"Good Morning, Sir. Lester!" Bati sa'kin ng mga empleyado ko ng pumasok ako sa loob ng kompanya. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanila bagay na kinagulat nilang lahat. Hindi kasi nila ako madalas makita na nakangiti. Mula ng palitan ko si Daddy sa pamamahala ng kompanya ay naging tipid na akong ngumiti sa mga empleyado ko. Lumapit sa'kin ang sekretarya ko. "Good morning, Sir. Pinapasabi mo ni Sir Archie, may meeting kayo ngayong alas otso ng umaga." Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit masyadong maaga? wala naman 'yata sa schedule ko 'yan para saan ba?" Umiling ang sekretarya ko. "I don't know, Sir, pumunta na lang po kayo." "Okay, ipagtimpla mo ako ng kape." "Yes, Sir." Ayokong mainis ngayon dahil ito ang unang araw na papasok ako sa kumpanya mula ng kasal ko. Umupo ak