The past - Huling pasilip 2

2249 Words
Pakiramdam ni Railey huminto ang ikot ng mundo ng dumating si Megan sa gymnasium ang school nila kung saan ginaganap ang senior prom nila. Megan was really stunningly beautiful sa suot nitong magandang gown, Lahat ay dito nakatingin malinaw na kung sino ang magiging star of the night at si Kimberly malabong tanghalin ito ngayon star of the night sa ganda ngayon ni Megan na mukhang talagang pinag handaan ang gabi ito. Tuloy parang gusto na n'yang umalis dahil na titiyak n'yang siya ang dahilan kung bakit nag paganda ng husto si Megan at hindi pa man n'ya nagagawa ang utos ni Eliza, s'ya na ang na sasaktan para sa dalaga pero kailangan n'yang sumunod kay Eliza para rin sa kanilang dalawa. "Umuwi na lang tayo buds, parang hindi kaya ng konsensya ko ang gagawin mo. Look she's so beautiful at sure na akong s'ya ang mag-uuwi ng crown ngayon gabi." "I need to claim her." kumunot ang noo ni Sky. "Gusto kong malaman ng lahat na Megan Montenegro is in love with me at wala ng pag-asa ang kahit sinong lalaking narito." "But you're going to break her heart. Kaya mo ba yun?" tanong ni Sky. "Mag papaliwanag ako sa kanya after at alam kong makikinig s'ya sa akin." desidido na wika ni Railey. ******** "Ano ba naman yan Kuya, sabi nila Mama chaperon lang kita doon ka na sa kotse intayin mo na lang ako doon." "Ang utos ni Papa bantayan daw kita." "Bantayan edi sana hindi na lang ako pinayagan na umaattend. Tingnan mo nga wala ng makalapit sa akin lahat kung titigan mo parang lalapain mo sila ng buhay." reklamo ni Megan. "Ang importante ikaw ang magiging star of the night sure ako dun dahil gown mo pa lang para ka ng lalaban ng miss universe." biro ni Gab. "Ayoko na tara ng umuwi." maktol ni Megan na tumayo na sa kinauupuan may ilang oras na s'yang naka-upo. Naka ilang palit na ng tugtog at ilan ng schoolmate n'ya ang nag tangkang yayain s'yang sumayaw sa gitna kaso ang kuya naman n'ya kung makatitig akala mo naman ay bumbay itong na niningil ng utang na hindi nakakabayad. "Tara madali naman akong kausap." wika ni Gab na tumayo na rin. "Kuya naman." maktol ni Megan na napapadyak na nagusto ng maiyak. Tumawa naman si Gab ng bahagya. "Sige-sige na lalabas na ako 11pm uuwi na tayo okay." bilin nito ngumiti naman si Megan meron pa s'yang 2 oras para abangan si Railey kung lalapit ba ito sa kanya. Nakita na n'ya ito kanina na napaka guwapo sa suot nitong 3-piece suit at kasama si Kimberly na laging naka hawak sa braso ni Railey. Parang walang sign na nabasa nito ang love letter n'ya, kanina pa s'ya kinakabahan kanino kaya binigay ni Eliza ang love letter n'ya if ever na hindi kay Railey. Wala naman ibang nakakita na may love letter sa loob ng bag n'ya maliban kay Eliza. Pag labas na pag labas pa lang ng kuya n'ya nag gulat pa si Megan ng sunod-sunod na nag lapitan ang mga kapwa n'ya 4th year student na niyaya s'yang mag sayaw sa gitna. Ayaw naman sana n'yang paunlakan ang mga ito dahil gusto sana n'ya si Railey pero parang walang balak si Railey na lapitan s'ya kaya medyo na iinis s'ya rito kapag talagang natapos ang gabing ito na hindi s'ya na iisayaw ni Railey. Hinding-hindi na n'ya ito kakausapin kahit kelan magaling lang itong maki pag flirt sa cellphone pero walang kuwenta sa personal. 'Di n'ya maintindihan kung torpe ba o ano. Hindi na natutuwa si Megan it's almost 11pm na nag text na ang kuya n'ya at uuwi na daw sila nag dahilan na lang s'yang nag aannounce na kung sino ang King of the night at Queen of the night. Dalawa lang naman ang possibleng mapiling King of the night si Railey o si Skyler. Ilang minuto pa tinawag na si Railey dahil ito ang itinanghal na King of the night baba na sana si Railey sa stage after na tanggapin ang trophy, sash and crown ng pigilan ng Mcee para sa konting speech daw kinuha naman ni Railey ang Mic saka bahagyang ngumiti na ikinatili ng mga kababaihan. Bihirang ngumiti si Railey 'di tulad ni Skyler lahat nginingitian kaya kapag si Railey ang ngumiti at lumabas ang ngipin nitong naka brace mag papatayan na agad ang mga kababaihan. Napa deretso ng upo si Megan ng makitang mula sa suot na coat ni Railey inilabas nito ang pink na sobre at iwinagayway pa para makita ng lahat ang sobre. 'Wala akong speech na masasabi but I want to read some love letter na nakita ko lang sa locker ko at 'di ko lang maiwasan na ma proud sa sarili mo maybe I really deserve to be a King of the night. Okay gusto n'yo bang marinig kung anong nakasulat." nag sigawan ng boo ang iba ayaw pumayag. May ilang nag sigawan na meron din daw ang mga itong love letter na binigay rito pero parang walang narinig si Railey na tuluyan ng inilabas ang kulay pink na stationary. To My ever-dearest Railey, You're my first love and yes, isa rin ako sa mga babaeng humahanga sa'yo. Sino bang hindi? kahit mabantot ang apelido mo carry lang kung soon naman tatawagin akong Mrs. Railey Dimagiba. Every night you texted me and every night you called me 'di mo lang alam kung gaano ako kasaya at kinikilig. Kulang ang isang araw ko na hindi kita makaka-usap sa video call. Hindi ka naman siguro mag effort na tawagan ako gabi-gabi para lang mang-asar kaya I think the feeling is mutual. Kaya kung hindi naman kalabisan na itanong ko. Would you like to be my boyfriend? Ako kasi gusto kitang maging boyfriend and spend the future with you because I'm sincerely in love with you." Love, Megan Montenegro Sabay-sabay na napatingin sa gawi n'ya ang mga schoolmate nila na kapwa nila Senior high saka nag bulungan ang iba ay nagtawanan. Pakiramdam ni Megan gusto na n'yang mag laho ng mga oras na iyon sa labis na kakahiyan. "Melody, I'm sorry the answer is No but thank for this i will. kept this letter." mas lalo pang nag tawanan ang lahat ng tawagin s'ya ni Railey sa ibang pangalan, kung sa iba biro lang ang ginawa ni Railey at normal dito ang pang babasted sa ibang babae puwes sa kanya hindi dahil seryoso s'ya. Huling-huli pa n'ya ng kasali si Eliza sa pagtawa pero ng mapatingin sa kanya agad na nabura ang ngiti nito at nag mamadaling lumapit na akala mo ay isang kaibigan na nag-aalala sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi asan ang kuya mo? Sasamaha____- naputol naman ang pag sasalita ni Eliza ng bahagya n'ya itong itinulak at matalim na tinitigan ito. "Anong kasalanan ko sayo? Kulang pa ba ang mga perang binibigay ko sa'yo? Kulang pa ba ang mga damit na binibili ko para sa'yo? How about the allowance kinukulang pa ba ang mga nahihingi mo sa akin kasi sabi mo hindi ka binibigyan ng parents mo." pagak naman tumawa si Eliza na halatang na awawkward na sa nangyayari dahil nakatingin na sa kanilang lahat ang mga studyante. "You wrote that letter para pag mukhain akong tanga at papatol sa isang hampas lupa." halos sigaw na ni Megan ito na lang ang paraan n'ya para i save ang pride na bumagsak dahil sa ginawa ni Railey sa kanya. "Anong pinag sasabi mo, ikaw ang nag sulat ng love letter na yun." "ha! I'm a Montengro tingin mo ba papatol ako sa anak ng isang Driver. No way! At ikaw akala mo ba kaibigan talaga ang tingin ko sa'yo at akala mo ba hindi ko alam na ang ginawa mo sa uniform ko, anytime kaya kitang ipa expel dito sa school nag hihintay lang ng go signal ang school management kung kelan kita ipapatanggal pero na aawa ako sa'yo dahil graduating na tayo. Alam mo Elizabeth mabait ako sa taong mabait sa akin pero hindi ako tanga para hindi ko makita lahat ng ginagawa mo sa akin, na aawa lang ako sa'yo dahil kailangan mo ng limos." akmang sasampalin s'ya ni Elizabeth ng isang kamay ang pimugil. "Not so fast lady, mahal ang paderma sa pisngi ng kapatid ko baka hindi mo kayang bayaran kapag na gasgas." wika ni Gab na hinawakan ang kamay ng kapatid at hinila na palabas. "Wait Ms. Montenegro, ikaw ang Queen o____ "We are sorry Mrs. Ritual. We are declining the award ibigay n'yo na lang sa mga 2nd choice. Hindi pang dog show ang ganda ng kapatid ko." wika ni Gab saka tuluyan ng silang lumabas. ********* "Kung gusto mong umiyak, Go ahead hindi ako mag susumbong kila Papa." tahimik lang naka nakatingin si Megan sa labas ng bintana saka bumuga ng hangin. Totoo gusto n'yang umiyak pero mas gusto n'yang manapak kesa umiyak at iyakan ang 1st love n'ya. Narinig n'ya ang pang ring ng phone inilabas n'ya iyon at nakita ang pangalan ni Railey. "Hey!" gulat na bulalas ni Gab ng magulat ng ihampas ng kapatid sa lever ng kambyo ang screen ng iphone nito naka ilang pukpok pa ito hanggang sa mabasag iyon at tuluyan ng masira. Sabay hagis ng phone sa ibabaw ng dashboard. "Sabihin mo kay Papa nasira ang phone ko ibinato mo kaya bibilihan mo ako ng bago." natawa naman si Gab at 'di makapaniwala sa sinabi ng kapatid. "Bakit ako ang bibili ng bago, asan ang binibigay ni Papa at lolo sa'yo na pera." "Ayaw ko ngang galawin yun gagamitin ko yung kapag nag patayo na ako ng sarili kong dressshop kaya bilihan mo ako bago pag may work na ako babayaran kita." 'Scammer ka rin ano, sisira-sirain mo phone mo tas sa akin ka uutang ng pang bili." "Sayang naman ang pagiging guwapo at mayaman mo kuya kung 'di mo babawasan ang ipon mo. aamagin lang yun sa banko." tumawa naman si Gab na tinapik sa ulo ang kapatid. "Okay dahil nanalo ka ngayon ng queen of the night ako na ang ang mag bibigay sa'yo ng prize." - - - - -- - -- "F**k!" mura ni Railey na ibinato ang mouse ng hindi na n'ya ma access ang phone ni Megan. It's either nasira iyon or na reformat. 1 week ng hindi napasok si Megan, nag drop out na din sa school si Eliza dahil sa kahihiyan nakaranas ito ng pang bubully sa ginawa ni Megan rito. Naniwala ang lahat na hindi si Megan ang nag bigay ng love letter sa kanya pero wala s'yang paki-alam, Alam n'yang sinabi lang ni Megan ang masasakit na salitang iyon sa kanya just to save her pride na s'ya ang unang tumapak. Sinubukan n'yang punatahan ito sa bahay pero sabi ng guard umalis na daw si Megan papuntang ibang bansa. Kaya napilitan s'yang i hacked ang data base ng school nila para i check kung anong status ng pag-aaral ni Megan. He found out na nag take ito ng special exam at mag oon line class na lang hanggangs sa maka graduate ito. Sa madaling salita hindi na ito papasok at hindi na rin n'ya ito makikita kahit kelan. Ang phone na lang sana nito ang pag-asa n'ya para mag karoon ng balita rito pero kahit phone nito nawalan na s'ya ng access. Kaya pakiramdam n'ya pinag sakluban na s'ya ng langit at lupa hindi ganito ang inaakala n'yang mangyayari akala n'ya magagalit lang si Megan sa kanya at susuyuin lang n'ya ito at magiging okay na ulit sila pero hindi n'ya akalain na mag dodrop out ito sa school at mawawalan s'ya ng access sa phone nito. 'F*ck! Fu*K! F**k!" galit na pinag susuntok n'ya ang mga monitor ng computer n'ya saka napasabunot sa sariling buhok. Anong gagawin n'ya. Kailangan may gawin s'ya dahil tiyak na kapag hindi n'ya naka-usap si Megan tiyak ng walang future na nag hihintay sa kanilang dalawa. Na raramdaman na n'ya ang masalimuot na future nila in case na hindi n'ya ito makita o makausap man lang. ******** PRESENT! "Ikaw pala ang Railey na kaibigan ni Dennis. Naku! Lumabas ka ng simbahan baka bigla kang umapoy later." "Margarette, matabil pa rin talaga ang bibig mo tulad ng dati." "Megan! Megan ang pangalan ko, wag kang nag iimbento." "Ah! Melanie, Sorry. Tagal na din kasi ng huli tayong nag kita." napakagat ng labi si Megan saka pumikit para pakalmahin ang nag seseisure n'yang puso. Ma sstroke ata s'ya sa lalaking kaharap. "Sabi ni Aira, bantayan mo daw si Dennis patay ka daw kapag hindi mo binantayan." "Mukha ba akong bodyguard." "Hindi! Mukha kang nag bebenta ng life insurance. Bye!" itinaas pa ni Megan ang kamay saka pinagalaw ang mga daliri. "Mas maganda ka sa bride, MEGANda." wika pa ni Railey ng tumalikod na si Megan pero saglit itong muling humarap na parang may hinahanap sa loob ng pouch na dala nito maya-maya lang lumabas na ang kamay nitong naka dirty finger sa kanya saka tumalikod na ng tuluyan. Napangiti naman si Railey saka umiling-iling na bumuga ng hangin at hinanap si Dennis kung saan ba ito ng suot. After so many year sa wakas muli na ulit sila nag kita ni Megan at this time titiyakin na n'yang wala ng makakapigil sa kanya. Ilang taon din s'yang nag intay ng pag kakataon na ito. "This is it! pancit the most awaited comeback of Meganda and Railey Dimagiba." usal pa ni Railey na pasipol-sipol pa na pinuntahan ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD