HALOS paliparin ko ang sasakyan ko para lang makarating agad sa hospital kung saan dinala si Lester. Hindi ko akalain na mangyayari sa kanya ito. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Halo-halong kaba at pag-alala ang nararamdaman ko sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya na aksidente kung hindi dahil sa ginawa ko hindi sana mangyayari sa kanya 'yan. "Relax ka lang, baka tayo naman ang dalhin sa hospital dahil sa ginagawa mo na 'yan." Ani Joshua. Hindi pumayag si Joshua na hindi ako samahan papunta sa ospital kung saan dinala si Lester. May nakalagay na seatbelt sa katawan namin ngunit si Joshua ay nakahawak ang dalawang kamay sa upuan niya. "Gusto kong makita si Lester." Hindi mapapanatag ang loob ko, kung hindi ko siya makikita. Pagdating namin sa hospital ay hinanap k