Biglang kinabahan si Heaven ngunit ikinalma lang ang sarili. Hindi pamilyar sa kanya ang mga taong kaharap. Matagal na rin siya sa bayang iyon ngunit kahit kailan ay hindi niya nakasalubong ang mga ito. Lihim siyang nagmasid at binilangnsa isip kung ilan lahat ang armadong kalalakihan. Nang makumpirma ay kinausap ang lider ng mga ito na may hawak ng warrant of arrest ayon dito. “Akin na ho ang papel, babasahin ko lang.” mahinahong sagot ni Heaven. Pagkunwa'y binasa iyon, alam ni Heaven na peke lamang iyon dahil walang official seal at alam niya ang itsura ng pirma ng mga opisyales ng bayan. Madalas siyang pumirma ng mga sertipiko para sa mga gamot na sinusupply sa kanyang clinic na galing sa pamahalaan. Mas lalo pang binusisi at tinagalan ni Heaven ang pagbasa upang makapaghanda si