MARY LYNELLE
Inaantok ako na gumising kinabukasan. Binaling ko ang paningin sa katabi ko sa kama. Wala na ito. Nakaligpit na ang kumot ni Nanet tanda na nauna sila magising, kasama ng dalawa namin kasama na kasambahay.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napasulyap ako sa banyo may naririnig akong nagbubuhos ng tubig tanda na may naliligo. ‘Si Nanet nga siguro?’ Sambit ko sa sarili.
Umupo ako at niligpit ang mga ginamit ko sa pagtulog. Maya-maya biglang bumukas ang Cr at si Nanet nga ang lumabas. Nilingon ko ito at matipid na nginitian. "Magandang buhay, " wika nito.
"Gising kana pala besh, sarap ng tulog mo kaya ako muna ang naligo. Ikaw naman Besh, at ng makapag almusal na tayo, bago umpisahan ang trabaho," sabi ng madaldal kong kaibigan.
Kung hindi niya na a-alala siya ang dahilan ng puyat ko. Hindi nag papaawat sa chika minute sa mga pogi raw na anak ng boss namin kahit diko naman tinatanong sa kanya.
Ano naman kung gwapo? Trabaho naman ang pinunta ko dito! Pero guwapo naman talaga! picture pa nga lang lakas na dating nito, anang isip ko.
“Wait so ano Lynelle? Ibig sabihin aminado ka na pogi talaga?” mahina ko nasabi sa sarili. Hindi ko maiwasan ang mapatapik sa noo sa sumagi sa isipan ko.
Binilisan ko ang pagligo. Naabutan ko si Nanet na nakaupo sa kama at nakabihis na ito pagkalabas ko ng banyo. Mukhang ako nalang ang inaantay nito. Kumuha ako ng damit at muli pumasok ng Cr at doon nagbihis at nag mamadaling nag-ayos sa 'kin sarili. Hindi ko nang pinagkaabalahan tumingin sa salamin.
Maglilinis lang naman di na kailangan maayos ang postura. Pinasadahan ako ng tingin ni Nanet na tila kinikilig.
"Besh ganda mo talaga." Wika ng madaldal kong kaibigan.
"Matagal ko nang alam na maganda ako, nahuhuli kana sa balita.” Wika ko sabay napairap sa kanya.
"Tara na nga ano-ano sinasabi mo. Labas na tayo at baka mapuntahan pa tayo ni manang ka'y bago ko sabihin tinatamad na ako." Nginisihan lang ako ng bruha.
Sabagay simula elementarya magkaibigan na kami. Hindi nakakapagtaka sanay kami sa biruan sa isa't isa.
Nawalan kami ng komunikasyon ng ito ay nagtrabaho sa Maynila at naiwan naman ako sa probinsya.
Ayaw ko noon magtrabaho ng malayo kahit hindi kalakihan ang sinsahod sa grocery na pinapasukan ko. Ayos lang nakikita at nakakasama ko naman ang magulang at mga kapatid ko. Kung si tatay nga ang masusunod gusto rin niya na nag-aaral ako.
Nagsara kasi ang pinapasukan niyang pabrika. Nagpaubaya ako sa dalawa kong kapatid. Sila muna ang pag aaralin, bata pa naman ako. Makatulong din sa gastusin at dalawa pa silang sabay na nag aaral. Ang isa nasa kolehiyo at ang bunso naman ay nasa elementarya. Kahit tumigil ako sa pag-aaral, pangarap ko din bumalik pag okay na si Tatay. Sa ngayon ang pag galing muna niya ang iisipin ko.
Pagkatapos namin mag almusal tinuro sa 'kin ni Manang ang araw-araw na gagawin. Unahin ko daw ang bakuran at ang hardin kaya 'yon ang ginawa ko. Winalisan ko ang malawak nilang bakuran kahit di naman masyado makalat. Pagkatapos sinunod ko ang garden, kakatuwa ang ganda ng mga bulaklak. Naalala ko sa 'min ganito si Nanay marami siyang tanim sa bakuran namin, 'yon ang libangan niya araw-araw.
Nakakatuwa silang pagmasdan. Hindi ko mapigilan ang kausapin sila.
"Ang gaganda nyo naman." Wika ko sa mga bulaklak na para naman naiintindihan ako.
Pagkatapos ay tinanggal ko ang mga dahong natuyo na malapit ng malagas. Pagkatapos ko sa kanila pagdidilig naman ang gagawin ko.
Pagkakuha ko sa hose hindi ko namalayan napalakas ang pagpihit ko nito. Hindi ko na control sa paghawak sabay napunta ang tubig sa may kanan ko.
Nagulat ako at di nakagalaw sa lakas ng sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko.
Siya 'yon patay Lynelle basang basa ang damit niya. Hindi ko alam kung ano uunahin ko sa pagkataranta. Timing talaga sa kanya napunta ang lahat ng tubig at bihis na bihis pa naman ito.
"Tanga ka ba ha! Saan bundok ka galing!?" Sabi sa akin na parang dragon na bubuga ng apoy.
"Sorry po sir." Na mahina kong sabi.
Namutla ako at di makagalaw sa sobrang lakas ng sigaw niya. Hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha.
Napatungo ako sa takot na makita niya ang aking luha. Hindi nakontento sobrang sama niyang tumingin at ang dilim ng mukha nito na magkasalubong ang dalawang kilay.
"Sh*t-pag minamalas ka nga haman." Mahina bulong nito.
"Naku senyorito Henry ano nangyare?" tanong ni manang sa kanya na parang kabado.
"Bago lang ba 'yan dito,'yang babae 'yan, manang? at tatanga tanga!?" Wika nito.
‘Aba naman nakakadalawa ng pangit na 'to sa pagsasabi ng tanga. Nag sorry na nga ako sa kanya feeling naman niya, di ko naman sinasadyang mabuhusan siya. Bakit kasi lumapit siya doon. Siya ang may kasalanan padaan daan siya e ang layo nito sa garahe.’ Anang isip ko.
"Naku pasensya na senyorito bago palang siya dito hayaan nyo po pagsasabihan ko." Wika ni Manang
Hindi pa nga natapos ni manang magsalita naramdaman ko na nilayasan siya kaagad, bastos lang walang galang kala mo naman kina gwapo niya ang ganoon ugali sabay palihim ko pinunasan ang luha ko.
"Ayos ka lang ba Hija?" wika ni manang sabay haplos niya sa likod ko nakatungo pa rin ako hanggang ngayon.
"Opo." Sabay ng marahan naman akong tumango “Pasensya po manang” nahihiya kong sabi sa kanya. Bago lang ako palpak agad iiwasan ko nalang ulit magkamali lalo na pag andiyan ang dragon kung amo.
"Hayaan mo na lang Hija, baka nabigla lang at nagmamadali kanina at papasok pa sa opisina kaya siguro uminit agad ang ulo." Sabay tapik sa balikat ko.
"Papasok na ako sa loob at tapusin mo na 'yan agad, baka abutan kapa ng init ng araw." Sabi ni manang sa akin at naglakad na papasok sa loob ng bahay.
Binilisan ko nalang ang pagdidilig baka maabutan pa ako ng dragon kung amo.
Mahirap na baka mainit pa ang ulo mapagalitan ulit ako. Pagkatapos ko sa pagdidilig sa mga halaman inayos ko na ang hose at nilagay sa pinaglalagyan nito.
Pero bigla ako napa sulyap sa may bintana dahil pakiramdam ko may nanonood sa 'kin. Pagtingin ko wala naman.
"Ano ka ba Lynelle guni-guni mo lang 'yan wala naman tao?" Sabi ko sa sarili ko.
Binaliwala ko na ang 'yon at nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay dahil sabi ni manang tutulong pa ako maglinis sa loob ng sala, pag nakatapos ako sa gawain sa labas. Sa hagdanan nalang daw ang linisin ko at tapos ng linisin ng isang kasambahay ang sala.
Mabilisan akong nag punas mula sa taas hiningal ako ng natapos sa paglilinis.
Grabe naman kasi bakit paikot ikot naman ang yari ng hagdanan nila! sabay masama kong tingin na parang ang hagdan ang may kasalanan sa pagod ko!
Naisip ko papagawa ng bahay dapat hindi ganito.
“Wala naman sila palagi bakit ang laki! Pag mayaman nga talaga,” sabi ko sa sarili.
"Lynelle tapos kana, sa ginagawa mo?" wika ni manang sakin na may bitbit na pagkain sa tray.
"Opo." Sabi ko.
"Pwede ba mag utos Hija? ikaw na ang maghatid nito sa may terrace kay Senyorito Henry. Doon niya gusto mag almusal." Pakiusap ni Manang.
"Sige po Manang." Wika ko rito.
Kinuha ko sa kanya ang tray na pinaglalagyan ng almusal para sa masungit ko na amo. Napaisip ako, ganito ba ang oras ng almusal ng mayaman? Halos mag a-alas dyes na ng umaga.
Pinuntahan ko siya sa terrace at dahan-dahan ako sa pag lalakad. Mahirap ng matapon ang dala ko at mayare muli ako. Naramdaman niya siguro ang pagdating ko at bigla siya napalingon sa kinatatayuan ko.
Tumikhim ako bago tumuloy sa table na gamit nito. Madaming nakakalat na papel sa table niya. Siguro nag ta-trabaho ito habang nasa bahay.
Nilapag ko ang pagkain na sinusundan niya ako ng tingin. Hindi ko maiwasan na mailang sa ginagawa niya. 'Wag sana ako magkamali tiyak bubuga ito ng apoy.
Lihim ako napanguso. Bakit ba ganito ito makatingin para siyang isang lion na gusto ako kainin. ‘Ano ba naman! dami ko naiisip.’ Anang isip ko.
Paalis na sana ako ng bigla siyang tumayo sa harapan. Matiim ako nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang baba. Mas lalo akong nailang sa kilos nito. Lihim ako napalunok. "Sir aalis na po ako kung wala na po kayo ipag uutos?" wika ko sa kanya na mahinang boses at nakatungo
"What is your name again? Pwede ba? humarap ka ng maayos pag kinakausap kita!" Wika nito problemado.
Tiningnan ko siya ng patingala dahil sa kanyang katangkaran. Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig ito sa 'kin.
"Hindi kaba marunong magsalita kanina pa kita tinatanong?" Wika nito at hindi inaalis ang tingin sa mukha ko.
"Mary Lynelle po." Sagot ko dito.
Lumapit siya sa 'kin. Napapalunok ako nang lalo niya ako titigan ng matiim sa mukha. Hindi ko mabasa ang naglalaro sa kanyang isipan.
"Maganda." wika niya. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha. ’Omg, pakiramdam ko ako ang sinabihan niya.’ Lihim ko na kinurot ang palad ko.
’Assuming ka gurl!’ kantiyaw ng isip ko.
"Bagay sayo ang iyong pangalan." Sabay tingin sa labi ko. Nag-init ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Bigla ako napatingin sa labi niya. Parang bang sa babae na natural ang pula.
Na-conscious ako sa aking itsura. Kanina pa ako pawisan, dahil tuloy-tuloy na trabaho. Bigla ko nakagat ang ibabang kong labi dahil sa kilig na banat nito.
Napatingin ako sa mukha niyang seryoso na umiigting ang panga.
"Don't bit your lips or else I’ll kiss you right now." Wika nito na lalong kinapula ng mukha ko. Kahit mahina lang ang pagkakasabi nito ay malinaw sa pandinig ko. ‘My gosh Lynelle feeling mo naman hahalikan ka niyan aminin mo girl.’ Sabi ko sa sarili.
"Sige na wala na ako iuutos." wika niya na mahina ang pagkasabi. Nakahinga ako ng maluwag ng umupo kaagad at hinarap ang kanyang ginagawa.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi. ’Hindi pwede ang ganito Lynelle Mali ito.’ sambit ko na tila wala sa sarili.