"Honey, gusto kong makita ang Baby natin." Tanong ko kay Lester. Isang linggo na akong nakalabas sa ospital ngunit hindi ko man lang nakita ang anak ko bago ako lumabas. Dahil pitong buwan ko lang siya pinanganak kaya may dalawang buwan pa siya sa hospital. Natuyo na ang mga sugat ko sa katawan maging ang benda sa ulo ko ay wala na rin at ang ang kanang kamay at paa ko ay maayos na rin. Nakaupo kami sa terrance sa ground floor namin. Bumuntong-hininga siya. "Next week na Honey may kakausapin lang akong investor. " Nakipag Titigan ako kay Lester. Bigla kasing nagbago si Lester. Noon lagi niya akong inuuna ngayon na lang hindi. "Sabihin mo nga sa'kin may tinatago ka ba sa'kin?" Kinutuban ako ng bigla siyang namutla at umiwas ng tingin sa'kin. "Gusto kong makita ang anak natin ngayon s