“Hello Dra. Margaux, kumusta si Mrs. Sorrento?” bulong na tanong ni Heaven sa telepono, kasalukuyan siyang nasa telephone booth samantala si Aleck ay nakasandal sa motor habang naghihintay. “Alin sa dalawa?” biro ni Dra. Sañez sa kabilang linya. “Gaga, syempre 'yung original," gigil na sagot ni Heaven. “Ayos lang siya pero alam mo ba, makapal din talaga ang mukha ng Zenia na iyon. Imagine, inalok ako ng trabaho, at expected ko na rin na wala siyang pera. Ayon talbog nga ang tseke.” kwento nito. “So tinanggap mo ang alok?” inis na tanong ni Heaven sa kaibigang doktor. “Alam mo naman ako, Langit. Magkaiba man tayo ng landas, hindi ako pumapatay ng walang bayad, ako pa ang gugulangan niya.” paliwanag naman ni Dra. Margaux. “So kung hindi tumalbog ang tseke, papatayin mo si Mrs. Sorrento