CHAPTER 2

1714 Words
Kiel Ignacio Novel Grandford “GOOD MORNING SUNSHINE, GOOD MORNING EARTH, GOOD MORNI-… ARAY!” malakas na sigaw ko habang hinihimas ang aking ulo, binatukan kasi ako ng aking kapatid na bunso. “Manahimik ka kuya, napaka ingay mo!” Sabi nito at tila naiinis pa. Napanguso nalang ako dahil dito, gusto ko lang naman batiin ang earth *pout*. “*pout* Isusumbong kita kay Mommy!” nakapout na sabi ko dito. Dinilaan naman ako nito at naunang maupo sa isang upuan na nasa harap ng hapag kainan. “Matigil kayo d’yan, nasa harap kayo ng hapagkainan tapos nagtatalo pa kayo.” Sabi ni Mommy habang naghahain ng pagkain sa table. “Ang ingay ingay kasi ni Kuya, Mommy. Dinaig n’ya pa ‘yong nakalunok ng megaphone.” Sabi ng bunso kong kapatid, nakatungong ngumuso ako bago tumingin kay Mommy. “Gusto ko lang naman batiin ang Earth, Mommy *pout*.” Nakangusong sabi ko dito, ngumiti sa’kin si Mommy. “ Sige na, kumain na kayo. Ikaw Kevin, h’wag mo namang inaaway ang kuya mo.” Nakangiting saway ni Mommy dito, tumango lang si Kevin at ipinagpatuloy ang pagkain. Bytheway, highway, halfday! Ako nga pala si Kiel Ignacio Novel Grandford, isang napakagwapong nilalang na nabubuhay na ng labing s’yam na taon sa mundong ibabaw. Ang katalo ko kanina ay ang nakababata kong kapatid, si Kevin Grandford na labing limang taon ng nabubuhay bilang isang bugnot na tao. 15 yrs. old palang ito pero mukang mas bata akong tingnan sa kan’ya. Hindi naman ako nagtataka dahil ipinangak na akong baby face, pero napapasana all nalang ako sa pangalan nito. Bakit kasi ang haba ng pangalan ko? P’wede naman, Kiel Gwapo Grandford edi sana maiksi iksi manlang. Anyway, wala na ang aking Daddy kaya si Mommy nalang ang nagpapatakbo ng aming kumpan’ya. Ang kumpan’ya namin ay ang pinakamalaking kumpan’ya ng mga sasakyan. Kahit anong uri pa ng sasakyan ‘yan. Actually, namatay kasi talaga ‘yong Daddy ko dahil sa aksidente daw na pangyayare. Pero ayon sa pagkakaintindi ko, sinad’ya ang nangyare. “Hoy malalate ka na!” Sabi ng aking kapatid, nanlaki naman ang aking mga mata. Mas’yadong napasarap ang aking pagkwekwento at hindi namalayan ang oras. “Hoy ka din, matuto kang gumalang sa mas cute sa’yo!” Sabi ko dito pabalik, hindi ako nito pinansin at tinalikuran na para mauna sa sasakyan. Mabilis akong tumayo at kinuha ang aking bag, first day namin ngayon pero grabe grabeng kaba na ang nararamdaman ko. Tila may masamang mang yayare, pero wag naman sana. Sumakay na kami sa’ming kotse, hindi kami hinahayaan ni Mommy na magdrive. Dahil sa nangyare noon, ‘yong bagong labas kasi naming sasakyan ay drinive ko at naibangga ko ‘to sa poste *pout*.  Nakakaawa kasi ‘yong pusa *pout* kumaway pa ‘to sa’kin akala n’ya yata ay sasagasaan ko s’ya. Iniwasan ko ‘to kaya sumalpok ako sa poste, hindi ko naman alam na hindi iiwas ‘yong poste *pout*, basta wala akong kasalanan. ‘yong poste talaga ang may kasalanan, period. “Hoy Kuya, ano bababa ka pa ba? Puro ka nguso d’yan hindi mo ba nakikita sarili mo? Ang panget mo kaya, Kuya.” Sabi ng aking kapatid, napayuko nalang ako at napanguso. “Eto na, bababa na. Hindi makapag hintay, may date? may date?” Pambabara ko nalang dito hanggang makababa ako. Tiningnan ko naman ang napakalaking gate na nasa harap ko bago unti unting napangiti. Sinong hindi sasaya kung makakapasok ka sa isang pinakasikat, pinakamaganda, at pinamahal na paaralan? At ang paaralan na’to ay walang iba kundi… Chantarantarantarantatannnnnn MORRIGAN UNIVERSITY Mabilis akong naglakad papasok, magkahiwalay kami ng pathwya na tinahak dahil mag kalayo ang building ng mga High school sa tulad kong mga college. Habang nakahawak sa magkabilang straps ng aking bag ay nakangiti at taas noo kong binaybay ang daan. Ngunit biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig kong pinagbubulungan ako. Nerd Yucks, baduy Eww! Cringe! May mapagtritripan nanaman sila Sarah at Limuel. Hahaha you’re right girl. Walang lingon at tingin na pinagpatuloy ang paglalakad. Tila kanina lang ay ang saya, ‘yon ay panandalian lang pala. Mapait akong napangiti sa sarili, hindi ko naman alam na hanggang ngayon ay dadanasin ko pa ang ganitong mga bagay. College na ako pero tampulan parin ako ng tukso. Ano bang masama sa pagiging cute? Hayst. Nagpunta ako sa cafeteria at bumili ng paborito kong inumin, Mugo Mugo. Nang hawak ko na ang aking card ay mabilis akong umalis dahil nakita ko sila Limuel na papasok ng cafeteria. Bakit kailangan sa iisang school pa kami parehas mag aral? “OW” sigaw ng mga studyante ng makita ang ginawa sa’kin ni Sarah. Hindi ako nakapalag agad dahil hawka nito ang braso ko, akala ko ay makakalampas ako kahit ngayon lang. Nagawa nitong ibuhos sa’kin ang Milktea na hawak nito. Ramdam ko ang malamig na pagdaloy ng likido. Imbis na pansinin ay winahi ko ang kamay ni Sarah, mabilis akong tumakbo paalis at dumeretso sa CR. Nakangusong tumingin ako sa aking repleks’yon, binuksan ko ang aking bag at kinuha ang wipes pati extra shirt ko. Matapos magpunas ng lagkit na mula sa Milktea ay nagpalit ako ng shirt at agad hinanap ang aking classroom. Pagpasok ay agad akong naupo sa dulong bahagi at umubob upang hindi ako gaanong kapansinpansin. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako. Nagising ako sa isang malakas na tadyak, mabilis akong nagmulat ng aking mata. Nakita ko si Limuel na nasa harap ko, itinumba nito ang aking upuan kaya nasama akong nasa sahig ngayon. Pinagtatadyakan ako nito, habang ako naman ay walang magawa kundi harangin ang mga ‘to. Kahit humingi ng tulong ay walang magtatangkang tumulong sa’kin. “Ang lakas ng loob mo, kung akala mo ay nakatakas ka p’wes nagkakamali ka!” malakas na sabi nito at akmang susuntukin ako ng biglang sumigaw ang isa siguro sa aming kaklase sa subject na ‘to. “Tama na ‘yan, nand’yan na si Prof.” Tumigil naman agad si Limuel at masamang tumingin sa’kin. “May araw ka rin sa’min.” Nakangising sabi nito bago umalis at maupo sa isa sa mga upuan. Mabilis akong tumayo, tinulungan ako nung babaeng nagsabi kanina na paparating na si Prof. Umupo ako ng maayos kahit na nananakit ang katawan ko dahil sa mga natamong tad’yak mula kay Limuel. “Okay ka lang ba?” Tanong ng babae, hindi makatingin na tumango ako dito. Malamang sino ba namang nerd na maglalakad ng loob tumingin sa babae, ako lang yata na cute. Tumingin ako dito habang nakangiti, inilahad ko ang kamay ko. “Kiel Ignacio Novel nga pala, salamat kanina ha?” Nakangiting sabi ko dito, ngumit din ‘to sa’kin. Diba? Tama ako, ako lang ang nerd na may lakas ng loob ng ganito dahil cute ako. “I’m Agatha Sim, transfer student.” Sabi nito bago tanggapin ang kamay ko. Napangiti naman ako dito. Dumating naman agad si Prof, mukang strict. “Good morning, please be seated. This is the first day of class so I want you to introduce yourself first, before we start our discussion.” Sabi nito at itinuro ang dulo kung saan kami nakaupo ni Agatha. “Let’s start from the back.” Sabi nito, nakangiting tumayo si Agatha at naglakad paunahan. “Agatha Sim, 18.” Nakangiti ito ngunit ang iksi ng sinabi nito, tumayo na ako dahil ako na ang susunod. “Hello sa inyo, ako nga pala si Kiel Ignaci Novel. Nakatira ako sa Earth.” Sabi ko at nag bow, naramdaman kong may bumato ng papel sa’kin ngunti hindi ko na ‘to binigyan ng atens’yon. Naglakad na ako ngunti pinatid naman ako ni Sarah kaya mabilis akong bumagsak. Nagtawanan ang mga kaklase ko. “Quiet!” malakas na sabi ni Prof. Tumahimik naman ang mga studyante kaya mabilis akong bumangon at naglakad pabalik sa’king upuan. Ganun naman dapat ‘di ba? Pagtapos mong madapa kailangan mong tumayo. Sumunod na nagpakilala si Sarah, kumekendeng ang p’wedet nito habang naglalakad paunahan. Para itong bebe na hindi mapaitlog. “Sarah Kim, 18 and the Queenbee of this university. Limuel is mine, so better back off.” Maarteng sabi nito, tama naman s’ya. Queenbee talaga s’ya, lalo na sa suot nitong stripe na yellow at black. Dinaig n’ya pa si Jollibee, kung maglakad pa ‘to ay parang ang laki laki ng p’wet. Pilit lang naman pinaguusbungan. Natawa ako sa aking naisip, kung mag negos’yo kaya ako ng pampalaki ng p’wet? Malamang ay papakyawin ni Sarah ang produkto ko. “Limuel Go, 19. Kilalanin n’yo muna kung sinong babanggain.” Mayabang na sabi nito. Saktong pag upo ni Limuel ay tumunog ang maingay na bell, nagpapahiwatig na oras na ng lunch. Hinintay ko muna makalabas ang Prof bago ko mabilis na binuksan ang bag ko. Napasimangot naman ako, wala dito ang baunan ko. Malamang ay nakalimutan ko ‘yon kanina dahil sa pagmamadali. Wala akong pagpipilian kundi ang kumain sa Cafeteria, afford ko naman ang mga pagkain dito pero hindi ko afford ang bugbog na tatamasin ko kay Limuel. “Bakit ka nakanguso, may problema ba?” Napatingin ako kay Agatha, nag aalala ang muka nito. Napangiti ako at may naisip. “Sabay na tayo mag lunch!” masayang sabi ko dito at sinakbit ang bag ko. Nawiewierdohan ako nitong tiningnan bago tumango, kinuha nito ang bag at nag lakad na. Sumunod ako dito. Mabuti nalang at wala na sa silid sila Limuel, baka nasa cafeteria na ang mga ‘yon. Ayaw papahuli pagdating sa pagkain. Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at tama nga ako naroroon na sila Limuel. Pumila kami ni Agatha, dito kasi ay lahat ay pantay pantay. Order mo, kunin mo. “Aba’t tamo nga naman, ang lakad talaga ng loob mong nerd ka?” Nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses ni Limuel na nagmumula sa likod ko. Unti unti akong humarap dito ngunti tulad ng inaasahan, sumalubong sa’kin ang isang tubig. Isinabuy ito sa muka ko kaya napapikit ako. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa sahig nanaman, nakalupasay dahil kay Limuel. Paulit ulit na eksena. Kita ko na umaawat si Agatha kaya ng makakuha ng pagkakataon ay hinawi at itinulak ko sila bago ako tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo, hindi ko na namamalayan kung saan patungo ang aking mga paa. Bigla akong nabunggo sa matigas kaya tiningnan ko ito, isang pinto. Dahan dahan ko itong binuksan at tumakbo papasok. Masarap na hangin ang sumalubong sa’kin. Napaiyak nalang ako, palakas ng palakas ang hikbi ko. “Huhuhuh *sobs*” Tuloy lang ako sa pag iyak, hindi lang dahil sa mga ginagawa sa’kin ni Limuel, dahil din sa malakas na pagbunggo ko sa bakal na pinto. Parang niyanig ang katawan ko dahil doon, mas’yadong masakit. “Kalalake mong tao, pero kung umiyak ka parang bata.” Unti unti akong nagpunas ng aking mga mata bago lumingon sa pinanggalingan ng boses. Natulala naman ako at nanigas, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko sa katawan ko. Nanlalamig ako at natatakot. May bampira! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD