CHAPTER FIFTEEN

1584 Words

MARY LYNELLE Ingay ng alarm clock ang nagpagising sa 'kin. Kaarawan ko nga pala ngayon pero wala man lang mga pagbati na natatanggap. Dati maaga palang si Nanay ay nambubulahaw na sa pagtawag para mauna itong bumati sakin. Ngayon kahit ni isa ay wala man lang nakakaalala. Kibit balikat ko na lamang ang tampo ko sa kanila. ‘Siguro mga busy lang.’ Anang isip ko. Pinasadahan ko lang ng kamay ang magulo kung buhok at tsaka bumangon at pinuntahan ang kwarto ng kambal. Napailing ako na parehong naghihilik pa. Pumasok ako na mga tulog pa ito. "Gising na mga anak, nang hindi tayo magahol sa paghahanda sa pag pasok." Wika ko sa kanila. Naunang magising si Hendrix. Mabilis itong gisingin, hindi katulad kay Helena na tulog mantika pag hindi ko pa ito buhatin, hindi ito babangon. "Morning Mom."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD