Jayden MATAMA ko inaabangan si Ara sa harapan ng bahay nila. Madilim pa sa loob noon at ilang beses ko na rin pinindot ang doorbell ay wala pa rin nalabas. Eliam said that she's at the cafe but when I arrived there, Ara was nowhere to be found. Nakailang lakad na ako pabalik balik dito pero wala pa rin siya. Iniisip ko kung saan bukod sa cafe siya pupunta. Bago lang siya sa lugar na 'to at wala pa gaano kakilala kaya masyadong delikado na naiwan siyang mag-isa sa bahay. Sakto pa na napundi ang ilaw sa mga street lights kaya heto ako may bitbit na flashlight. Napukaw ang atensyon ko ng makarinig ng mga yabag at humihingal na palapit sa aking kinaroroonan. Tinapat ko ang flashlight na hawak na pinanggagalingan ng mga yabag. Kumunot ang noo ko bigla ng maaninag si Ara na tila pagod na pagod