WARNING: RATED SPG, READ AT YOUR OWN RISK JUDE HENRY Sinundan ko si Lynelle ng ilang sandali na hindi pa nakakabalik sa aming pwesto. Hindi nga ako nagkamali at ang ugag na Thomas ay kumuha lang ng tiyempo. Nag init ang bunbunan ko sa aking naabutan kahit na nakipagkamay lang ito sa asawa ko. Asawa ko, naman na talaga ito, kung ituring siya, doon din naman ito patungo at kasal na lamang talaga ang kulang sa 'min. Gustong gusto ko na ito ayain ng kasal nauunahan lang ako ng takot baka ma reject ako kapag-inalok siya ng kasal. Nakikita ko kasi gusto pa niyang lumago sa kanyang career, ayaw ko na maging dahilan na matigil ang kanyang pangarap. Masaya ako pag nakikita ko ang kislap sa kanyang mga mata kapag ang usapan ay tungkol kanyang hilig. Kahit gusto ko nang pilipitin ang leeg ng T