Amara I DID try all the scents, but I haven’t found a perfect one for Jayden’s smell. Naamoy ko na ang mga pabangong gamit niya at walang gano’n sa mga nasubukan ko na sa perfume shop na kinaroroonan ko. Nalipat ang atensyon ko ng mag-vibrate ang cellphone ko. I received a text message from Jayden and my friends. Syempre una ko binuksan iyong kay Jayden at binasa ang paalam niyang pupunta siya sa bahay ni Eliam. Wala naman kaso iyon sa akin at nagpunta naman siya kaninang umaga sa bahay para pagluto ng almusal si Daddy. Ginawa na talaga siyang alila ng tatay ko. Pakiramdam ko nga mas nililigawan pa ni Jayden ang daddy kaysa sa akin. Nag-type ako ng reply kay Jayden at pagkatapos ay iyong text naman ng mga kaibigan ko ang pinagtuunan ko ng pansin. They were asking where I am and I told t