Amara PABILING-BILING ako sa kama at hindi magawang alisin sa isip ko yung tagpo kanina sa main entrance ng LJS Publishing saka sa kwarto ni Jayden. We almost kissed! I couldn't remember now when these feelings for Jayden started. Basta ang alam ko nagising na lang ako na gusto ko ulit na mahalikan niya. Kaya gayon na lang laki ng panghihinayang ko dahil may kumatok na room service. Agad akong bumangon at tumayo sa kama ko. Dali-dali ko sinuot ang aking jacket bago akmang pipihitin ang doorknob. Tama ba itong gagawin ko? Paano kung i-reject ulit? Malalim akong huminga saka tuluyang pinihit na ang doorknob saka lumabas. Inulit-ulit ko sa isip ko na kung hindi ko ngayon gagawin, kailan? Hindi bale na ma-reject basta ang importante, nasabi ko ang aking tunay na nararamdaman. Sana sapian a