BAKIT nandito kayong lahat? May reunion ba tayo?" Hindi ko napigilan magtaray nang makita ko ang mga bagong pamilya ng magulang ko. Biruin mo magpapakasal ako kay Lester dahil sa utang nilang lahat pagkatapos makikita ko silang lahat na masaya na kasal ko habang ako hindi masaya dahil napilitan lang. Ang lapad ng ngiti ni Mommy at Daddy ng lumapit sila sa'kin. "We are happy for you," sabay niya. Nakasimangot akong tinanggap ang yakap niya, si Daddy ay nag-aalangan na yakapin ako. "Yakapin mo na ako habang may one percent na kabaitan akong natitira." "Veronica." Sabay yakap ni Daddy. Nakangiti si Lester habang nakatingin siya sa amin. Akala mo siya ang anak kung ngumiti akala mo wala ng bukas. Kompleto rin ang mga kaibigan kong kasama ko sa gimik lalo na ang dalawang hudas barabas