MARY LYNELLE Hindi pumayag si Henry na hindi ang kanyang sasakyan ang gamitin namin. Umungot pa si Helena na sabay na kami pagpasok. Syempre tuwang tuwa ang kanilang Ama dahil naisahan ulit ako nito. Binuksan niya ang backseat para sa mga bata. Akmang sasakay na sana ako ng isarado na niya ito. Sinamaan ko siya nang tingin. "Aangal pa, doon po kayo sa tabi ko Mahal na Reyna." wika niya at pinagbukas ako ng pinto. Wala na ako magawa, pag makipagtalo pa ako makita ng mga anak ko. Pag kasakay niya sa driver seat inirapan ko ito na ginantihan lang ako ng kindat. ‘Tsk! akala niya madadala ako.’ Anang isip ko. Ang sigla ng mga bulilit sa likod iba talaga kapag buo ang pamilya. Napasinghap ako sa bigla kong naiisip baka mapalitan ng lungkot ang kasiyahan ng mga anak ko. Yon ang iniiwasan kon