Muling tinitigan ni Aleck ang Hello Kitty underwear at in-stretch pa nito ang garter. High waist ang style ng panty at printed ng maraming ulo ng pusa at laso nitong kulay pula. Unbelievable! Lihim naman na tumingin si Aleck sa dalaga na nakatalikod, busy ito sa pag-aayos ng medicine kit box na gagamitin para sa kanya. Napatangin siya sa balakang nito. Ngayon lamang niya napansin ang magandang hubog na katawan ng batang doktor. Dahil sa suot nitong itim na leggings at loose t shirt, mas lumutang ang alindog ng katawan nito. Biglang ibinaling ninAleck ang tingin sa panty nang pumihit si Heaven. “Ano, tititigan mo na lang ba iyan?" seryosong tanong ni Heaven. Alam naman niya na hindi pa gaanong makakilos ang lalaki. Pagkapatong ng medicine box sa kama ay hinablot ang underwear sa kam