Kiel Ignacio Novel Grandford “Kalalake mong tao, pero kung umiyak ka parang bata.” Sabi ng bamirang may kulay pulang buhok, mapupulang labi at sobrang puting balat. Napalugmok ako sa semento at unti unting umatras dito. “Sino ka, bampira ka ba? H’wag kang lalapit, mapait ang dugo ko at kulay green!” Cross finger na sabi ko dito, naramdaman ko naman na tumama ang likod ko sa matigas. Nasa dead end na ako at ang bampirang napakaganda ay unti unting naglalakad papalapit sa’kin. Natatakot akong tumitig sa mga mata nito, ang lamig. Tila nagtindigan ang mga balahibo ko ng ngumisi ‘to sa’kin at pumantay ng upo sa tapat ko. “WAH MOMMY, BUNSO, MAMIMISS KO KAYO. PANGAKO KUNG SAKALING MAGING BAMPIRA AKO, HINDING HINDI KO KAYO KAKAGATIN. HUHU-” Natigil ako ng may pumitik sa noo ko, iminulat ko d