"Ano bang nangyayari sa'yo Peter! The last time sa hospital na kita pinuntahan. Tinatanong kita kung sino ng bugbog sa'yo ayaw mong sabihin. Ngayon naman na tanggal ka sa trabaho for what?" galit na sigaw ni Eliza habang nag aalsabalutan ang asawa na bago pa lang gumagaling ang mga pasa sa mukha. Halos 'di na ito makilala ng makita n'ya sa hospital at itawag sa kanya na may isang lalaki daw na nag dala roon sa asawa n'ya at walang nakakaalam sa nangyari. Kahit naman anong tanong n'ya rito kung sino gumawa nun ayaw nitong mag salita. According sa doctor lasing si Peter at malamang na pag tripan, tapos kanina lang nalaman n'yang hindi na pala napasok sa trabaho ang asawa pero araw-araw na alis pag-uuwi lasing ang laging dahilan nito may pinuntahan itong birthdayan sa tuwing tatanungin n'ya.