"Menggay, tama na masakit na. Sorry na!" usal ni Railey na panay ang ilag sa mga binabato ng dalaga sa kanya. "Sorry? tingin mo makukuha sa sorry kung nahuli tayo na may ginagawa sa loob ng banyo. Ikaw na manyak ka ilugar mo kung saan mo ako mamanyaking animal ka." sigaw pa ni Megan, "Ang lakas pa ng loob mong mag pakita sa akin. Lumayas ka habang buhay ka pa dahil yung galit na nararamdaman ko sa'yo parang kaya kitang alisan ng hininga." natawa naman si Railey pero pinigilan n'yang magkaroon ng tunog dahil tiyak na lalo lang magagalit si Megan. "Ganyan ang mga gusto ko sa babae matatapang palaban." "Hindi ka ba nakokonsensya na animal ka! Nag papakasasa ka sa akin, you even want me pregnant tapos meron kang ibang babaeng pakakasalan. Anong balak mong gawin sa akin kabit!" "Hell no!