Habang inaahitan niya si Aleck ay kababakasan ng iba't ibang expression ang mukha ng dalaga dahil sa takot na masugatan nito ang lalaki. “Bakit mo ako type?" Tanong ni Aleck at napatigil naman si Heaven sa ginagawa. “Konti lang ha. Huwag kang masyadong malunod sa kilig. Wala lang, pogi ka kasi, I mean gwapo. Masama at bawal ba?” walang emosyon na sagot ni Heaven at ipinagpatuloy ang ginagawa ngunit pinigilan naman siya ni Aleck. “Ganyan ka ba talaga? Mabilis ma-attract sa stranger?” seryosong tanong niya sa dalaga. “At kanino mo ako ini-expect na ma-a-attract? Sa poste na kilala ko?" inis na sagot ni Heaven at hinawakan ang baba niya upang hindi siya makagalaw at magtanong pa. Kunot ang noo na nagpatuloy sa pag-ahit ng bigote ng lalaki si Heaven, kagat-labi pa ito. “Kung ayaw mong ma