"Hoy, Bruha! Anong tingin mo sa condo ko pagawaan ng daing at tuyo? Kanina ka pa nagbubuga ng usok ng sigarilyo." Inis na sabi ni Dina. Isang dipa ang layo ng inupuan namin ngunit nakatakip na siya ng facemask dahil baka magkasakit na raw siya sa usok ng sigarilyo ko. "Pagbigyan mo na ako hindi ko ito magawa sa bahay ni Lester." "Alam mo hindi ka na talaga tinigilan ni Lester simula noong nakipagsex ka sa kanya. Gaano ba kalaki ang pechay mo at baliw na baliw sa'yo si Lester?" Ngumisi siya. "Kung gaano kalaki ang dede ko at pwet gano'n din siya kalaki," sabay irap ko. Pinatay ko ng sigarilyo at muli akong nag sindi ng isang stick, pang anim na stick ko na ito sa loob ng ng dalawang oras ganito ako kapag sobrang stress. "Tigilan mo na 'yan baka magkasakit ka sa baga." Kinuha sa'kin ni