MARY LYNELLE Lumapit kami ni Henry sa mga kaibigan niya pagkatapos ng kasal. Pagkatapos ng picture taking kasama ng kinasal ay nagpaalam silang magbabarkada. Nilapitan ko ang kinauupuan ng magulang niya at andoon ang mga bata. "Mama, sabay na po tayo papunta doon." Wika ko sa Mama niya. "Hindi na Hija, darating na ang driver, doon na kami sasakay," Akala ko nga dito ang reception yun pala ay sa Ancestral Home ng mga Martinez at tradisyon ng pamilya lahat ng ikakasal ay dito ang tuloy.Parte ito ng Tagaytay. Ang dalawang bata ay isinama na ng mga ito. "Pagod na?" tanong niya sakin pag kasakay ng kotse. "Ayos lang." Matipid kong sagot sa kanya. Tulog lang ang ginawa ko sa biyahe. Nasa reception na kami ngayon at kasama namin sa isang mahabang mesa ang kanyang tropa. Hindi halata na b