inggit bigla sa mga bagets.
********
"Melissa! Melody, Melagrosa." sunod-sunod na tawag ni Railey kay Megan na nag mamadaling magtungo sa sariling kotse. Nag kayayaan ng umuwi at nauna na si Megan sa pag-alis para maka-iwas sana kay Railey
"Menggay."
"Ano ba Dimagiba!" inis ng anggil ni Megan ng lingunin ang binata.
"Kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang pag tripan mo, hindi na tayo high school student ng gaya ng dati." galit na wika ni Megan na bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng mabilis na pigilan ni Railey. Bahagya naman napatingala ng bahagya si Megan dahil halos magkadikit na sila ng bigla itong lumapit. Mas tumangkad pa ito kumpara noon, samantalang s'ya wala ng ibinago sa height n'ya parang ilang pulgada lang kung 'di s'ya nag kakamali.
"Hindi na Dimagiba ang apelido ko. Razon, isa ang pamilya ko sa pinakamaya_____."
"Oh! anong paki-alam ko?" mabilis na pigil ni Megan sa sabihin ni Railey.
"Baka lang mag bago ang isip mo." ngisi ni Railey. Tumaas ang kilay ni Megan at literal s'yang humakbang ng isa paatras sabay tingin rito mula paa hanggang ulo.
"Anong feeling mo papatulan kita? Mas gusto ko pang gawin pulutan ng bulate sa ilalim ng lupa kesa ma associate nanaman ako sa isang tulad mo. Kaya kung 'di naman sobrang kapal ng mukha mo lubayan mo ako." anggil ni Megan rito sabay tulak rito ng bahagya.
"E paano yan makapal ang mukha ko balak ko pa ngang yayain ng inuman yang mga bulateng sinasabi mo gusto ko kasing makipulutan sa kanila." ngisi pa ni Railey pagak naman tumawa si Megan.
"Makinig ka! Ito ang una't huling beses kong sasabihin. Totoo yung love letter ko sa'yo nun pero after what you did na realize ko sino ka ba para sayangin ko ang buhay ko sa'yo. You're not worth it after all."
"Wag kang mag salita ng tapos Meganda dahil as I told you before papayagan kitang mag boyfriend ng kahit ilang dosena pa pero ako ang magiging huli at yang koreanong mukhang pusit na maraming mussles hindi na kayo mag tatagal dahil kukunin na kita sa kahit anong paraan. Oh!Kuya Gab." wika pa ni Railey na ikinalingon naman ni Megan pero wala naman ang kuya n'ya sa likuran n'ya.
"Baliw ka tala____ahmp!" nagulat si Megan na mabilis na napa-atras na sapo ang bibig na ninakawan ng halik ni Railey.
"Hala s'ya! Kung gusto mo akong halikan mag sabi ka hindi yung ninanakawan mo ako ng halik. Masyado kang na hahalata."
"Gago!" malakas na sigaw ni Megan na susuntukin na sana si Railey pero mabilis itong nakatakbo paatras.