"Veronica, wake up!" Halos gibain ni Joshua ang pinto ng kwarto ko dahil sa malakas na katok niya sa pinto. Bumangon ako para buksan siya. "Ano ba!" Sigaw ko. Magbihis ka nga diyan darating ang girlfriend ko." Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. "Anong girlfriend? Hindi ka pa nga sinasagot girlfriend mo na?" "Gusto mo sipain kita palabas ng condo ko?" Inis niyang sagot sa akin. "Gusto mo basagin ko 'yan mukha mo? Ang sakit ng ulo ko ginising mo na agad ako." Napahalulipkip ng kamay si Joshua. "Ikaw lang ang nakikitulog na matapang. Lumabas ka na diyan at parating na siya." Inirapan ko siya. "Tse!" "Lumabas ka ng kwarto at lilinis ko pa 'yan, amoy suka ang kwarto ko diyan ka nagkalat kagabi." Kinugulo ko ang buhok ko. Mamaya na matutulog pa ako—aray!" Sapilitan kasi akong pinal